Ano raw?

Ang bias kong bakla

“Mamili ka, sapak sa ulo o kurot sa singgit?” Tanong ni Sungjee kay Shiwon habang kausap nito ang batang paslit sa cellphone nito.

“Ate Sungjee naman! Totoo yang sinasabi ko. Kelan pa ba ako nagloko?”

“Gusto mo ilista ko pa para malaman mo ang mga kalokohang pinaggagawa mo simula nung natuto kang gumapang?” Pataray na sagot ni Sungjee dito.

“Namaaaaan! Seryoso ako ate! Nakita nang dalawang mata ko yung couple ring nila! Ang sabi pa nga ni Ate Haneul na same gender relationship ang mga ganoon!”

Patuloy sa paglalakad si Sungjee nang may nakabunggo ito, dahilan kung bakit kumalat ang fresh baked muffins nito sa daan. “ASAR NAMAN OH~!” Inis na sabi nito at agad pinagpupulot ang mga muffins.

“Miss, tulungan na kita.” Sabi nung mamang nakabunggo. Di ito pinansin ni Sungjee at patuloy lang sa pagdampot ng muffins.  Nang natapos ito ay agad itong tumayo na nakasimangot. Kasabay sa pagtayo niya ay ang estudyanteng may cute na boses na nakabangga niya at binigay ang box.

“Di ko na yan mapapakinabangan kaya itapon mo na yan.” Pagsusungit ni Sungjee at tumingin sa binatang kausap. Natulala agad ito nang nakita kung sino ang kaharap.

 

“Di ko talaga sinasadya. Babayaran ko nalang lahat ng damages.” Sabi ng binata na naghihinayang sa nagawa nyang di sadya. “Magkano ba lahat?”

“Pakialam mo!” Mataray na pagkakasagot ni Sungjee at inirapan lang ang binata . Agad inabutan ng binata ng pera si Sungjee, pero di pa rin nito kinukuha ang pera. Medyo mapilit naman din ang binata at nilagay ang pera sa palad ni Sungjee.

“Quits na tayo. Sorry talaga!” Pagmamakaawa nito pero di ito pinapansin ni Sungjee. Nataranta ang binata, takot nab aka galit ang dalaga sa kanya.

 

“Jung Kook! Dali na! Pupunta pa tayo sa Dean’s office!” Sigaw ni Jimin at tinanguan lang ito ni Jungkook. Bumalik ito para sa tignan si Sungjee pero paalis na ito at tinapon ang muffins sa basurahan.

“Lecheng buhay naman ito oh! Sayang ang kikitain ko nito.” Reklamo ni Sungjee nang tinignan ulit ang inabot na pera ng lalaki. “Pero at least binigyan ako nung kookie dough look a like nito.”

“Miss muffins, wait!” Sigaw nang binata at walang kalife-life na tinignan lang siya ni Sungjee.

“Anong kailangan mo?” Tanong ni Sungjee na nagtaas ng kilay.

“Eto oh.” Agad na may inabot ni Jung Kook sa dalaga at kumaripas ng takbo. “SORRY ULIT!”

“Problema ‘nun?” Tanong ni Sungjee sa sarili at tinignan ang ibinigay. For one second parang wala lang, the next second nakanganga lang. “VVIP Concert Ticket !?”

 

“San ka ba galing?” Tanong ng manager nang dumating si Jung Kook sa Culinary Arts Department.

“Sorry hyung. May tinulungan lang ako.” Sagot ni Jung Kook.

“Okay fine. Sila Suga nasa perspective colleges na. Now kayong dalawa, enrol na kayo sa short-term course ng Culinary Arts. First day ninyo ngayon.” Agad binigay sa kanila ang kanilang schedule at  pumasok sa loob ng Dean’s office.

 

“Sungjee, pasensya kung natagalan.”

“Okay lang ate.” Agad na kinuha ni Sungjee ang mga extrang muffins mula kay Haneul at inilagay ito sa mesang assigned sa kanya. “Sorry sa abala.”

