Confirmed

Ang bias kong bakla

 

 

“Alam niyo ba ang chika?”

“Anong chika friend?”

“Yung rumour tungkol sa panliligaw daw si Suho ng EXO, totoo daw yun!”

“Talaga? Sayang naman! More info friend!”

“Wala na, yun lang nabasa ko. Di niya binanggit kasi gusto niyang private lang yun.”

Napangiti si Yunhee sa narinig mula sa lkuran niya. Nasa school gazebo ito para gumawa ng assignment. May two hours pa before sa next class niya kaya pinili niya muna dito maglibang. Di pa rin naerase ang makalokong ngiti nito, pinangako kasi ni Junmyeon sa kanya na kung itatanong ito sa tungkol sa stado ng buhay pag-ibig niya, gagawin niya ang lahat na maging private ang buhay nito. Ayaw naman rin niya kasing madawit ang dalaga sa media, isa iyon sa pinangako niya kay Kris bago ito napa-oo na ligawan ang bunsong kapatid.

“Mukha kang timang,” agad na may tumabi sa kanya na umiinom ng bubble tea.

Agad namang kumunot ang kilay ni Yunhee at tinapunan ng papel si Sehun, “che! Walang basagan ng trip!”

“Trip ba yun? Yung mukha kang ewan na patawa-tawa na parang sinaniban ng masamang espiritu?” Pasang-ayon naman ni Kai sa sinabi ni Sehun.

“Magsilayas nga kayo kung wala kayong magandang sasabihin!” Sigaw ni Yunhee sa kanila sabay irap at tumingin kay Tao. “Oh ikaw? May pahabol ka sa pinagsasabi nila?”

“Wala pa nga akong sinasabi.” Depensa ni Tao at tumabi kay Yunhee. “Ano ba yang ginagawa mo?”

“Assignment.” Sagot ni Yunhee na patuloy sa pagsusulat.

 

“OMG! Friend! Ang mga maknaes ng EXO!” Rinig nila mula sa girls na kanina pa nagchichikahan. Medyo naman napa-ayos ang postura ng tatlo sa pag-upo habang si Yunhee ay patuloy sa kanyang ginagawa.

“Diba si Kai yung nanliligaw dun sa sophomore ng Journalism Department?” Rinig nilang tanong nung isang babae sa kaibigan nito. “Ang swerte ni girl!”

“TE! Ang tangkad ni Tao! Gusto ko siyang halikan!” Tila parang tralalang higante si Tao at napa-ngiti sa kilig sa narinig. Inirapan naman ito nung dalawa.

“Pero si Sehun mas pogi! I want to squish his cheeks! Sana magkababy kami!” Agad naman nabulunan si Sehun sa kanyang bubble tea.

Nag-ring ang university bell, at nag-sitayuan ang dalawang girls at nang wala na ito tsaka nakahinga ng maluwag ang tatlo.

“Wow, ganun ba talaga kayo ka-affected sa mga pinagsasabi nila?” Tanong ni Yunhee nang tinignan ang dalawa.

“Hindi ako, maswerte ako kay Naru.” Sabay ngisi ni Kai habang tumingin kay Sehun. “Okay ka lang bro?”

Umiling lang si Sehun habang tinatapik-tapik nito ang sariling dibdib. Nang ma-okay na ay sinamaan naman niya ng tingin ang kasama. “Nakareserba na ang genes ko sa magiging asawa ko soon.”

“Naaaks! May naka-abang ba para sayo?” Tanong ni Tao sa kanya at binigyan lang sila ng nakakalokong nigiti.

“Yung kaibigan ni Shiwon noh?” Tanong ni Kai habang tinitignan ang kaibigan. Nag-iba ang mukha ni Sehun at inirapan ang kaibigan.

“Please, I don’t like that girl.” Sagot nito sabay inom sa bubble tea.

“Anyway, let’s go back to Yunhee since siya dapat ang naka-hot seat ngayon.” Sabi ni Tao at tumingin kay Yunhee.

“Wala ba kayong mga klase at ako ang puntirya niyo?” Tanong ni Yunhee nang tinignan ang tatlo. “Nandyan na naman yang mga ngisi niyong daig pang asong ulol! Bakit ba?”

