Chapter Fourteen

Got Me Tangled
Please Subscribe to read the full chapter

Now playing: Won't Go Home Without You

 

I asked her to stay but she wouldn't listen

She left before I had the chance to say

Oh

The words that would mend the things that were broken

But now it's far too late, she's gone away

 

Every night you cry yourself to sleep

Thinking, "Why does this happen to me?

Why does every moment have to be so hard?"

Hard to believe it

 

Sabay naming kanta ni Ning. Kanina pa kami nandito at tuyo na ulit kaming dalawa. Nagrereklamo na sila dahil ang dami daw naming kanta na naka-lagay.

 

Last na siguro 'to at babalik na muna ako sa pool. Ang lamig na ng hangin eh. Giniginaw na 'ko.

 

It's not over tonight

Just give me one more chance to make it right

I may not make it through the night

I won't go home without you

 

It's not over tonight

Just give me one more chance to make it right

I may not make it through the night

I won't go home without you

And I won't go home without you

And I won't go home without you

And I won't go home without you

 

Nung patapos na yung kanta ay ibinaba ko na ang mic, at pumunta naman agad si Lia. Kanina pa siya kating kati na kumanta.

 

"Oh? Bat tumigil ka?" Tanong sakin ni Ryujin pag baba ko sa pool.

 

Binasa ko ang buhok ko, "Lamig ng hangin eh."

 

Bigla niya 'kong hinila at napasigaw naman ako habang naka-kapit sa gilid.

 

"Tangina! Ayoko!"

 

Napamura ako!

 

Tawa na ng tawa sila Ryujin, "Tara na! Andon naman sila Jisung, kapit ka." Turo niya sa malalim.

 

Ayoko mang aminin pero medyo may kaliitan ako. Hindi na 'ko nakapumiglas ng pati si Yuna at Chaeryeong ay hinila na ako palapit sa kanila.

 

Kapit na kapit ako kay Yuna, para akong koala. Si Ryujin naman ay naka-sunod na lumalangoy papunta sa amin.

 

"Parang gago naman!" Saway ko kay Yuna nung pinipilit niya 'kong bitawan.

 

Tumawa si Chae, "Lipat ka kay Jisung, Win." Sabi niya sa akin, "Gagaguhin ka lang niyan ni Yuna." Natatawa na sabi niya.

 

Pinalapit niya sa amin si Jisung, at sumampa agad ako sa likod nito. Naka-pasan lang ako kay Jisung habang nag-uusap kami tungkol sa chismis ni Yuna.

 

"Si Andrea kasi, diba ka-section niyo 'yon, eh jowa niya si Theo sa section namin." Panimula niya, "Tapos may transferee sa amin diba, si Jane. Eh naging close si Theo at Jane." Pagpapatuloy niya.

 

To sum it up, si Theo at Jane ay naging close, tapos nag-selos si Andrea. Tapos sa sobrang selos ni Andrea inaway niya si Theo at Jane na 'mag-kaibigan' lang daw. Sabi din daw ni Andrea ay nagsho-show daw ng sign si Theo na parang may gusto siya kay Jane.

 

Edi in the end, nakipag-break na si Andrea kay Theo. Buti naman.

 

Pinaabot ni Yuna ang cellphone niya kay Chenle, "Ito oh, sandali." She showed us her phone na nasa timeline ni Andrea, "Ayan oh! Nasa Facebook pa talaga sila nag-away." Natatawa na sabi niya.

 

Tinignan namin lahat ng post nila Andrea, Theo, at Jane. Hahaha! Ang saya lang tumingin ng chismis sa Facebook. Mas spicy. 

 

Inabutan kami nila Chenle ng mga chips at mga inihaw habang nasa swimming pool kami. Sinilip ko ang baby ko na naka-patong na ang ulo sa balikat ni Yeji, habang busy si Yeji makipag-inuman kayla Giselle. Bagsak agad.

 

Sinubuan ako ni Ryujin ng hotdog, "Aray ko naman, parang ewan." Inis na sabi ko pag-alis ng hotdog sa bibig ko.