“No problem little cousin, mabuti nga nasa bahay si Daddy kaya madaling nahatid yan dito. Pano, alis nako. Bye!” Nagpaalam si Haneul nang nabigay nito lahat ng pinadala ng pinsan.

Bumalik sa mesa si Sungjee at agad inayos ang mga gamit para sa klase niya sa Pastry class. Biglang natahimik ang klase, ibig sabihin nakarating na ang professor nila. Umupo ito sa kanyang upuan at tumingin sa teacher. Saktong pag-upo nito ay may nakisabay rin ng upo.

“Hi! Wala naman sigurong nakaupo dito?” Tanong nung bagong kaklase habang nakangiti sa kanya.

‘Familiar face,’ yun ang nasa isip ni Sungjee. “Wala naman.”

“Good Morning class! I hope you are all ready for the activity today.” Pagsisimula ni Chef Smith, foreign culinary professor nila from USA.

“Ikaw si miss muffins diba?” Ngising tanong nit okay Sungjee.

Naalibadbaran na si Sungjee pero iniisip pa rin nito kung bakit pamilyar ang kausap. “Aside sa nagbunggo tayo kanina, you look really familiar.” Panimula nito.

“Really?” Ngisi na naman ni Mr.Pogi. “Hmmmm, di naman siguro.”

“Siguro dahil sa common ang mukha mo?” Taas-kilay na pagkakasabi ni Sungjee.

“Hmmmm, okay.” Ngising sagot ng binata.

“..We have a new student in class today, he’s popular especially to the teens now.” Ngising sabi ni Chef Smith at tumingin banda sa table ni Sungjee. Agad naman na-alarma ang dalaga. ‘Banda sa amin? Sino?’

Agad na tumayo ang binatang katabi niya mula kanina at nakangisi sa kanilang lahat.

“Annyeong Haseyo~! Chonun Jungkook-imnida. I’m taking a short term course in culinary arts right now. Please treat me well.” Matapos nagpakilala ay umupo ito at tumingin kay Sungjee na nakanganga.

“You’ve got to be kidding me?!”

 

_______________________________________________

 

“Okay class, for today’s activity I want you to be in pair and make an article about your partner. Reporting next meeting.” Yan ang instruction na ibinigay ni Miss Kim sa kanyang Journalism class. Kasalukuyang nag-iisip si Naru kung sinong pwedeng ipapartner niya sa activity nang may bumugad na Kim Jong In sa kanyang harapan.

“Pwede ka bang maging partner ko?” Tanong ni Kai at umupo sa harap ni Naru.

“O---okay?” Walang kabuhay-buhay na sagot ni Naru at binuksan ang notebook.

“Sinong crush mo?” Yun agad ang tanong ni Kai sa kanya kaya agad niya itong tinignan.

“ Wala man lang kamustahan?” Tanong ni Naru sa kanya.

“Anong problema dun sa tanong ko?” Ngising sabi ni Kai, akmang pacute pero di ito kinagat ni Naru. “Ano nalang, anong type mo sa lalaki?”

“Seriously?” Inirapan ni Naru si Kai at tumayo.

“Saan ka pupunta?”

“Maghahanap ng kapartner na may desenteng tanong.” Sabi ni Naru at agad naman siyang hinila ni Kai pabalik para makaupo.

“Sorry, nagpapatawa lang ako.” Sabi ni Kai pero again, fail kasi di ito pinansin ni Naru. “Ba’t ang sungit mo?”

“Wala, wag mo nalang pansinin.” Sagot ni Naru at nagsimula. “Magtanong ka na ng desente kung ayaw mong maghanap ka ng bagong partner.”                                                         

“Eto naman di mabiro, first day mo?” Banat pa ni Kai at tinignan lang ito ng masama ni Naru. “Sorry.”

Umirap lang si Naru at nagsimula magsulat sa notebook. “Isulat mo lahat ng tanong mo muna, pagkatapos natin isulat tsaka tayo magtanong sa isa’t isa para smooth ang flow.”