“Nagsalita na si hyung regarding sa nililigawan niya.” Pasimpleng sabi ni Sehun na agad naman ikinamula ng Yunhee. “Alam natin ikaw yun..”

“Oh, eh ano ngayon?” Tanong ni Yunhee.

“Haba ng hair!” Tukso ni Tao sabay pinabagsak ang buhok ni Yunhee.

“Nakakabading ka!” Komento ni Yunhee at inayos ang buhok.

“Wala naman yun, ang tanong lang namin kung kinilig ka?” Tanong ni Kai kay Yunhee na mas pumula ang pisngi.

“Sino bang hindi?” Bulong ni Yunhee na narinig naman nung tatlo.

“AYEEEEEEEEE~!” Kutya nung tatlo sa dalaga pero nahinto ito nang may sumigaw sa pangalan ni Kai mula sa harap.

“KUYA JONG IN!” Agad na lumingon si Kai at nakita sila Shiwon at Hanbyul na nagsitakbuhan palapit sa kanya. Napatayo naman ito at ngumiti sa dalawang dalagita.

“Shiwon, Hanbyul, bakit kayo nandito?” Tanong ni Kai na habang hiningal ang dalawa.

“Ano kasi kuya, kukuha sana kami ng application form para sa university exam.” Sabi ni Shiwon nang nakalapit na sila.

“Di niyo kasama si tita Jaemin?” Tanong ni Kai na nagsimulang mamutla.

“Chillax kuya, wala si tita. Nasa school dahil may biglaang meeting ang mga teachers.” Sagot ni Hanbyul na inaayusan si Shiwon. “Nakita mo ba sila Ate Naru?”

“Si Naru ay klase pa, si Taemin hyung nasa dance room panigurado, si Sungjee nakita ko kanina pero parang may klase pa ata.” Sagot ni Kai at agad nagkagat labi sila Shiwon at Hanbyul.

“Sino sila?” Nakangising tanong ni Yunhee habang tinignan ang dalawang highschooler.

“Ay, oh nga pala. Shiwon, Hanbyul, si Yunhee nga pala. Bunsong kapatid ni Kris hyung. Yunhee, siya nga pala pinsan nila Naru at Taemin, kapatid ni Nijin: Si Shiwon tapos etong isa naman BFF niya, si Hanbyul.”

Tinignan naman ng dalawang lalaki si Kai ng masama, “Di mo ba kami isasali?” Tanong ni Tao at napakamot naman si Kai, at pinakilala ulit ang dalawa sa kanila.

Nagbow ang dalawang dalaga at biglang kumunot naman ang kilay ni bunsong maknae dahil sa kung paano makatingin si Tao kay Hanbyul.

“Hi Yunhee unnie!” Bati ni Shiwon kay Yunhee at niyakap ito. “Ang cute mo pala!”

“S..salamat.” Natuwa naman si Yunhee at inakap pabalik si Shiwon di alam na may maitim na balak na pala si Shiwon sa utak nito.

‘Sa tulong ni Yunhee unnie, baka mas mapadali ang kasong ito!’, nasa isip ni Shiwon nang tinignan ulit si Yunhee.

 

“Kuya Jong In, pwede po ba samahan niyo kami sa guidance office para sa form?” Tanong ni Hanbyul kay Kai na agad naman itong tinanguan.

“Sige, wala na naman kaming klaseng natira eh.” Sabi ni Kai at agad nang tumayo. Tumingin ito sa tatlo bago umalis, “sinong sasama?”

Agad nagsitayuan sila Sehun at Tao at umiling naman si Yunhee. Kumunot naman ang kilay ni Hanbyul dahil ayaw niyang makasama si Sehun.

 

 

Nauuna sa paglakad si Kai at Hanbyul habang kasunod naman nila sila Tao, Shiwon at Sehun habang nasa hallway. May mga ibang estudyante na napapahinto dahil sa presenya nila pero mas nakatuon pansin ang dalawang high schoolers na kasama nila.

“ Pinayagan ka ng parents mo mag-college kaysa pumasok sa Airforce?” Kaswal na tanong ni Kai kay Hanbyul na tinanguan ng dalaga.

“Okay naman maging bahagi ng Airforce o Navy pero mas gusto kong maging doctor.” Kawsal na sagot ng dalaga. Habang nag-uusap ang dalawa at nakatuon pansin naman si Shiwon kay Sehun na nakatingin sa kaibigan nitong si Hanbyul.

