Chapter Twelve

Got Me Tangled
Please Subscribe to read the full chapter

"Ang aga mo naman." Bati sakin ni Ate Irene pag-bukas niya ng main door, "Tulog pa si Karina."

 

Ang usapan ay magja-jogging daw kami. Tapos tulog pa siya? Jogging sa kama siguro. 

 

Sinamahan ako ni Ate Irene umakyat papunta sa kwarto ng baby ko, "Hindi niya 'ko pinapansin kagabi." Natatawang sabi nito, "Ano ba pinakain mo sa kapatid ko at patay na patay sayo to." 

 

Nakitawa ako, "Ako lang 'to." Pagyayabang ko, binatukan naman ako ni Ate Irene. 

 

:"Ayan, gisingin mo na 'yan." Pag-bukas niya sa pintuan ni baby ko.

 

Sinalubong ako ng madilim na kwarto, at malamig na paligid. Buong katawan niya ay nasa ilalim ng kumot. Binaba ko 'yon hanggang dibdib niya. Ang cute naman ng baby ko! Inayos ko ang buhok niya na nakaharang sa kaniyang mukha. Dumako ang tingin ko sa mapupula niyang labi. is slightly open.

 

I slowly leaned down and gave her a peck, "Baby ko...gising na," Tapik ko sa kaniya, kumunot ang noo niya at tumalikod, "Sabi mo magja-joogging tayo." Tapik ko ulit.

 

Umungot lang siya. Ilang beses ko pa siyang ginising pero ayaw talaga. Ako na nga lang ang magja-jogging. 

 

Pag-baba ko ay naka-abang si Ate Irene sa sala, "Ano? 'Di gumising?"

 

Umiling ako, "Magso-solo nalang po ako."

 

"Sandali! Wait mo 'ko, sama ako sayo." 

 

Mga ilang minuto lang ay tapos na agad siya at naka-pang jogging na. Pareho kaming may dalang tumbler, at cellphone lang. Nag-iwan din ako ng text sa baby ko na tinuloy ko ang jogging kaso si Ate Irene nga lang ang kasama ko. Puro selfie lang kami ni Ate Irene habang paikot-ikot kami sa village. Ang dami din naming napag-usapan tungkol sa baby ko.

 

"We will have family dinner mamaya." Ate Irene said habang nagpapahinga kami, magkatabi kami na naka-upo sa gutter, "I think Karina plan's to introduce you soon." Baling niya sa akin habang naka-ngiti, "Alam mo naman diba?" Tumango ako, "Ikaw ba? Napa-kilala mo na siya?"

 

I shook my head, "Hindi ako out..." Mahina kong sabi, "Pero I will, as soon as possible po." Sabi ko bago siya mag-salita.

 

"That's good." Uminom siya ng tubig niya, "No pressure, Win." 

 

Nalipat ang topic namin tungkol sa mga kaibigan namin ni Karina. Apparently si Giselle at Lia palang ang kilala niya personally dahil sila palang ang napapakilala ni Karina sa Ate niya.

 

"Si Yeji po yung singkit," Turo ko sa pinakita kong picture, "Tapos katabi niya po sila Jeno, Chenle, Jisung, at Renjun." 

 

Tumango siya, "Ito sino 'to? Mukhang mabait." Turo niya kay Chaeryeong,

 

"Mabait talaga 'yan, Ate," Sabi ko tas tinuro ang katabi niya, "Ito naman mga kaklase ko, si Ryujin, Ning, at Yuna mga siraulo 'yan." Paninira ko.

 

Tumawa naman si Ate Irene, "This must be Giselle's cousin? Mark ba 'yon?"

 

"Oo, isa pa 'yan, sira ulo 'yan."

 

Tumango-tango siya. May malaking ngiti sa labi. Alam mo yung motherly smile? Ganon!

 

"I'm glad she met you." Naka-ngiti na sabi ni Ate, "I hope you'll listen to her when she needs someone to talk to." Nagulat ako nung nag-punas ng mata si Ate Irene, naiyak ba siya?

 

Inabutan ko siya ng panyo.

 

"Mahal mo ba ang kapatid ko?"

 

"Opo." Walang alinlangan kong sagot.

 

"Sinabi mo na?" She asked.

 

I nod.

 

Tumawa siya, "Kaya pala ang laki ng ngiti niya kagabi." Natawa din ako, "Wag mo na pakawalan ang kapatid ko ha." Bilin niya bago tumayo at nag-aya ng isa pang lap.