“Okay,” sabay buklat ni Kai sa notebook niya at nagsimula magsulat.

 

Abala sa pagsusulat si Naru sa mga tanong niya sa binata habang si Kai ay abala sa kakatitig sa dalaga. ‘Cute siya kung seryoso, pero mas cute siya kung nakangiti,’ sabi nito sa sarili niya.

“Okay, tapos nako! Ikaw?” Agad napa-acting sulat si Kai nang tinignan ito ni Naru at nagdrama na nag-unat-unat.

“Game.” Ngising sabi nito. “Sinong mauuna magtanong?”

“Ako nalang,” sagot ni Naru at tumingin sa notebook. “Diba may tatlong aso ka? Sinong pinakapaborito mo?”

“Walang favouritism kasi favourite ko silang lahat.” Ngising sagot ni Kai.

“May topak ka ba?” Tanong ni Naru.

“Luh ka! Wala noh!” Depensang sagot ni Kai.

“Kasi lagi kang nakangisi na parang asong ulol.” Poker face na pagcocoment ni Naru.

“Taray naman, sigurado kang di mo first day?” Tanong ni Kai at sa di pa mabilang na five seconds ay pinalo siya ni Naru ng libro. “What was that for?”

“For asking a question that was answered earlier.” Sagot ni Naru. “Kaw naman magtanong.”

“Type mo sa lalaki?” Direktang sagot ni Kai na sumilip sandali sa notebook. Napataas naman ng kilay ang dalaga. “Seryosong tanong yan kaya pakisagot.”

“Someone like my dad.”

“Gurang?”

“Matangkad, pogi, hardworking at may sense of humor.” Sagot agad ni Naru. “He may be old but he’s cool.”

Sinulat naman yun ni Kai sa notebook. “May natitipuhan ka ba sa department natin?”

“It’s none of your business.” Ngising sagot ni Naru.

“But I need it for my paper.” Ngising sagot ni Kai. “Ako yan noh?”

“Asa! Laki naman ng ulo mo.” Sagot ni Naru.

“Clue man lang?” Tanong ni Kai with an eyebrow raised. Bakit niya ito tinatanong? Para malaman niya sinong huhuntingin niya para walang karibal kay Naru! At the same para alam niya ang standards ng dalaga.

“Matangkad, matalino at maalalahanin.” Sagot ni Naru na nakangisi. Para di mahalata, dapat safe answer ang ibinigay ni Naru sa dalaga.

“Naru!” Agad may tumawag kay Naru at agad naman napalingon ang dalawa. Nasa may pintuan kasi sila kaya madali ito makita ng mga dumadaan.

“Jonghyun! Hi!” Ngising sagot ni Naru with matching mahinhin voice. Napataas na naman ang kilay ni Kai.

“Mamaya sa dance practice, wag ka magpapagod masyado ah? Baka naman mapawisan ka at ubuhin ka na naman.” Pag-aalala na sabi ni Jonghyun kay Naru at agad nag-nod naman si Naru. “Pano, kita nalang tayo later! Don’t skip meals or else! Susumbong kita kay tito!” Ngising sabi nito at naglakad na papalayo sa kanila.

“Bye Jjong-sunbae! Later!” Ngising sabi ni Naru at nagwave sandali kay Jonghyun.

“So si Kim Jonghyun?” Tanong ni Kai na may pang-asar na ngiti.

‘Don’t fall for that smirk Song Naru!’ Sabi nito sa sarili na nag-smirk din. “So ano ngayon?”  Oo, crush ni Naru si Jonghyun simula nung sumali siya sa dance crew ng university at tinitingalaan niya ito. Bukod kasi sa magaling sumayaw at mala-anghel na boses ay isa siya sa top 10 best performing students sa buong university. Taray ni kuya!

