Chaper Two

Got Me Tangled
Please Subscribe to read the full chapter

Kumakain kami sa cafeteria kasama ang mga Grade 12. Kung minamalas ka nga naman. Katapat ko pa si Karina. Kung sino pang iniiwasan ko, siya pang lumalapit sakin. Parang tanga tuloy akong kumakain dito.

 

"Umayos ka nga ng upo," Saway sakin ni Ryujin, "Bat ba nakatagilid ka?" Inis na sabi niya sakin.

 

Hindi mo naiintindihan! Naiiyak na 'ko dito. Huhu.

 

"Pake mo ba?" Sabi ko, at dahan-dahang umupo ng maayos.

 

Dumako ang tingin ko sa kaharap ko.

 

Ganda mo!

 

Hindi ko na naririnig si Ryujin. Nakikita ko ang pag-galaw ng kaharap ko. Pinupunasan niya yung labi niya gamit ang tissue, at inaayos ang pinagkainan. Tahimik siyang sumandal sa upuan niya.

 

"...Hoy!"

 

"Ay punyeta!" Napasigaw ako. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

 

Pinitik ni Ryujin ang noo ko, at napasapo naman agad ako don, ang lakas!

 

"Tinatanong kita kung g ka ba mamaya?"

 

Kumunot noo ko, "Saan?"

 

Inirapan niya 'ko, "Lutang talaga amp." Inis na sabi niya, "Birthday daw kako ni Mark, punta daw sa kanila." Turo niya sa nakangiti na si Mark na nasa kabilang dulo.

 

Ngumisi ako, "Why not?" Tumawa agad sila sa sagot ko. Alam nilang mahilig ako sa libre eh.

 

"Follow me back."

 

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa likudan ko si Karina. Nagpaalam ako sa kanila na bibili lang ako ng tubig. Napahawak ako sa dibdib ko. Jusko naman!

 

"Hey," Tawag niya, "Sabi ko, follow me back."

 

"Oo, mamaya." I said.

 

Nakita ko siyang nag-pout sa peripheral vision ko, ang cute mo naman po. "I want it now."

 

Jusko! Oo na, ito na. Kahit buong pagkatao ko pa, iyo na! Chos.

 

Nilabas ko ang phone ko, at binuksan ang Instagram. Naka-private kasi ako, kaya nanggagalaiti 'to na mag-followback. Nung nakita niyang pinindot ko ang follow button ay nakita ko ang maliit niyang ngiti.

 

"Good." Sabi niya sa malalim niyang boses.

 

Naka-sandal siya sa pader habang inaantay akong matapos na bumili ng tubig. Bumili na din ako ng coke para sa kaniya, nakakahiya naman eh noh! Ininuman ko na 'yung tubig habang naglalakad pabalik sa kaniya. Naabutan ko siyang nagce-cellphone, nakangisi.

 

"Tara na." I said.

 

Bigla niyang tinago ng mabilisan ang cellphone niya at ngumiti sa akin. Inabot ko sa kaniya ang coke kahit na nagtataka ako.

 

"Oh." Nakatingin siya sa inaabot ko, "I don't drink soda kasi." Nahihiya niyang sabi.

 

"Weh? Lungkot naman ng buhay mo."

 

She chuckled, "I don't like the sparkles kasi sa throat ko." She explained, "Water nalang." Sabay abot niya sa hawak kong tubig.

 

"Nainuman ko na!" Mabilis na sabi ko, kaso mas mabilis siya! Nasa labi niya na agad.

 

Ito ba 'yung indirect...k-kiss?!?!

 

-

 

Dahil mas naunang mag-dismiss ang Grade 12, naka-abang sila sa harapan ng room namin. Kanina ko pa nahuhulinh silip ng silip sila Mark para asarin si Renjun, dahil tinawag kanina sa recitation si Renjun.

 

"Tagal mag dismiss," Inis na bulong ni Ning, "Gutom na ko teh."

 

Tumawa ako, "Same."

 

Kanina pa talaga nakulo 'yung tiyan ko. Nawawalan na din ako ng gana na makinig dahil ang sakit na ng tiyan ko sa gutom. Wala na bang ibibilis 'yan?

 

Pang-limang beses ko ng nakita si Mark na sumilip sa pintuan, "Ren, chat mo nga sila manahimik kamo sila." Siko ko kay Renjun, "Feeling ko inaasar nalang tayo ng prof kasi inip na inip na tayo."

 

Tumawa siya at patagong nag-labas ng cellphone.

 

Si Mark? Tahimik lang.

 

Renjun: Intayin niyo nalang daw kami sa kotse.

