Chapter Eight

Got Me Tangled
Please Subscribe to read the full chapter

"Musta exam?" Tanong sakin ni Ryujin pagka-labas ko ng room, siya kasi ang pinaka-unang natapos kaya nasa labas na agad siya, "Natapos mo?"

 

Tumango ako, "Napagod ako mag isip." Sabi ko, "Deserve ko ata ng milktea."

 

Tinawanan niya lang ako. Mamaya ay pupunta sila Renjun at Ning sa bahay. Magpa-practice kami ng kanta. Wala naman kasing tao sa bahay ng ganong oras.

 

"Sama ako mamaya," Sabi ni Ryujin, "Ako judge." Ngisi niya.

 

Gusto din sumama nila Yuna at Chae kaso may duo sila sa sayaw. Si Jisung naman ay kasama nila Jeno sa sayaw din. Si Ryujin naman ay hindi ko alam, ang sabi niya ay magsosolo daw siya.

 

Inirapan ko siya, "Bahala ka sa buhay mo."

 

"Gutom na 'ko." Sabi niya, lumipas ang ilang minuto.

 

Inabutan ko siya ng Cream-O, "Kumain ka niyan. Magtatampo nanaman 'yan si Ning pag iniwan natin."

 

Sumunod na lumabas si Renjun. Tapos magkakasabay na lumabas sila Yuna, Chaer, at Jisung sa kabilang section.

 

Si Ning talaga ang pinaka-matagal na mag-take ng exam sa amin. Ilang double check, at nag-iisip pa talaga siya ng maigi.

 

"What's up es," Bati samin ni Giselle na lumabas ng room, "Pang-ilang sub niyo na?"

 

Si Ryujin ang sumagot, "Pangalawa, may isa pa kami mamaya." Sabi niya at itinaas ang notes.

 

Umupo sa tabi namin sila Jeno. Magkakasabay kasi silang lumabas. Katabi ko si Lia na mukha inaasar ang baby ko kasi ang sama ng tingin ko kay Lia na naka-ngisi lang.

 

"Mukhang papatayin na 'ko dito." Bulong niya sakin, tinakpan niya ang gilid ng tenga ko para 'di makita ang sinasabi niya, "May napili ka ng kanta?"

 

I nod, "Anong oras ba bukas?" Baling ko sakaniya.

 

"Basta after ng exam," She said, "Siguro mga 1:00 PM."

 

"Text mo nalang ako." Binuklat ko ang notes, "Pwede ba mag casual lang?"

 

Tumango siya, "Pwede na kahit ano. Yung usual mong sinusuot, goods na." Sabi niya bago siya tumayo, "See you tomorrow?" Paalam niya at tumango naman ako. Kinalabit niya din si Renjun at sinabihan kaming goodluck.

 

Parang may nararamdaman akong kakaiba. Pag-baling ko kay Karina ay ang sama na ng tingin niya sa akin. She pouted and looked away when I met her eyes.

 

I pursed my lips to stop myself from smiling.

 

Ang baby ko!

 

 

-

 

 

"HAHAHAHAHAHA ANG GAGO NAMAN!" Natatawang sabi sa amin ni Ryujin nang pumiyok si Ning sa high note niya, "Hahahaha! 'Di ako makahinga! Hahaha, tangina mo Ning! Hahaha!"

 

Sumugod naman si Ningning at sinakal si Ryujin. Tumawa kami lalo ni Renjun sa itsura nung dalawa. Nasa sala kami at ginagamit na pang-practice ang minus one sa youtube.

 

"Magpahinga nga muna tayo!" Sabi ni Ning at sumalampak sa couch, "Nakaka gago si Ryujin eh."

 

Lalo akong natawa kasi ang lakas ng tawa ni Ryujin. Ewan ko ba, nadadala ako tuwing may tumatawa. Kahit na minsan ay hindi ko alam ang topic ay natatawa ako kapag may tumatawa.

 

Inabot ni Renjun ang mic, "Ako naman. Aayusin na." Natatawang sabi niya, "Ang pumiyok manlilibre ng ice cream."

 

Si Ryujin ay nirerecord kami. Para mapakinggan din namin kung maganda ba pakinggan ang boses namin sa recorded.

 

Kinuha ko ang phone ko sa kwarto na nagcha-charge. Tinanggal ko 'yon sa saksakan ng makitang full charge na ito. Ang dami palang message ng baby ko!

 

Karina Yoo

 

2:34 PM

 

Karina: Babyy, we're at Lia's.

 

Karina: You're studying?

 

Karina: Okayy baby. You're probably studying, tell me when you're done!

 

3:47 PM

 

Karina: Still not done?

 

Karina: Malapit na namin matapos chap 1!

 

4:21 PM

 

Karina: Babyyyy jgh.

 

Karina: I miss you na :(

 

Karina: Text me when you're done!! I'll just wash up.

 

Napasapo ako sa noo. Baka magtampo na ang baby ko! Six pm na.