‘Mas gwapo naman ako ‘nun noh!’ inis na pagkakasabi ni Kai sa sarili na medyo nangiwi ang mukha. Kung iisipin, pareho naman sila na kumakanta ant sumasayaw, lamang si Kai kasi sikat siya di lang sa school pero sa buong korea at international habang si Jonghyun ay sa school lang. Pero, MAS magaling at MAS matalino lang si Jonghyun kaya tingin niya kagwapuhan lang niya ang lamang nito sa kanya.

“Are those all your questions? Kasi magtatanong na ulit ako.” Sabi ni Naru at akmang titingin na sa notebook.

“May isa pa.” Full confidence na sabi ni Kai at bumalik ang atensyon ng dalaga sa kanya, “pwede ba kitang ligawan?”

“No go signals from daddy, no suitors to entertain.” Yun lang at nagtanong na ulit si Naru.

___________________________________________________

 

“Problema mo di maipinta, anong nanyare?” Tanong ni Hanbyul kay Shiwon. Si Hanbyul ang kaklase ni Shiwon at the same time kababata since magkasama sila bago pa sila matutong gumapang. Ito ang anak ng ka-partner-in-crime ng tatay Seungheon niya at tinuturi niya itong matalik na kaibigan. Nasa  canteen sila ngayon since lunch time na at halatang gutom na ang dalawa. “Pasan ma ng mundo ang peg mo ngayon?”

“Byul, naniniwala ka ba sa TaoRis?” Tanong ni Shiwon kay Hanbyul.

“Ay! Gusto kong OTP yan!” Ngising sabi ni Hanbyul with matching kilig. “Bakit?”

“Naniniwala ka ba na sila?” Tanong ni Shiwon kay Hanbyul at kinain ang muffin na ninakaw niya sa ate Sungjee niya. Joke! Nagpaalam siya na kumuha siya pero di na niya inantay ang sagot ng pinsan at agad na umalis sa kusina.

“May rumor pero I doubt totoo, bakit?” tanong ni Hanbyul sabay kagat sa muffin ni Shiwon at nasali pa ata ang kamay nito kaya—

“Araaaaay!” Sigaw ni Shiwon at tinignan ang Hanbyul. “Patay gutom lang? Pati daliri ko kakainin?”

“Sorry! Kasalanan ng kamay mo at ganyan ang pagkakahawak mo sa muffin!” Depensa ni Hanbyul at ngumiti. “Sorry ulit!”

“Asar!” Simangot ni Shiwon at nilayo kay Hanbyul ang muffins.

“Uy, ano na? Ba’t mo natanong?” Tanong ulit kay Hanbyul nang napansin di sinasagot ni Shiwon ang tanong niya kanina.

Nagdadalawang-isip si Shiwon kung sasabihin ba niya sa best friend niya ang nakita niya o tikom ang bibig. Wow lang! Himala naman kung ganun!

 “Spill it Song Shiwon.” Sabi ni Hanbyul na nakatitig sa mata ng dalaga.

“Byul, I need your trust.” Panimula ni Shiwon.

“You can always trust me, since diaper babies days pa natin.” Sagot ni Hanbyul.

“Your full trust and promise you will NEVER say something or anything RELATED OR UNRELATED TO IT!” Emphasis ni Shiwon sa mga important words.

“Sabihin mo na kasiiii! Ang bagal!” Reklamo ni Hanbyul sa pathrilling na Shiwon.

“Seryoso ako Hanbyul! ORAS NA MALAMAN KONG PINAGSABI MO KAKALBUHIN KITA NA KITA UTAK NALANG!” Sabi slash sigaw ni Shiwon kay Hanbyul with matching kinwelyuhan ang dalaga.

“UNAHIN KO YANG ULO MO KALBUHIN KUNG DI MO SASABIHIN!” Bara ni Hanbyul sa dalaga at napabitaw si Shiwon.

“BUBUHUSAN KO NG ASIDO YANG MUKHA MO!”

“KAKABITIN KO SI DODONG MO!”

“ay wag naman ‘yan! Sumusobra ka na nyan friend!”

“May balak ka pa bang sabihin yan o wala?”

