Chapter Nine

Got Me Tangled
Please Subscribe to read the full chapter

Ang call time daw namin ay 8:00 AM. 

 

SCAM!

 

Alas nuwebe na ngayon at wala pa din ang van nila Giselle. Kanina pa hikab ng hikab sa tabi ko si Yuna, at si Yeji naman ay tinatawagan na sila. Dahil kami ang magkakasama sa village, kami ang sabay sabay na susunduin. Nasa may 7-11 kami sa village. Nakakaloka lang. Ang tagal talaga. Hindi din nagrereply ang baby ko.

 

Baby <3

 

8:27 AM

 

Winter: Asan na kayo? Kanina pa kami nandito.

 

8:49 AM

 

Winer: TAGAL

 

Winter: Nasa 7-11 kami, baka naligaw pa kayo?

 

Winter: Baka iniwan niyo na kami?!

 

9:12 AM

 

Winter: Babe lalakadin ko na ba ang Tagaytay?

 

Nanlaki ang mata ko ng makitang typing na siya. 

 

Baby <3: Babyyyy sorry huhu

 

Baby <3: Papunta na kami haha.

 

Winter: Ano nangyari?

 

Baby <3: Ryujin's so bagal kasi hahaha, we have to wait pa sa kaniya.

 

"Si Ryujin may kasalanan," Panimula ko sa dalawa kong kasama, "Bagong gising lang ata ang shunga."

 

Napa-irap si Yuna, "Nakakaloka naman siya! Siya mismo nag-aya siya pa nalate." Inis na singhal nito na ikinatawa namin ni Yeji, "Sasabunutan ko 'yon mamaya. Gustong gusto ko na ma-feel ang lamig sa Tagaytay!"

 

Winter: Oki!! Otw na ba kayo?

 

Baby <3: Yes baby.

 

Baby <3: I miss you!!! See you later

 

Winter: I miss you too <3 

 

Sinarado ko ang cellphone ko dahil inasar ako ni Yeji na malaki daw ang ngiti ko. Si Yuna naman ay walang pakialam dahil antok na antok na siya. Mga ten miutes siguro bago sila dumating. Nung nagkita kami ni Ryujin ay binaukan agad namin siya ni Yuna. Nasa labas kami ng 7-11 dahil bibili daw muna sila ng mga pagkain. Sa picnic grove daw kami tatambay eh.

 

Nagulat ako nung tumabi sa akin si Ryujin at Ning. Pinag-gitnaan nila ako. Nagka-tinginan kami ng baby ko. 

 

"Rina, dito ka na," Sabi ni Giselle, nakita ang pangyayari.

 

Hindi ako papayag!

 

"Rina," Kumunot ang noo ko, 'di ako sanay, "Dito ka." Tinulak ko si Ryujin, "Sundin niyo nga ang seating arrangement."

 

Tumawa si Yeji, "Hoy, dito na kayo." Tawag niya sa dalawa.

 

Hindi sila natinag. Gusto kong katabi ang baby ko!

 

Umiling na si Karina, "Dito na 'ko sa tabi ni Giselle." 

 

Umiling ako, pinipilit ko siyang tumabi sakin pero ngumiti lang siya bago siya tumalikod at umupo sa harapan ko.

 

I pouted. Nakakainis naman kasi sila Ryujin.

 

Ang pwesto tuloy namin ay nag-iba. Driver namin si Jeno, tas nasa shotgun si Mark. Sa likod ay may pat row, sa first row ay si Renjun, Jisung, at Chenle. Sa second row ay si Yeji, Lia, at Cheryeong. Sa thirdrow ay si Yuna, Giselle at Karina. Tapos sa dulo ako, si Ryujin at Ning, pati na din ang ibang bag dahil medyo maluwag dito.

 

Hinampas ako ni Ning, "Martyr ka ba?" Inis na singhal niya.

 

Hindi pa sila over doon?

 

Mukhang mapapa-amin ako ng wala sa oras ah.

 

I sighed. Maka-tulog na nga lang. Nag-prepare pa naman ako ng playlist para pakinggan namin habang nag-roadtrip. Panira naman ng plano tong dalawa. 