“Ang talino mo naman!” Nilagay ni Kai ang kamay nito sa buhok ni Hanbyul at ginulo ito.

“Ano ba!” Saway ni Hanbyul at lumayo ng sandal kay Kai para ayusin ang buhok nito.

 

“Ang sweet naman!” Nakangising komento ni Shiwon na pinaparinggan si Sehun. “Ang sweet talaga ni Kuya Kai!”

“Tsch, mas sweet pa ako diyan.” Bulong ni Sehun habang umirap lang bigla.

“May sinasabi ka oppa?” tanong ni Shiwon kay Sehun pero umiling lang ang binata dito.

“Nandito na ang Guidance Office.” Sabi ni Kai nang tumingin siya kay Shiwon at Hanbyul.

Nagpasalamat sila Hanbyul at Shiwon at pumasok na sa opisina samantalang ang tatlo ay nakatayo pa rin sa may bandang pintuan.

“Kai, pano mo nga naging close yung dalawa?” Tanong ni Tao sa nakakabata.

“Pinsan ni Taemin si Shiwon, si Hanbyul naman yung bestfriend ni Shiwon.” Sagot ni Kai.

“Eh bakit parang mas close ka kay Hanbyul kaysa kay Shiwon?” Tanong ni Sehun na nakatuon pansin na rink ay Kai.

“Bakit? Selos ka?” Nakalolokong sagot ni Kai sa bunso.

“Tsk, dyan na kayo!” Irap ni Sehun sabay walk out.

 

_________________________________________________

 

Matapos ang halos trenta minuto sa loob ng guidance office ay lumabas na sila Shiwon at Hanbyul na may dalang tig-iisang application form. Dito na rin nagsimula mang-interrogate si Shiwon kay Hanbyul.

“Bakit ka nakangiti na parang nakatakas sa mental?” Tanong ni Hanbyul na mas  nagpalaki sa ngiti ni Shiwon. “Seryoso bes, nakakatakot ka na!”

“Kinikilig lang kasi ako.”

“Ganyan ka pala kiligin? Nakakatakot---Aray!” Komento ni Hanbyul na agad sinapak ni Shiwon. “Ba’t ka ba nananapak?”

“Shems lang bes! Nakakaloka ka!” Sabi ni Shiwon at ginulo-gulo ang buhok ni Hanbyul. “Feel ko talagang may crush sa iyo yung bata na yun eh!”

“Anong pinagsasabi mo?” Nalilitong tanong ni Hanbyul.

“Kanina kasi habang nag-uusap kayo ni kuya Kai, si Sehun panay ang titig sa inyo lalo na kay Kai!”

“OMG! Bakla rin siya?” Panglalaki ng mata ni Hanbyul na sinapak na naman ulit ni Shiwon, “NAMUMURO KA NA!”

“Ikaw naman kasi eh!” Sabay pangigigil ni Shiwon sa sarili. “Tinititigan niya si kuya na parang pinapatay na niya yun sa isip niya!”

“Ay nako Song Shiwon! Wag mo na naman akong sisimulan niyang OTP match making mo!” Paninimula ni Hanbyul.

“NAGSESELOS KASI SIYA! Halatang-halata!” Sinabi ni Shiwon.

Napa-face palm lang si Hanbyul dahil ayaw niyang seryosohin ang pinagsasabi ni Shiwon at dapat makahanap siya ng pampadivert sa topic kay Shiwon.

“Shiwon! Hanapin na natin si ate Yunhee!” Hinawakan ni Hanbyul si Shiwon para tignan ito.

“AY OO NGA PALA!” Excited na sabi ni Shiwon. “Tara na at baka maabutan pa natin siya!” Agad na nagbago ang surroundings at naging detective conan and sidekick na sila.

 

 

Naabutan nila si Yunhee na kasama ulit sila Tao at Sehun sa may cafeteria at agad umupo ang dalawang dalaga sa table na ginagamit nila.

“Hi Unnie!” Bati ni Shiwon kay Yunhee na pinapakita halos lahat ng ngipin niya. Umupo ito sa tabi nito samantalang si nasa kabila ni Yunhee umupo si Hanbyul.