“Eto na! sasabihin na!” At agad na nilagay ni Shiwon ang palad niya sa tenga ni Hanbyul para sabihin ang sikretonh nakikita niya.

“WHUUUUT? TAORIS IS ASDKFGLAKDSKFSG!”

“Asido sa mukha gusto mo?” Tinakpan ni Shiwon ang bibig ni Hanbyul. Nang tingin niya okay na tsaka pa niya ito inalis sa bibig niya.

“Pwe! Alat ng kamay mo!” Reklamo ni Hanbyul.

“Galing CR eh.” Pagmamalaki ni Shiwon.

“Kadiri kang babae ka tapos inaasahan mong magugustuhan ka ni Kyungsoo?”

“Shatap!”

“Anyhow, paano mo naman nasabi iyon?”

“Kita nang dalawa kong mata!” Sabay turo ni Shiwon sa mata nya.

“Saan?”

“Doon sa photoshoot. Silang bagong endorser ni lolo sa toiletries.” Sagot ni Shiwon.

“What’s the plan?”  Tingin ni Hanbyul kay Shiwon at napatingin din si Shiwon kay Hanbyul. Within a second, nagtugma ang nasa isip nila.

“I bring my cam, you bring the disguise.” Sabi ni Hanbyul at agad ginawa ang secret handshake ng dalawa. “Where and when?”

“Magkakaroon ng series of photoshoot next Saturday.” Feel na feel ang pagplaplano ni Shiwon sa gagawing detective project ng dalawa. “Mag-ala make-up artist tayo tapos pipinturahan natin ang mukha nung dalawa at mula doon ay magiging distracted sila. Tutulungan mo sila sa pagtatanggal with matching asking questions habang ako, hahanapin ko si Dodong at aalis kami sa photoshoot. Magtatanan kami at pupunta kami sa malayo. Magpapakasal at we will live happily ever ---aray! Ano ba?”

“Tanga! Yung dalawa puntirya natin, di yang Dodong mo!” Batok ni Hanbyul kay Shiwon. “So, next Saturday titingin tayo ng photoshoot, from there gagawin natin ang plano. Bahay mamaya, gagawa tayo ng game plan.”

 

______________________________________________________

“Sampung mga daliri, nawala ang lima! Hinanap ko, hinanap ko, hawak niya pala!” Ngising kanta ni Ahra habang nakahawak sa sariling kamay. LSS ang lola niyo sa kasweetan nila ni Minho, palibhasa kasi puro MU lang ang nangyayari nung high school at college kaya ngayon awkward pakinggan ang matandang kinikilig. “Di pa ako gurang ah!” Sigaw nit okay Yenne na nasa tapat na cubicle.

“May sinasabi ba ako?” Tanong ni Yenne na natatawa sa ginagawa ng kaibigan.

“Malay natin, mapanglait pa naman si Shiwon!” Reklamo ni Ahra.

“Si Shiwon yun, hindi ako.” Kaswal na sagot nito habang ginagawa ang paperworks. “Ano bang meron laki ng ngisi mo?”

“Nagdate kami Minho kagabi, nagholding hands habang naglalakad.” Kilig na pagkakasabi ni Ahra dahilan na natawa si Yenne. “See! Kagaya ka lang nung pamangkin mo!”

“Natutuwa lang ako Ahra, hindi kita inaasar.” Ngising sagot nito.

“Magboyfriend ka na kasi!” Sabi ni Ahra kay Yenne.

“Nagka-boyfriend na ako noh!”

“Edi magboyfriend ka ulit!”

“Loka! Tingin mo sa lalaki? Paraffle? Display sa stall sa mall na anytime pwede mo bilhin?” Tanong ni Yenne sa kanya.

“Di naman pero para dalawa na tayo tapos double date tayo!” Excited na pagkakasabi ni Ahra.

“Kung magkakaboyfriend si Ate Jae, tsaka pa ako papasok ulit sa relasyon.” Of course, ayaw naman niya maunahan kapatid niya. Laman na nga ito ng one point samantalang bokya pa ang ate niya.