 

Mark: SINO NAGPANGALAN NG GC

 

Renjun: HAHAHAHAHA

 

Giselle: HAHAHAHA

 

Giselle: Feeling ko si Yuna.

 

Yuna: OY WALA AKO KINALAMAN DIYAN HAHAHAHA

 

Mark: Hoy Yuna, bawas ang shanghai mo!

 

Jeno: HAHAHAHA

 

Chaeryeong: DASURB

 

Yeji: Hahaha, we'll wait nalang sa car @Winter

 

Renjun: Oki -win

 

Ryujin: Yieeee

 

Karina reacted 'haha' to Ryujin's message.

 

Natatawa 'kong binaba ang cellphone ni Renjun bago batukan si Ryujin. Maya-maya ay dinismiss na din kami. Nagmamadali kami pababa, papunta sa parking. Naabutan namin sila na naka sandal sa kotse ni Yeji at Mark.

 

"Tara na!" Masayang sambit ni Yuna at umakbay sakin.

 

Dahil Ford Everest naman ang kotse ni Yeji, doon na kami sumakay nila Yuna.

 

Si Yeji ang driver, Giselle sa shotgun, tas Ako, Karina, Ryujin, at Lia sa backseat, tapos si Ning, Yuna, at Chaer naman ang sa pinaka likod. Habang sila Renjun, Jisung, Chenle, Mark, at Jeno ay nasa kotse ni Mark na naka Range Rover.

 

"Goods ba kayong apat diyan?" Tanong ni Yeji samin. Ako kasi ang nasa gitna dahil ako ang pinaka-maliit samin. Naka-abante din ang upo ko para kasiya kami.

 

Tumango ako, "Yup." Naka-lean ako sa may unahan kaya malapit lang kami ni Yeji.

 

"Para kang bata diyan, Win." Natatawang pang-aasar nanaman ni Giselle, "What if kumandong ka nalang kay Rina?"

 

Inirapan ko siya, "Siraulo ka ba?"

 

Tumawa si Rj, "Mas comfortable ka siguro don," She said, "Parang hindi ka na nga naka-upo oh!"

 

Naramdaman ko ang paghawak ng isa sa kanan ko, "You can sit on my lap naman." She said, "I think hindi ka okay diyan." Natatawang sabi niya, "Parang onting break nalang you'll be with Giselle and Yej sa harap." Tawa niya pa.

 

Nakitawa na din silang lahat. Pinipilit pa ako nila Yuna, dahil natatawa na sila sa pwesto. Jusko! Nakakahiya naman kumandong. Huhu.

 

Naloloka ako!

 

Hindi talaga kami gumagalaw sa pwesto ng kotse hanggat 'di ako umaayos ng upo.

 

"Ikaw kaya kumandong!" Sigaw ko kay Lia na kanina pa 'ko tinatawanan.

 

Ramdam na ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko. Biglang uminit sa paligid.

 

-

 

Guess what?

 

"Better, right?" Narinig kong bulong ng nasa likod ko.

 

Jusko! 'Yung hininga niya! Ramdam na ramdam ko sa batok ko, omaygad.

 

Sumilip ako sa kaniya sa gilid, at sana hindi ko nalang pala ginawa. Napatigil ako. I gasped when I saw how near our faces are. Tumango lang ako, at bumalik sa harap ang tingin.

 

I can feel her drawing circles on my thigh.

 

Bakit parang ang init naman? Parang kailangan kong tumutok sa aircon mamaya. Gusto ko nalang pumasok sa aircon.

 

"Hindi ka ba nangangalay?"

 

"Nope." She chuckled, "You're light naman."

 

Light pala ha? Nagpa-bigat sa hita niya. I heard her chuckle. Hindi kasi ako naka-upo ng maayos kanina kasi baka mabigatan siya.

 

-

 

"Happy birthday!" Sabay sabay naming bati kay Mark.

 

Nahihiyang dumako kami sa naka handang mga pagkain sa lamesa. Nagtuturuan pa kami ni Ryujin kung sino ang magsasandok ng kanin dahil nakakahiya talaga. Pinauna namin si Giselle dahil pinsan naman niya si Mark.

 

Inirapan niya 'ko, "May hiya ka pala?"

 

Dahil siya ang nagsasandok ng kanin namin hindi ko nalang pinatulan ang pang-aasar niya at nagpa-salamat.

 

Umupo ako sa bakante, at tahimik na nilantakan ang mga nasa plato ko habang inaantay ang mga kasama ko. Akala ko si Ryujin 'yung umupo sa tabi ko, kaya agad kong kinuha yung isa pang piece ng chicken na pinakuha ko sa kaniya.