 

Hindi ko sila kinakausap. Bahala sila diyan. Nawala nanaman ako bigla sa mood. Kasalanan ko ba na ayoko pang sabihin sa kanila?

 

Napag-usapan naman na namin ni Karina na choice ko naman daw kung sabihin sa kaibigan ko, pero gusto ko kasi yung sure na. Baka maudlot eh.

 

Nag-suot ako ng airpods. Alam nilang ayaw kong makipag-usap once na nag-soundtrip na ko. Ayoko kasi ng ginugulo ako.

 

Sinandal ko ang ulo ko sa sandalan, at nagtakip gamit ang jacket ko, tsaka lang ako pumikit. Itutulog ko na lang 'to.

 

"...Mcdo?"

 

Pumikit-pikit pa ko bago ko naintindihan ang sinabi ni Ryujin.

 

"Chicken burger lang iyo?" She asked, "Drinks?"

 

Umayos ako upo, "Iced coffee."

 

Tumango siya bago ibigay ang listahan kay Jeno. Siya kasi ang oorder. Nasa drive thru lang kami. Nung matapos mag-order at pinag-park muna si Jeno sa harap dahil ten minutes pa daw ang fries.

 

"Mag CR na kayo." Anunsyo ni Mark na nasa harap.

 

Lumabas ang halos lahat bukod sa akin, kay Jeno, Renjun, at Chaeryeong.

 

Baby <3

 

Winter: Babyy

 

Winter: I miss you

 

Winter: Bakit 'di ka tumabi sakin? Huhu.

 

Baby <3: I miss you too!!!

 

Baby <3: Ang sama ng tingin nila sa akin huhu.

 

Winter: Kainis naman kasi sila Ning eh.

 

Baby <3: Baby, worried lang sila sayo. Remember yung kinwento mo sakin nung tuesday?

 

Winter: Sasabihin ko na talaga sa kanila mamaya.

 

Baby <3: Really???

 

Baby <3: You don't have to rush naman babe. I can look at you from afar naman ;)

 

Winter: Pwes ako hindi!

 

Winter: Unahan mo na sila Ning.

 

Winter: Dito ka na sakin.

 

Baby <3: My God baby.

 

Baby <3: Sayo lang ako ;)

 

Pinipigilan ko ang ngiti ko. Grabe naman! Biglang nagbago ang mood ko. Hehe.

 

Inabot sa amin nung crew yung inorder namin. Binigay lang muna ni Jeno sa mga naiwan yung mga order nila. Dahil mukhang tatagal pa sila kasi sabi din ng baby ko na may pila daw.

 

Inabot sakin ni Renjun ang fries, "Wala naman akong order na fries?"

 

Sumilip si Jeno, "Order ni Karina sayo."

 

I pursed my lips, "K..." Sabi ko.

 

Makahulugang tingin ang ibinigay sa akin ni Renjun, at si Chaer naman ay tahimik na nakatingin sa akin.

 

Marahas na bumukas ang pintuan kaya muntikan ko ng mabitawan ang fries ko. Pumasok ang naka-kunot noong Giselle at nakatingin ng masama sa akin. Gagi?!

 

"Pag-sabihan mo yang kaibigan mo ha." Sabi ni Giselle bago umupo sa harapan ko, "Kung wala siyang magandang sasabihin, manahimik nalang siya." Dugtong pa niya.

 

Omg? Anong nangyari sa banyo?

 

Nagkatinginan kami nila Renjun. Pareho kaming nag-kibit balikat.

 

Sumunod na pumasok si Ryujin at Ning.

 

"Pakisabihan ha, Winter." Parinig ulit ni Giselle.

 

Sino ba kaaway nito?

 

"Pagsabihan mo din ang kaibigan mo." Sagot ni Ningning, umupo na silang dalawa sa tabi ko, "Hindi yung tinotolerate niyo yung ganyan."

 

Tinignan ko si Ryujin, "Ano nangyari?" I asked her.

 

Hinawakan niya si Ning at pinakalma ito, "Nagkasagutan lang sila ni Karina."