“Nakakuha na kayo ng form?” Tanong ni Yunhee sa dalawa at sabay na nag-oo ang dalawa. Nasa tapat nila sina Sehun at Tao kung saan nakatingin lang si Sehun kay Hanbyul at di naman pinansin ni Hanbyul ang binata. “Ba’t kayo nandito?”

“Nagugutom kasi ako, bili muna ako ng pagkain!” Tumayo si Hanbyul at pumunta sa bilihan ng pagkain.

“Unnie, diba kapatid mo si ate Yumi?” Tanong ni Shiwon dito na tinanguan naman ni Yunhee. “Kayo lang ba tatlo ang magkakapatid?”

“Oo, ako ang bunso.” Sagot ni Yunhee.

“Anong year ka na ba unnie?” Tanong ni Shiwon sa kanya.

“First year pa.” Sagot ni Yunhee.

“Anong course mo?”

“Advertising.” Sagot ni Yunhee at biglang nag-ring ang phone. Tinignan niya ito at nakita ang pangalan ni Junmyeon ang nagflash. “Ay wait lang ah, sasagutin ko muna.” Agad itong tumayo at naglakad palayo.

Tumingin si Shiwon sa dalawang binata. Si Tao nakangiti sa kanya habang si Sehun ay masama ang tingin sa kanya. ‘Nasan na ba si Hanbyul para matulala itong bunso nila.’ Nasa isip ni Shiwon at binaling ang tingin kay Tao.

“Anong course ninyo oppa?” Mahinahong tanong ni Shiwon sa dalawa.

“AB International Studies kinukuha ko, si Sehun naman Performing Arts.” Sagot ni Tao sa kanya. “Ikaw? Anong binabalak mong kurso?”

“Education gaya ni Tita.” Sagot ni Shiwon sa kanya.

“Diba ikaw yung creepy fan ni Kyungsoo-hyung?” Inosenteng tanong ni Tao nang naalala yung librong nakita nung sa university festival.

Napasimangot ang dalaga sa sinabi, “ang sakit mo namang magsalita, di ako creeper.” Depensa nito sa sarili. Tumingin ito sa paligid at napansin ang singsing na rason kung bakit nakabuo siya ng hypothesis na bakla ang TaoRis.

“Ang ganda naman ng singsing mo, san mo yan nabili?” Pa-inosenteng tanong ni Shiwon habang nakatuon ang mata sa singsing.

“Bigay ito sa akin.” Sagot ni naman ni Tao. ‘Okay, noted. Binigay hindi binili.’

“Sinong nagbigay?” Tanong ni Shiwon pero akmang sasagot na sana si Shiwon ay agad namang may tumawag sa pangalan niya. Lumingon ito at nakitang si Hanbyul na kasama si Sungjee.

Lumapit ito sa kanila at umupo si Hanbyul at nagsimula kumain habang ini-interrogate ni Sungjee si Shiwon.

“Bakit ka nandito? Alam ba ni tita nandito ka? Eh si tito Seung? Kelan ka pa nandito?” Patuloy na pagtatanong ni Sungjee. Kinuha ni Shiwon ang burger na kakainin sana ni Habyul at nilagay sa bibig ni Sungjee.

“Nandito ako para kumuha ng application form, at oo alam ni tita kamabal at tatay nandito ako kasama si Hanbyul at kaninang 1:30pm pa kami dito.” Sagot ni Shiwon sa pinsan niya. “Ano ka ba ate! Kung makatanong akala mo kung sino akong criminal na nakatakas!” Pakakamot ni Shiwon sa batok nito at umupo ulit. “Isa-isang tanong naman!”

“That was supposed to be mine.” Simangot ni Hanbyul habang nakatingin sa burger na kinakain ni Sungjee ngayon.

“Sayo nalang.” Inabot ni Sehun ang dalawang pirasong sandwich mula sa tray na tinignan lang ni Hanbyul, “walang lason yan” Kinuha ito ni Hanbyul at madaling kinain.

 

Balik sa magpipinsan, napansin ni Shiwon ang kasama ni Sungjee at nanlaki ang mata. Agad bumalik ang tingin nit okay Sungjee napatakip ang bibig.

“Ano na namang drama yan?” Inis na tanong ni Sungjee.