 

"You should've told me na gusto mo ng chicken."

 

Nanakit yung leeg ko sa sobrang bilis ng paglingon ko sa katabi ko. Putcha! Muntikan ko ng mabuga yung iniinom ko.

 

Tinawanan niya 'ko, at kumuha ng tissue para punasan ang pisngi ko. May dumi pa ata, kukunin ko sana 'yung tissue para ako nalang ang mag-punas pero nilayo niya agad.

 

"Ako na." She smiled.

 

Hinayaan ko siya.

 

Her eyes looked better lalo na pag malapitan. Her pinkish lips. Her pointed nose. 'Yung mole niya sa may ibaba ng labi.

 

"H-hey..."

 

I blinked, "O-oh?"

 

"You're staring."

 

I looked away, "H-huh? 'Di ah." Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, "Sorry, akala ko kasi si Ryujin. Ito na ang chicken oh." Sabay balik ko sa plate niya ng chicken.

 

She smiled, "Iyo na." Natatawang sabi niya, "You look like you need it."

 

Inirapan ko siya. Pasalamat ka maganda ka!

 

Nung nandito na lahat sa lamesa ay nag-ingay na bigla sila Ryujin. Tawa ako ng tawa sa mga kwento nila Yuna sa pagka-bagot nila sa kabilang section.

 

Nakita ko ang pag-tulakan ng mga kabigan nila Mark sa likod ni Karina. Napatingin din ang tingin nila Ning sa tinitignan ko. Kumunot ang noo ko nung palapit sila Lucas sa amin.

 

"Rina," Tawag ni Giselle, "Haba talaga ng hair mo."

 

Nag-huh lang naman ang katabi ko na oblivious sa paligid niya. Umiling si Giselle at sinabing wala lang.

 

Napatingin ang lahat sa nag-lapag ng inumin sa harapan ni Karina. Soda.

 

Sorry, she don't drink soda.

 

"Hi!" Sabi ni Lucas nung napatingin si Karina sa kaniya, "Lucas pala, taga section B. Grade 12 STEM din." Napakamot siya ng batok.

 

I pursed my lips.

 

I went back to eating. Hindi katulad nung iba diyan na grabe makatitig, hindi ko sinasabing si Ningning 'yon, pero parang ganon na nga. Sinisipa-sipa pa niya 'yung hita ko kasi kinikilig daw siya.

 

"Bagay sila." She whispered excitedly.

 

Parang 'di naman.

 

"Thanks." Mahinang sabi ni Karina at may tipid na ngiti.

 

Ngumuso ako lalo.

 

Parang may sariling isip ang kamay ko na inabot ko yung bottled water ko, at ipinalit sa coke na inabot sa kaniya ni Lucas. Narealize ko lang 'yung ginawa ko nung maramdaman ko ang madiin na pag-kurot ni Ningning sa hita ko, at ang malisyosong tingin nila Ryujin.

 

Rina smiled, "Thank you."

 

-

 

"Ano 'yon?" Pag-pasok ko palang sa shotgun, ayan ang bungad sakin ni Yeji. Ako kasi ang huli niyang hinatid.

 

Kumunot ang noo ko, "'Yung?"

 

"Yon."

 

Parang tanga naman 'to si Yeji.

 

"Ano nga?"

 

She hissed, "'Yung coke!"

 

Coke? Anong coke?

 

"Coke ni Lucas!"

 

"Huh?"

 

"Bobo!"

 

Anong coke ni Lucas?

 

Ah!

 

Umiling ako, "Hindi daw siya umiinom ng soda eh."

 

"Sino nagsabi?"

 

"Siya!"

 

Ngumuso siya, "Ano me

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniww
walang proofread, katamad shdhahda mema langs hehe bored habang nagsstream.

Comments

You must be logged in to comment
Keenakeens #1
Dami kong tawa dito haha. I really felt everyone's bond, it was really cute and funny. One of my favourite tagalog ff. I started missing Philippines while reading this and also started speaking more tagalog to my family again because of this fic.

Thank you author.
einjie_GF
#2
Chapter 20: Ang cuteee waaaaa... HeartHEARTTTTT💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 16: 💙💙💙
einjie_GF
#4
Chapter 6: Hahahahahaha huli kayo,,, kiligggg nmn si ako e
einjie_GF
#5
Startttt
1609Andrea
2063 streak #6
Congrats
reveluv316 786 streak #7
congrats on the feature
playfulkissbof
20 streak #8
Congrats
IceQueenChogiwa
1090 streak #9
Congrats on the feature!
karinasaurus11
56 streak #10
Starting to read this story! Ang cute!🥺