 

6:17 PM

 

Winter: BABYYYYY

 

Winter: Nandito pa sila Ning!!! Nagcha-charge kasi phone ko, iniwan ko sa room eh nasa sala kami.

 

Winter: Sorry!!!

 

Winter: I miss you too baby >_<

 

Winter: Babyyy >_<

 

Bumaba ako sa sala habang inaantay ang reply niya. Saktong nasa hagdan ako nung nag reply siya. Napatigil ako sa gitna ng hagdan.

 

Karina: It's okay baby.

 

Karina: 'Di pa kayo done? Tapos na kami sa chap 1.

 

Winter: 'Di pa tapos.

 

Karina: Okay! Text me when you're done nalang babe.

 

Winter: Hmm! Okay!!

 

Winter: I miss you babyy

 

Winter: So much <3

 

Karina: Bakit ang sweet mo ngayon? Hahaha.

 

Karina: I miss you too <3 !!!

 

"Hoy!" Nagulat ako nung tawagin ako ni Ryujin, "Ikaw na! Bat nandiyan ka ba sa hagdan?!"

 

Binulsa ko ang cellphone at natatawang bumaba sa hagdan. Kinuha ko agad ang mic. Naganahan ako bigla ah!

 

"Ehem ehem," Panimula ko, "Makakakuha ako ng libreng ice cream for today's video!" Masiglang sabi ko sa mic.

 

Nag-hiyawan ang tatlo, at nagtawanan kami.

 

"In 3! 2! 1!"

 

Dahil maayos ang huling naging practice namin ay si Ryujin ang nanlibre sa amin. Ginusto niya din naman na manlibre dahil proud daw siya sa amin. Nag Starbucks nalang kami para masulit na din namin yung libre ni Ryujin.

 

"Kayo na ang umorder, ako na nga ang magbabayad."

 

Tumawa ako at tumayo ka kami ni Renjun. Inabot samin ni Ryujin ang isang libo niya. Parang ayaw pa nga niya bitawan eh. Nakapag-paalam na din ako sa magulang ko pati na din kay Karina.

 

Kinuha ko na din ang ililibre sa akin ni Ning na donut, tapos nagtampo si Renjun, kaya ang nangyari ay bumili kami ng dalawang donut at isang slice ng cheesecake tas tag-iisa kami ng frappe.

 

Binaba ni Ryujin ang kaniyang frappe, "Pait naman."

 

Tumawa ako, "Ganon talaga pag ikaw ang nag-bayad." Natatawang sabi ko, "Sa amin masarap kasi libre."

 

Binatukan niya 'ko, "Pasalamat kayo proud bff ako today." Irap niya.

 

Nag-picture kaming apat at pinost nila sa IG story 'yon. Nakatanggap naman kami ng sandamakmak na sadgirl messages ni Yuna. Matampuhin kasi 'yon.

 

Nag-mute ako sa GC namin at binuksan ang convo namin ni Karina.

 

Karina Yoo

 

Karina: I want donuts too!!

 

Karina: Sana all.

 

Karina: Sent a photo

 

Natawa ako. She sent a picture na magkaharap sila ng Ate niya, parehong naka-bukas ang laptop. Nag-aaral daw siya habang nagta-trabaho ang Ate.

 

Winter: Aww kawawa ka naman.

 

Karina: Che.

 

Winter: Hahahaha! Libre kita ng donut hehe bukas ko nalang bigay.

 

Tumayo ako at pumunta sa counter. Sinabihan ko na din naman yung tatlo. Bumili ako ng dalawang donut, kay Ate yung isa. Naisipan ko din bilihan ng french toast sila Mama.

 

"Parang ang bait mo talaga?" Bati sakin ni Ning pagka-balik ko sa upuan, "Para kayla Tita 'yan?"

 

Tumango ako, "Bakit? Gusto mo pa ba?" Tanong ko habang sinisilip niya ang paper bag.

 

"Libre mo ba?" Gatong ni Renjun.

 

I shrugged, "Sige lang."

 

"Sige! Sulitin natin ang mabait na Winter!" Natatawang sabi nila.

 

Inutusan pa nila ako na bumili ng cinammon. Pina-warm ko muna bago ako bumalik sa upuan. Pag-balik ko sa upuan ay parang ang tahimik ata nila. Kanina pa sila nagpapakiramdaman. Kung hindi ko inutusan si Renjun ay walang magsasalita sa amin. Bumalik si Renjun na dala dala ang cinammon at nilagay iyon sa gitna namin.

 

Umubo si Ryujin, "Nag-uusap pa ba kayo ni Karina?" 

 

Natigilan ako habang sumusubo ng cinammon. Binaba ko ang tinidor, hindi ko alam ang gagawin. Aamin na ba 'ko? 

 

"O-oo naman..." Nauutal na sagot ko, "Bakit?"

 

Inabot niya sa akin ng cellphone niya, "Open mo IG story niya." 