 

Ano?!

 

"Tas nagalit si Giselle kasi alam mo naman si Ning, matabil ang dila," Bulong niya pa uli, "Kung ano ano ang sinabi."

 

Kumunot lalo ang noo ko, "Tulad ng?"

 

"Ayon, paasa daw ganon, tas two-timer tas cheater—"

 

Kumulo ang dugo ko.

 

"Bakit mo naman sinabi 'yon?" Baling ko kay Ningning.

 

Inirapan niya 'ko, "Totoo naman eh. Tignan mo gusto ka pa niyang katabi eh may j—"

 

Biglang sumingit si Giselle, "Nananahimik yung tao tas kung ano ano sinasabi mo diyan? Bakit? Sinabi ba niya sainyo na jowa niya 'yon? Tanungin mo kaya siya, hindi yung nagco-conclude agad kayo." Seryosong sabi ni Giselle.

 

Dumako ang tingin ko sa bagong dating. Sila Mark, Chenle, Lia, Yeji, at Karina. Lumipat ng second row si Giselle at Karina. Napunta naman sa third row si Yeji, at Yuna.

 

Hindi ako tinitignan ng baby ko. Galit ba siya?

 

"Guys, uminom muna kayo oh pampalamig ng ulo." Si Mark, "Lalo na kayo Giselle at Ning." Sabi niya.

 

Nag text ako kay baby.

 

Baby <3

 

Winter: Baby ano sinabi ni Ning sayo?

 

Winter: Wag mo isipin masyado yon ha.

 

Winter: Galit ka ba?

 

Winter: Nakikita kitang binabasa mo to.

 

Winter: Kakausapin ko sila Ning mamaya okay?

 

Winter: I miss you baby. Wag mo isipin yon ha?

 

Winter: Sorry. Feeling ko tuloy kasalanan ko din na hindi ko agad sinabi sa kanila. Don't worry na, sasabihin ko na mamaya.

 

I sighed nung makitang wala talaga siyang balak mag-reply sa akin. Hawak naman niya ang cellphone niya, pero wala talaga.

 

"Ning, mag-usap tayo mamaya." Sabi ko kay Yizhuo, narinig siguro ako ni Yeji kaya humarap siya, "Ikaw din." Sabi ko sakaniya.

 

Kumunot ang noo niya, "Bakit nadamay ako?"

 

"Basta. Kayo. Lahat kayo." Turo ko kay Yuna, Yeji, Ning, at Ryujin.

 

Parang nagkaroon ng silent agreement sa van na walang mag-iingay. Ang tanging rinig lang ay ang kantang tumutugtog sa radyo. Nagkaron bigla ng tensyon sa paligid ko. Naging hypersensitive din ako sa galaw ng baby ko.

 

Hindi ko makain ng maayos ang chicken burger ko. Inom lang ako ng inom ng kape, kaya siguro ako ninenerbyos.

 

Naka-dating kami sa Picnic Grove ng mga 11:30 AM. Nag-lakad kami papunta doon sa mga cottage. Hingal na hingal lang naman kami. Magkakadikit ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniww
walang proofread, katamad shdhahda mema langs hehe bored habang nagsstream.

Comments

You must be logged in to comment
Keenakeens #1
Dami kong tawa dito haha. I really felt everyone's bond, it was really cute and funny. One of my favourite tagalog ff. I started missing Philippines while reading this and also started speaking more tagalog to my family again because of this fic.

Thank you author.
einjie_GF
#2
Chapter 20: Ang cuteee waaaaa... HeartHEARTTTTT💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 16: 💙💙💙
einjie_GF
#4
Chapter 6: Hahahahahaha huli kayo,,, kiligggg nmn si ako e
einjie_GF
#5
Startttt
1609Andrea
2063 streak #6
Congrats
reveluv316 786 streak #7
congrats on the feature
playfulkissbof
20 streak #8
Congrats
IceQueenChogiwa
1090 streak #9
Congrats on the feature!
karinasaurus11
57 streak #10
Starting to read this story! Ang cute!🥺