 

Kinuha ko ang isang stick ng barbecue, at kinain 'yon.

 

"Ano 'to?" Biglang kabig ni Ryujin sa braso ko, tinignan naman agad nila Chaeryeong 'yon, hinawakan pa nga. Ano ba 'yon?

 

Kumunot ang noo ko at tinignan, "Ano 'yan? Ngayon ko lang nakita 'yan." May sugat na maliit doon, parang gasgas na ewan.

 

Nanlaki ang mata ni Yuna, "Kuko ata 'yan!" 

 

Kuko? Bakit naman ako magkaka-sugat sa k—ay .

 

Naramdaman ko ang pag-pula ng mukha ko kaya inagaw ko agad sa kanila ang braso ko. Jusko. 

 

Inubos ko ang barbecue at nilibang sila at iniba ang topic bago ako lumabas sa pool para kumuha ng tubig. Pag-balik ko sa labas ay naka-ayos na ng upo si Karina.

 

"Baby, mag-water ka oh." Sabi ko sa kaniya, "Tipsy ka pa? Tagal mo ng naka-tulog." Mga thirty minutes na siguro siyang naka-ganon. Simula nung kumanta kami ni Ning hanggang ngayon.

 

Ininom niya ang inabot ko at tahimik na umiling, "I want to swim now."

 

Sinamahan ko siya mag-palit, at itinabi ko ang short niya doon sa may bag ko. Nakakalakad naman ng maayos si Karina pero nakakapit siya sa dulo ng damit ko at naka-sunod lang sa akin kung saan ako mag-punta. Inaasar nga siya ni Giselle na 'buntot' ko daw.

 

"Let's go doon." Turo niya kayla Yuna.

 

"Pasan mo 'ko? 'Di ko abot eh." Natatawang sabi ko sa kaniya, nginisian niya lang ako at tumalikod, "'Di ka na lasing, babe, ah? Mamaya malunod pa tayo." Biro ko.

 

She grinned, "'Di ka sure." Sabi niya at inayos ang pagka-pasan sa akin.

 

Naka-pasan ako sa kaniya habang nag-uusap kami nila Ryujin. Inayos niya ang pwesto ko, kapit na kapit ako sa gilid ng baby ko. Kung ano ano pa ang chinichismis nila kay Karina. Natatawa lang naman ang baby ko. Nako, wag lang sana kabalastugan ang sa—

 

"Nag-kiss na kayo noh?"

 

KAKASABI KO LANG!!

 

Inirapan ko si Yuna, "Chismosa ka."

 

Tumawa lang ang baby ko, "What do you think?" Pa-mysterious pa na sabi nito. Nag-tilian naman sila.

 

Ramdam ko ang pag-pula ng pisngi ko. Umayos ako ng pwesto, naka-harap na ako sa kaniya, at binaon ko ang mukha ko sa leeg ng baby ko. She hugged my waist tightly and caressed my back. I wrapped my legs around her hips.

 

"Pabebe amp." Naramdaman ko ang pag-sabunot sa akin, "So ano nga?" Pag-balik nila sa topic.

 

"You guess." She grinned.

 

Feeling ko adik na ako sa bango ng baby ko. I keep nuzzling on her neck while she's talking with them. Pwede na 'ko dito habang buhay.

 

Puro tawa lang naman ang naririnig ko sa kanila. Narinig ko ang palapit na boses nila Giselle at Yeji. Hindi pa din talaga tumitigil sa pag-kanta sila Lia at Ning.

 

Parang gusto ko tuloy bumalik sa pag-kanta. Bakit ngayon lang nila sinalang si Nina?!

 

"Hmm...someday someone's gonna love me," Tahimik na pag-sabay ko sa kanta, "The way I wanted you to need me, someday...hmm." 

 

Inangat ako ng baby ko.

 

"So ano, Karina," Si Yeji, "Magaling ba si Win sa kiss?"

 

Muntikan na 'kong mahulog sa marahas kong pag-lingon sa kaniya. Parang gago! Tawa naman sila ng tawa, pati sila Ning ay naintriga sa tanong ni Yeji. Bumaba ako at pinakawalan niya ako, kumapit ako sa braso niya para batukan si Yeji.