 

Kumunot ang noo ko at inabot ang cellphone niyang naka-lahad at nandoon na sa profile ni Karina. Binuksan ko ang IG story niya at bumungad sakin ang isang convo. 

 

?: I miss you babyy

 

?: So much <3

 

Gagi! Ako 'to!

 

Nag-aalanganin akong tumingin sa kanila. Nalaman ba nila? Sasabihin ko na ba? . 'Di ako prepared.

 

Si Ningning na katabi ko ay bigla akong niyakap, "Sorry na, huhu," Sabi niya bigla, "Hindi naman namin alam na may jowa pala si Karina." Naiiyak na sabi ni Ningning, "Nagi-guilty ako kasi ako yung nag-push sayo na mag-risk." Suminghot pa siya.

 

Gago?

 

Huminga ako ng malalim, "Hin—"

 

"Madami pa namang magaganda diyan, Win," Sabat ni Renjun, "Magpa-shot puno ka nalang muna." Malungkot din na sabi nito.

 

Jusko.

 

"Hindi ng—"

 

Sumabat si Ryujin, "Sorry talaga Win!" Sabi niya bigla, "Si Yuna kasi ang naglagay ng malisya sa lahat!" 

 

I sighed. Bahala nga kayo diyan.

 

Hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko. 

 

Hindi ko na sila kinausap matapos non. Nainis lang ako. Sorry lang ng sorry si Ning at Ryujin, habang si Renjun ay naka-akbay sa akin habang bulong ng bulong ng kung ano ano. Pagka-uwi namin ay nandoon na sila Mama at Papa pati na din si Ate. Pinaalam na din nila ako sa Tagaytay, matagal sila nag-usap nila Mama bago sila naka-uwi.

 

"Ma oh," Abot ko sa kanila ng paper bag, "Tira niyo lang yung donut, dadalin ko sa school bukas." Sabi ko.

 

"Anong nakain mo?"

 

Naguguluhang tumingin ako sa kaniya, "Adobo?" Tukoy ko sa ulam namin ngayon.

 

Tumawa si Ate, "Ewan ko sayo, Minjeong." Natatawang sabi ni Ate at nakitawa din sila Mama.

 

Kumunot ang noo ko at tumayo na dahil tapos na din naman akong kumain. Nakipag-laro muna ako kay Zero, sumunod naman sakin si Ate.

 

"Mag-hugas ka daw," Utos niya sa akin at kinuha si Zero, "Para payagan ka sa Tagaytay." Ngisi niya.

 

"Pumayag na nga kanina kila Ryujin." 

 

Oo, first time! Pumayag si Mama. Strict talaga si Mama, si Papa naman ay hindi gaano, pero kasi si Mama ang nasusunod sa bahay namin. 

 

Inismiran niya 'ko, "May pera ka ba?"

 

Dahan-dahang nag form ng smile ang labi ko, "Ang maganda kong Ate!" Sabi ko at humarap sa kaniya, "Pagod ka ba? Gusto mo i-massage kita? Alagaan ko si Zero? Paliguan ko na din bukas." Sabi ko habang nakangiti.

 

"Bwisit ka." Tawa niya, "Kumuha ka don sa wallet ko ng 1k. Wag ka maingay kay Mama, bahala ka, 'di ka na bibigyan non." 

 

Hehe. Masaya akong pumasok sa kwarto ni Ate at dumukot ng one thousand pesos, hahaha! Nagha-hum pa ako habang naghuhugas ng pinggan. Masyado ata akong masaya ngayon. Pagtapos kong mag-hugas ay bumalik ako sa sala at nakitang nandoon pa si Ate nagawa pa ng exam. 

 

"Tapos na exam niyo bukas diba?" She asked

 

Tumango ako habang nag-browse sa Netflix, "Yup, kayo? Simula palang?" 

 

"Oo, ang dami ko pa aasikasuhin na grades." Sabi niya at ipinakita sakin ang excel na ginagawa niya, "Simula senior high school hanggang college inaasikaso ko, nakakaloka." Inayos niy

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniww
walang proofread, katamad shdhahda mema langs hehe bored habang nagsstream.

Comments

You must be logged in to comment
Keenakeens #1
Dami kong tawa dito haha. I really felt everyone's bond, it was really cute and funny. One of my favourite tagalog ff. I started missing Philippines while reading this and also started speaking more tagalog to my family again because of this fic.

Thank you author.
einjie_GF
#2
Chapter 20: Ang cuteee waaaaa... HeartHEARTTTTT💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 16: 💙💙💙
einjie_GF
#4
Chapter 6: Hahahahahaha huli kayo,,, kiligggg nmn si ako e
einjie_GF
#5
Startttt
1609Andrea
2063 streak #6
Congrats
reveluv316 786 streak #7
congrats on the feature
playfulkissbof
20 streak #8
Congrats
IceQueenChogiwa
1090 streak #9
Congrats on the feature!
karinasaurus11
56 streak #10
Starting to read this story! Ang cute!🥺