“OMG! SO ITS LEGIT TALAGA! YOU AND HIM, TOGETHER! OMG! OMG!” Sigaw ni Shiwon na nakaw atensyon sa mga tao sa cafeteria. Bumalik si Yunhee sa table at umupo.

“Sorry for the delay.” Sabi ni Yunhee at napansin dumami bigla ang nasa lamesa.

Agad na lumingon si Shiwon kay Yunhee at ngumiti, “okay lang unnie, di naman kami nainip.” Pa-sweet na sabi nito. “Nga pala, si Ate Sungjee, pinsan ko tapos kaibigan niya, si Jungkook. Ate, si Yunhee unnie, bunsong kapatid ni Kris.”

Nang narinig ni Sungjee ang salitang bunsong kapatid at Kris parang naiisip na niya kung anong pinaplano nito.

“So, what were you talking to just now?” Kaswal na tanong ni Yunhee.

“Tinatanong ni Shiwon kung kanino galing yung singsing na nasa kamay ko.” Mahinahong sagot ni Tao na nagpukaw atensyon balik kay Shiwon at nanahimik.

“o..oo nga! Kanino ba oppa?” Tanong ni Shiwon na all-ears sa magiging sagot ni Tao.

“Kay Kris-Ge.”

 

_________________________________________________

Sa dorm kung saan nakatira ay mga boys ay nakatunganga ang iilang hindi university students at may mga sariling mundo. Nanonood sila ng tv pero mukhang may tatlong nilalang na di mapakali at iba ang nasa isip. Si Lay na nakaharap nga sa tv pero iniisip si Nijin at si Luhan na nakatulala na tinitignan naman ni Chanyeol.

“Hyung, okay ka lang?” Siko ni Chanyeol kay Luhan na agad namang nakabalik sa katinuan at tumingin kay Yeol.

“Oo naman. Bakit naman hindi?” Sagot ni Luhan at ngumiti sa nakakabata.

“Kanina ka pa kasi nakanganga, naghihintay ako na may pumasok na lamok sa bibig mo.” Seryosong sagot ni Chanyeol na maya-maya’y nakatawa na.

“Ewan ko sa iyo.” Yun lang ang sagot ni Luhan at kumuha ng pagkain mula sa lamesa.

“Pero seryoso hyung? Anong pinoproblema mo?” Tanong ni Chanyeol ulit sa hyung.

Nagdadalawang isip si Luhan kung sasabihin niya kay Chanyeol ang gusot na mismo siya ang pasimuno. Tinignan lang ito mabuti si Chanyeol at napabugtonghinga lang. Dalawang araw na ang nakalipas mula nung dinner date niya kasama sila Yenne, Myungsoo at RiSeu. Dalawang araw na nakalipas nang humingi si Myungsoo ng tulong sa kanya sa balak nitong panliligaw kay RiSeu.

Agad itong tumayo at pumasok sa kwarto. Nang nakalabas ay nakahoodie na ito, na may dalang cap, shades at mask.

“San ka pupunta?” Tanong ni Minseok na agaw-pansin sa lahat. “May pupuntahan ka?”

“Pupuntahan ko si Yenne.” Yun lang ang sinagot at lumabas na ng dorm.

 

 

“Ang seryoso naman nun.” Komento ni Minseok tapos tinignan ang mga kasama. Napansin naman nito si Yixing na halatang wala sa sarili. “Yixing, okay ka lang?”

“Huh?” Balik realidad naman si Yixing at tinignan ang nakakatanda. “Ano yun hyung?”

“Ang tanong ko ay kung okay ka lang? Baka mamaya para kang si Luhan na agad lalabas mula sa dorm.” Komento ni Minseok at nabigla na naman sila nang pumasok si Yixing sa kwarto at lumabas na bitbit ang wallet, cellphone, mask at sinuot ang hoodie. Agad itong nagpaalam at lumabas ng tuluyan sa bahay.

“Ano ba talagang nangyayari?” Nagtinginan silang nasa bahay bago balik atensyon sa tv.

 

 

 

Pumunta si Yixing sa LEE GC Building para hanapin si Nijin. Saktong pagpasok niya ay nakita nito si Nijin na nakikipag-usap sa may information desk.