 

"Hindi na po ako aalis, wala na siyang takas sakin." Natatawa kong sabi.

 

Hindi na talaga.

 

Hindi ko mapigilan ang tawa ko. Akay-akay ko si Ate Irene dahil natapilok siya, pabalik na kami sa bahay nila ng bigla siyang natapilok sa hindi ko malamang dahilan. Sorry nalang kay Ate Irene pero laughtrip talaga. Napa-upo siya sa sakit.

 

Hahaha!

 

"Wow." 

 

Natigil ang tawa ko ng makita ko si Karina, her arms crossed over her chest. I gulped. She's only wearing an oversized white longsleeve and a short shorts na halos hindi na makita dahil mahaba ang pang-itaas niya. It emphasizes her long and silky legs.

 

Mataray lang siyang nakatingin sa aming dalawa ni Ate Irene. Kung pwede ko lang bitawan si Ate Irene ay ginawa ko na. Nag-walk out siya at binagsak ng malakas ang pintuan. 

 

"Nag-selos nanaman sa akin." Natatawang sabi ni Ate Irene.

 

Nagka-tinginan kaming dalawa, "Ate, ikaw ang manuyo." 

 

Inirapan niya 'ko, "Bahala ka diyan." She laughed.

 

Manunuyo nanaman ako huhu. 

 

Hinatid ko muna si Ate Irene sa kwarto niya, bago ko hinanap ang baby ko na nagtatampo nanaman. Sa two months namin, mas nakilala ko siya lalo. Alam ko na kung paano siya kumilos kapag malungkot siya, o may problema siya. Alam ko na din ang mga kiliti niya. Kaunting lambing lang ay bibigay na siya agad.

 

I hugged her from behind nung nakita ko siyang nagtitimpla ng kape sa may counter. 

 

"Hmm, good morning mahal ko..." I whispered.

 

Naramdaman ko ang pag-taas ng balahibo niya.

 

She hissed, "Tsk."

 

Natawa ako nung kumawala siya sa akin at nilagpasan ako. Dumiretso siya sa living room at binuksan ang TV. Hindi pa din ako pinapansin.

 

"Rina, ano? Selos ka nanaman?" Pang-aasar lalo ni Ate Irene, pa-ika ika na bumaba ng hagdan, "Mag-luluto ako ng breakfast, mamaya ka na umuwi." Sabi niya sa akin at tumango naman ako.

 

I heard Rina hissed, again. Sinilip ko siya, diretso lang siyang naka-tingin sa TV. Not sparing a glance at any of us. Okay...

 

Magtitimpla muna ako ng kape, nainggit ako eh, Ang bango kasi.

 

"Asan capsule niyo, Ate?" Tanong ko kay Ate Irene, tinuro naman niya ang mga box ng capsule sa pantry, "Okay..." Sabi ko at kinuha 'yon.

 

Nilagay ko sa coffee maker nila ang capsule, at nag-lagay ng baso. Ni-ready ko na din ang fresh milk at ice. Hehe, parang bahay ko lang. Minsan nga ay sinabihan ako ni Ate Irene na dito na tumira sa bahay niya dahil dalawa lang sila dito. Wala silang kasamang mga kasambahay, kaya ako nalang daw. Sama ng ugali!

 

"Ako din, gawan mo." Sabi niya at tumango naman ako.

 

Si Ate Irene ay parang si Ate Taeyeon din naman. Mas maganda lang si Ate Irene hahaha! Parang kapatid na din naman ang trato ko kay Ate Irene kaya hindi ko alam kung bakit palagi siya nagseselos sa amin.

 

Habang gumagawa ako ng kape ay may naramdaman akong yumakap sa akin mula sa likod. I smiled when I smelled her familliar scent. I looked at her over my shoulfer, at sumandal lalo.

 

"Yes, babe?" Tanong ko sa kaniya.

 

I heard Ate Irene scoffed.

 

She pouted. Gets.

 

Napatingin ako kay Ate Irene at umiling-iling ito, "Mga kabataan talaga." Sabi niya bago nag-walk out.

 

I chuckled before I changed our position. Sinandal ko siya sa counter at kinulong siya gamit ang magkabilang braso ko. Naka-haba pa din ang nguso niya at inikot ang mga braso sa leeg ko, pulling me closer.

 

"Hindi ka galit?" I asked.

 

Umiling siya, "You love me naman, diba?"

 

I chuckled, "Hmm."

 

"Then there's nothing to worry about..." She said as she leaned closer to me and our lips were only inches apart.