 

"Mga chismosa kayo!" Sigaw ko sa kanila, tinawanan lang nila ako at sinabing si Karina daw ang kinakausap nila, hindi ako.

 

Halos lahat ay nandito na sa gilid ng pool at nag-aabang ng sagot, bukod kayla Jeno na nag-labas na ng tequila. Pareho siguro kaming namumula ng baby ko.

 

Nagtago ako sa likod ni Karina, "Che!'

 

She chuckled, "Well..." Panimula niya at tumili na agad sila, "Winter's a good kisser."

 

Lalo akong nagtago ng bigla akong itulak ni Giselle. Puta! Bakit ba kailangang pag-usapan 'to?! Ang dignidad ko!

 

"Siyempre nag-momol na kayo, so ano? Musta?" Intriga ni Giselle.

 

Hinwakan niya ang kamay ko na naka-patong sa braso niya, "We did." Walang alinlangan niyang sagot, "Winter's very aggres—"

 

"BABY KO!!!" Malakas na sigaw ko at tinakpan ang bibig niya.

 

She laughed, her face still flushed, same as mine. Dahil don, hanggang pauwi kami ay inaasar nila ako. Wild daw! Kaloka! Ang baby ko naman ay nag-enjoy ata na asarin ako. Mga alas onse ay naka-ligo na kaming lahat at ready na umuwi. Kung wala lang talagang pasok bukas ay nag-sleepover na kami.

 

Pumunta din ng saglit si Ate Irene, at si Ryujin ay hindi matigilan ang pagka-crush kay Ate Irene. Gandang ganda lang siya. Nakikain lang naman siya ng barbecue at naki-asar sa akin. 

 

"Hahaha! Ilang beses ko sila nahuli!" Pag-kwento ni Ate Irene sa kanila, "Mga kabataan talaga."

 

Inirapan ko siya. Alam kasi niyang hindi ako makaka-kontra sa kaniya. 

 

"Sabay ako sayo," Sabi ni Yeji at sumakay na sa shotgun, hinatid ko na ang baby ko sa bahay nila dahil walking distance lang naman, "Wala ba kayong tiwala kay Winter?" Natatawang tanong niya sa mga nanonood sa amin.

 

Tumawa lang si Ryujin, "Gusto ko pa mabuhay." 

 

Sa huli ay ako, si Yeji, at Yuna lang ang magkasabay umuwi. Ang saya lang ni Yeji dahil hindi na siya magda-drive sa amin pauwi. 

 

"Wow, galing ah." Pag-puri ni Yuna sa akin, "Win, sunduin mo 'ko bukas ha!" Natatawang sabi niya.

 

Inirapan ko siya, "Diretso ako kayla Karina." Sabi ko.

 

Nakakaloka lang sila. Pinanood pa talaga nila ako kanina na mag-drive. Tsaka lang ata sila gumalaw nung hindi na nila kami natanaw. Bumabalik sa isip ko ang pinagsasabi sa akin ng bab

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniww
walang proofread, katamad shdhahda mema langs hehe bored habang nagsstream.

Comments

You must be logged in to comment
Keenakeens #1
Dami kong tawa dito haha. I really felt everyone's bond, it was really cute and funny. One of my favourite tagalog ff. I started missing Philippines while reading this and also started speaking more tagalog to my family again because of this fic.

Thank you author.
einjie_GF
#2
Chapter 20: Ang cuteee waaaaa... HeartHEARTTTTT💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 16: 💙💙💙
einjie_GF
#4
Chapter 6: Hahahahahaha huli kayo,,, kiligggg nmn si ako e
einjie_GF
#5
Startttt
1609Andrea
2063 streak #6
Congrats
reveluv316 786 streak #7
congrats on the feature
playfulkissbof
20 streak #8
Congrats
IceQueenChogiwa
1090 streak #9
Congrats on the feature!
karinasaurus11
56 streak #10
Starting to read this story! Ang cute!🥺