“Nijin.” Tawag nito na agad sa dalaga at lumapit.

“Oh! Xingxing! May kailangan ka dito sa kompanya?” Halatang gulat si Nijin nang nakita nito ang binata na palapit sa kanya.

“Wala naman, gusto sana kita maka-usap.” Sabi ni Yixing na di inaalis ang tingin kay Nijin. Tumango naman si Nijin tapos tumingin sa oras. Nagpaalam ito sa babae sa reception desk at tumingin si Nijin.

“Ano bang gusto mong pag-usapan natin?” Tanong ni Nijin kay Yixing habang naglalakad sila palabas ng building.

“Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa,”

“huh?”

“Nijin,” humarap si Yixing kay Nijin at tinignan ito sa mga mata.

Nabigla si Nijin sa biglaang pagtingin ni Yixing sa kanya, “Ah, a…ano yun Xingxing?”

“Gusto kita, gustong gusto kita simula pa nung una kitang nakita sa festival ng university niyo. Natotorpe ako pagdating sayo tapos nung nakita ko kayo kasama ni Chanyeol nagseselos ako, pero wala akong karapatan. Di ko alam ang gaga--,”

“Ano ba talagang gusto mong sabihin?” Tanong ulit ni Nijin.

“Song Nijin… Alam ko sandali lang tayo magkakilala. Pwede bang ligawan kita?”

 

______________________________

Biglaang update! :)

Maiksi nga lang.

 

 

Subscribe. Comment. Upvote!

 

<3 missdauxian

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
uikaxxlockheart
#1
Chapter 16: Nag-backread dahil naaliw!
uikaxxlockheart
#2
Chapter 15: Iisipin ko na birthday gift mo ito saken 'te
uikaxxlockheart
#3
Chapter 15: Wait lang shemay nagbabanyo pa ako emerged ate!!!!! You updated! Hart hart
uikaxxlockheart
#4
Nami-miss ko to. :(
uikaxxlockheart
#5
Chapter 14: Why am I shipping the maknae line with Yunhee? /facepalm.

Pero HeeMyeon talaga.O(∩_∩)O

Eh tapos authentic HunHan! *^o^*

Yaaay napasaya ako ng chap na to. The best!
RiCa1826 #6
Chapter 14: Ang cute ni Yunhee. HAHAHAHA sarap sapakin xD
tapos kinilig ako ng slight nung pinaligiran siya ng maknae line. Wala lang kasi ang cute nung maknae line ang sarap nilang i-squish

Bet ko din yung tandem ng Yunhee+Maknae line since si Yunhee halos kasing edad lang nila, para lang silang magbabarkada at magakakapatid na nagbabangayan lol

Shiwon and Hanbyul why. HAHAHA. gamitin ba naman si Yunhee. pero okay lang keribels naman xD

TaoRis. Alam na this! XDDD
uikaxxlockheart
#7
Chapter 13: okay masungit talaga si Yenne. :))) Bara lang ng bara.

"ano bang nangayari sa buhay mo at ganyan ka nalang kaseryoso?" ---hahahaha madalas itanong to sa akin. :)))))

Pero 2min shipper ako huhuhu.

Shetttttt! may date ang LuYenne :))) <3 <3

Munggago ni Yi Fan lol. selos?

Kamusta ang MiMin. :)))) *eeeh di ako makapag-spazz gawa may YumiXing feels ako.* :))))

Meeeehhhh yung NaKai ang lande ples. :))))


Wuhuuuuuu ChenRa! ChenRa! ChenRa na yan!!!!! *_*

KookJee <3 <3 <3
Paninininini
#8
Chapter 13: love triangle na ituuu
heyitsbabyjoojoo
#9
Chapter 13: ATE APRIL I LOVE YOU!!! Kookie wag na taung mag pa ligoy ligoy pa please tau na oh ahahahahaha cge na!! Legit na eh!! Pede na!


Ahjumma haba ng hair mo sinasabi ko sau!
NaKai♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥ 5ever!

Pastry pa tawagan nmn ptfffahajsgajfoa!!! Kahit kanino na sa Kris oh basta akin c Jungkook mamahalin kita ng lubusan ate april!
bananamilk23
#10
Chapter 13: te, bukas na ako magcocomment... di ko pa nababasa ng buo eh... hehehehehe