 

She gave me a peck, "Morning..." Another peck. Again, and again, and again, and again.

 

I chuckled, bago ko siya tinulak at sinandal sa counter. Nilapat ko ang labi ko sa kaniya, I felt her smile between our kiss. Umungot siya nung lumayo ako.

 

"Baka bumaba na si Ate," I breathlessly said.

 

Inayos ko ang damit niya dahil umangat ito ng konti. She caressed my back, "Baby, you want to change clothes? Napag-pawisan ka eh." Offer niya.

 

"Wala akong dala." 

 

Kinuha ko yung coffee na tinimpla ko para sa amin ni Ate at nilapag iyon sa dining table bago ako hilahin ng baby ko papunta sa kwarto niya. Naka-salubong namin si Ate na pababa ng hagdan at magluluto na daw talaga siya.

 

"Here, wear this." Abot niya sa akin ng army green na hoodie. 

 

"Thank you." I said as I used a handkerchief to wipe my sweat. 

 

Lumapit siya sa akin, "Akin na, let me help you." Nakita niya siguro na nahihirapan akong punasan ang likod ko. Pumwesto siya sa likod ko at inangat niya ang damit ko, naramdaman ko agad ang mainit niyang palad. Itinaas ko lalo ang damit ko ng maramdaman kong nahihirapan siyang punasan ang taas ng likod ko.

 

I stiffened when her hand went to my stomach. Baby ko?!

 

"Lift it." Sabi niya at hinawakan ang dulo ng shirt ko.

 

Napatingin ako sa kaniya sa likod, "H-ha?" Flustered kong tanong.

 

"Tanggalin mo." She said at iniangat na paalis ang damit ko. I crossed my arm over my chest nung hinarap niya 'ko sa kaniya. 

 

Tumawa lang siya at inagaw sa akin ang hoodie na bigay niya, at isinuot sa ulo ko.

 

"A-ako na..." Nauutal na sabi ko.

 

I feel so exposed! My God. 

 

Tinawanan niya ulit ako nung tumalikod ako sa kaniya at isinuot ng maayos ang hoodie niya. Ang bango talaga!

 

Hinain ni Ate Irene ang sinangag, itlog, bacon, at ham. Natuwa naman ako dahil favorite ko ang bacon! Hehe, lakas ko talaga kay Ate Irene. Malaki ang ngiti ko habang hawak ang kutsara't tinidor ko.

 

"Mukha kang bata." Natatawang sabi ni Ate Irene sa akin.

 

"Ikaw din." Double meaning na bawi ko sa kaniya.

 

Malakas na tumawa ang baby ko habang nilalagyan ako ng sinangag sa plato. Akmang babatukan naman ako ni Ate Irene ng tinampal ng baby ko ang kamay ni Ate. Ble! Inirapan niya 'ko.

 

"Sino nga ulit may birthday ngayon?" Tanong sakin ni Ate Irene.

 

Nilunok ko muna ang kinakain bago ako nag-salita, "Si Ning, yung kaibigan ko." 

 

Tumango siya, "Okay, ingat kayo ha." 

 

"Yes po." Sabay naming sagot ng baby ko. 

 

 

 

-

 

 

Lumipad ang aming team

 

Chaeryeong: @Ning ano oras pupunta sa inyo?

 

Ning: Anytime.

 

Ryujin: HAHAHAHA

 

Ning: Char. 4 PM punta na kayo.

 

Chaeryeong: Oks.

 

Yuna: Ano handa????

 

Ning: Spaghetti lang.

Please Subscribe to read the full chapter

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniww
walang proofread, katamad shdhahda mema langs hehe bored habang nagsstream.

Comments

You must be logged in to comment
Keenakeens #1
Dami kong tawa dito haha. I really felt everyone's bond, it was really cute and funny. One of my favourite tagalog ff. I started missing Philippines while reading this and also started speaking more tagalog to my family again because of this fic.

Thank you author.
einjie_GF
#2
Chapter 20: Ang cuteee waaaaa... HeartHEARTTTTT💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 16: 💙💙💙
einjie_GF
#4
Chapter 6: Hahahahahaha huli kayo,,, kiligggg nmn si ako e
einjie_GF
#5
Startttt
1609Andrea
2063 streak #6
Congrats
reveluv316 785 streak #7
congrats on the feature
playfulkissbof
20 streak #8
Congrats
IceQueenChogiwa
1089 streak #9
Congrats on the feature!
karinasaurus11
56 streak #10
Starting to read this story! Ang cute!🥺