“Edi ipagdate si Kuya at Ate Jae.” Simpleng sagot ni Ahra.

“You forgot, tingin ni ate sa kuya mo eh one of the big bros na rin.” Sagot ni Yenne.

“I know, pero matutunan din naman ni ate Jae paano mahalin si kuya Jae diba? Tsaka di ko naman nimemean na maging boyfriend-girlfirend ang dalawa! Date lang. Himala na sa himala, obvious na super torpe ni kuya! Mauunahan pa ata yun nung karibal niya!” Sagot ni Ahra since “I <3 2Jae” ang banderang sinusulong niya.

Neol chajaganda chueogi bonaen tingkeobel ttaranaseotdeon neverland
Geu gose naega neowa barabomyeo utgo isseo
Nan yeongwonhan neoui piteopaen. Geu sigane meomchun ne namja
Seotuljiman neomu saranghaetdeon naui neoege danyeoga

 

 

“Yenne speaking.” Sagot ni Yenne na di tinitignan ang caller. “Ate! Hmmm…okay, sige, sige. No problem! Bye!”

“Anong sabi?” Curious na tanong ni Ahra.

“Sasabay sa akin sa pag-uwi from school. Akong susundo sa kanya.” Sagot ni Yenne at patuloy ulit sa pagtratrabaho.

“Bakit naman? May biglaang meeting ang school?”

“May date siya.” Ngising sabi ni Yenne.

“Talaga? Kanino?” Tanong ni Ahra.

“Dun sa kasama ni kuya nung foundation day, si Mr.Lau,”

“Saan, kelan, anong oras?” Tanong mula sa likod.

Nagtaka ang dalawa at tinignan ang nasa likod ni Yenne.

“Selos ka?” Ngising tanong ni Ahra sa kuya niya na napadpad sa HR department.

“Curious lang.” Sagot ni Jaejoong kay Ahra. “So Yenne, may kadate si Jae ngayon?”

Napayango lang ang dalaga habang tinitignan siya. “Bakit?”

“Sinong kadate niya?”

“Si Henry.” Kaswal na sagot ni Yenne at tumingin ulit sa computer.

 

“Kim Corporations, Yenne speaking.” Multi-tasking ang trabaho ni Yenne. Habang gumagawa ng report, taga-sagot in incoming calls at outgoing calls ng kompanya.

“Nak, si daddy itoh,”

“Yes daddy? Napatawag ka?”

“Can you run an errand for me, you can bring Ahra or any of the kids along if you want.”

“Ano po yun?”

“Gusto ko magdinner kayo sa bahay bukas. If it’s okay, mamili ka ng lulutuin for dinner. Gusto ko ikaw magluto good for 25-35 people.”

“Ang dami naman ‘nun dad!”

“Isang putahe lang. The rest will be taken care from the maids.”

“Fine.”

“Sige, see you mamaya sa bahay.” Yung lang at binaba ang phone. ‘Grocery time mamaya then.’

 

“Anong lulutuin tita?” Tanong ni Shiwon habang nangunguna paglakad sa grocery store. Shopping time si Yenne since yun ang errand sa kanya ng daddy nila.

“Hmmmm, di nasabi sa akin ni daddy kung para saan basta good for 25-35 people.” Sagot ni Yenne.

“Ang dami naman!” Reklamo ni Shiwon. “May party ba?” Kaysa sumagot ay tinaas-baba lang ni Yenne ang balikat nito.

 

“Yenne?” Tawag ng tao mula sa harap at tinignan ito ni Yenne.

“Luhan? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Yenne kay Luhan na nakahoodie na tinatago ang mukha.

“Grocery.” Sabay pakita ng cart. “Ikaw?”

“Same.” Sabay turo sa cart na puno ng kung ano-ano.

“Dami naman. May okasyon ba?” Tanong ni Luhan.

“Actually di ko alam, sinabihan lang ako ni daddy na magluto para sa tatlopu’t limang tao.” Ngising sagot nito. “Ikaw lang?”

“I’m with RiSeu, kapatid ni Chanyeol. Ikaw?”

“Pamangkin.” Ikling sagot nito.

“Luhan! Nandyan ka lang pala! Basta ka lang nang-iiwa---, ay,” napahinto si RiSeu nang napansin niya si Yenne sa harap ni Luhan. “Nakaistorbo ba ako?”

“Di naman.” Ngising sagot ni Luhan. “Nga pala, Yenne si RiSeu, kapatid ni Chanyeol. RiSeu, si Yenne…” Napataas lang ang kilay ni RiSeu sa susunod na idadagdag ni Luhan.

“Acquaintance?” Hula nito.

“Nope.” Sagot ni Luhan.

“Friends?” Ngising tanong ni RiSeu.

“Errrr…”

“GIRLFRIEND?!” Nanlaki ang mata ni RiSeu nang tanungin niya yun. Nagulat naman si Yenne sa pabigla-bigla na tanong ni RiSeu.

Pero para kay Luhan, nakaisip ito ng bright idea. ‘Since di mo naman ako pinapansin,’ “Di ko PA girlfriend.” Ngising sagot nito at umakbay kay Yenne.

“WHAT?” Sabay tanong nila Yenne at RiSeu at tumingin kay Luhan.

“Oo!” Sabay siko kay Yenne para makisabay sa trip nito pero mas pinili na manahimik ni Yenne.

“Seryoso ka?” Tanong ulit ni RiSeu at tumango lang si Luhan.

 

‘Anong nangyayari?’ –Yenne

‘Magseselos na siya! I can feel it!’ –Luhan

 

“HAHAHAHAHAH! Ang epic ng mukha mo pre! Sobrang seryoso!” Sabi ni RiSeu na nakatawa ng malakas.

“EH?”

“Sa sama ng ugali mo, may papatol pa pala sayo?” Kanstaw ni RiSeu sa kanya with matching pahid ng luha sa side.

“Di ka nagseselos?” Tanong ni Luhan.

“Ba’t ako magseselos? Ako ba nililigawan mo?” Ngising sagot ni RiSeu, “Kaw ah! Naglilihim ka sa mga kasama mo! Anyhow, hintayin kita sa counter para magbayad, talk to Yenne muna.” Ngising sabi nito at naglakad.

“Number mo?” Tanong ni Luhan kay Yenne at binigay naman ito ni Yenne na shock pa. “Call you later, una na ako.” At kasing bilis ni Buzz Lightyear ay nawala agad si Luhan.

“What just happened?”

 

_______________________________________________________

 

“Yumi, may gagawin ka ba mamaya?” Tanong ni Taemin kay Yumi nang naabutan niya ito sa may hallway ng engineering.

“Bakit? Magyayaya ka na naman makipagdate sa factory ng mama mo?” Inis na tanong ni Yumi.

“Hindi, sa insurance company naman ni daddy.” Seryosong sagot ni Taemin.

“Wala kang kwentang kausap.” Yun lang at binilisan ni Yumi ang paglakad.

Hinabol naman ito ni Taemin at hinawakan ang kamay, “Yumi, wait!”

“Ano?”

“Joke lang naman yun eh.” Sabay kamot ni Taemin sa may batok niya. “Yayayain sana kita magmeryenda sa canteen pambawi dun.”

“Busy ako.” Sabay irap ni Yumi at maglalakad ulit pero pinigilan pa rin ni Taemin.

“Nagsorry na ako, peace offering yung ngayon. Please?”

 

“Seryoso kang mauubos mo yan?” Tanong ni Taemin sa raming inorder ni Yumi na pagkain.

“Hindi.” Sagot nito habang kumakain.

“Eh ba’t ang dami ng pinabili mo?” Tanong ni Taemin. “Nag-aaksaya ka ng pagkain!”

“Akala ko ba peace offering?” Bara ni Yumi sa kanya at natameme si Taemin.

“Sabi ko nga diba?” Napakamot naman ulit ito sa batok.

“wag kang mag-alala, uubusin ko yan.” Yun ang sagot ni Yumi at patuloy sa pagkain.

“So bati na tayo ng tuluyan?” Tanong ni Taemin.

“Pag-iisipan ko.”

“Naman Yumi!”

“Joke. Oo na, bati na tayo. Subukan mo lang ulitin yun at ikaw mismo ang ihuhulog ko sa machine para makain ka ng mga tao.” Sabi ni Yumi na seryoso ang mukha at pananalita.

“Wag naman ganun ka-harsh Yums!” Apila ni Taemin.

“I’m not a killer or a murderer to do such stupid thing.”

“Kamustang klase?” Panimula ni Taemin habang nag-iisip ng magandang conversation. Yung yung sabi ni Ate Haneul niya.

*Step 1: Be the first one to move. Pwede simulant sa simpleng conversation lang.

“Klase pa rin.” Simpleng sagot ni Yumi.

“Ah.” Bara na naman si Taemin. Mahiyain kasi at di alam mag-initiate ng conversation.

“May aso ba kayo?” Tanong ni Yumi kay Taemin. Medyo nabuhayan naman ng loob ang binata kasi tingin niya na gusto makipag-usap si Yumi sa kanya.

“Wala,bakit mo natanong?”Ngising tanong ni Taemin.

“Ipapakain kita,” Ngising sabi ni Yumi at sinapak si Taemin.

“Wow ah! Kung makasapak naman, bullied oh!”

“Che! Ay shems! Itago mo ko!” Sabay duko ni Yumi sa lamesa.

“Anong meron?” Tanong ni Taemin na tumitingin sa paligid.

“Nandyan stalker ko.” Sagot ni Yumi.

“Ikaw? May stalker? Sosyal mo naman!” Asar ni Taemin sa kanya.

“Just shut up at tulungan mo akong magtago!” Sigaw ni Yumi sa kanya pero tila huli na ang lahat.

“HI YUMI!” Sigaw nung binata tsaka tumabi kay Yumi.

‘Wow naman, feeling close ah?’ parehong nasa isip ni Taemin at Yumi nang umupo ang lalaki.

“ JAEJIN! Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Yumi habang umupo ng maayos.

“Sinusundo ka.” Ngising sagot nito.

“Ba..ba’t mo ako sinusundo?” Tanong ni Yumi habang patingin-tingin kay Taemin. ‘Tulungan mo ko dito!’ sigaw sa isip niya kay Taemin pero ang loko nakatingin lang sa kanila.

“Yayayain sana kita ng date.” Mahiyain sagot ni Jaejin with matching kamot sa batok.

‘What’s with guys and pagkakamot sa batok?’ side comment ni Yumi, “Ah kasi…”

“Di siya pwede.” Iksing sagot ni Taemin.

“Sino ka para sumagot sa kanya?” Inis na sagot ni Jaejin at tumingin kay Taemin, “boyfriend ka ba?”

“Oo. Now shut up and get lost!” Irap ni Taemin at tumayo. “Lika Babe, alis na tayo,” sabay hila kay Yumi sa upuan at kuha ng bag sa side habang si Yumi nabigla pa sa nangyayari.

“Sige Jaejin, babye!” Paalam ni Yumi na kinakaladkad ni Taemin.

 

“Ba’t mo ginawa yun?” Tanong ni Yumi at sinapok si Taemin ng libro.

“Saving you?” Simpleng sagot ni Taemin.

“Wow ah! Sa ginawa mo, pagsasave yun? Eh parang pinamukha mo dun sa tao na boyfriend kita!” Inis na sagot ni Yumi.

“Anong problema dun?” Kaswal na tanong ni Taemin.

“Eh kung makaabot kay Kuya?”

“Eh di totohanin natin.”

 

____________________________________

Ayaaaaan nah ang Chapter 9! :)

 

Lame, I know!

 

Subscribe, comment and upvote!

 

<3missdauxian

                                               

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe