Chapter Four

Got Me Tangled
Please Subscribe to read the full chapter

 

"Winter! 'Di ka ba lalabasa diyan?!" Malakas na sigaw ni Ate sa labas ng pintuan ko, "Bahala ka nga." 

 

Lumipas ang limang minuto wala na kong narinig na ingay mula sa labas ng kwarto ko, paniguradong umalis na si Ate. Kanina pa niya 'kong alas otso tinatawag, kanina ko pa din sinasabi na hindi ako kakain, pero balik siya ng balik. Wala nga akong gana eh! Hindi ba niya maintindihan 'yon? 

 

May narinig akong kumatok sa kwarto ko. Nakakainis naman eh!

 

"Minjeong," Napa-tigil ako sa boses ng Mama ko, "Hindi ka ba kakain?" 

 

Inalis ko ang kumot na naka-talukbong sa akin, "Hindi po!" Sigaw ko pabalik.

 

Tumahimik ulit sa labas, kaya binalik ko ang kumot. Ang lamig!

 

"Bakit ayaw mo kumain? Dadalan nalang kita diyan sa kwarto mo." Nagulat ako nung magsalita si Papa, "Minjeong, bakit naka lock ang pintuan mo?" 

 

Ang kukulit naman!

 

"Hindi nga po ako kakain!" Sigaw ko para marinig nila, "Busog pa po ako, lumabas po ako kanina para mag-meryenda!" Paliwanag ko.

 

Tinanggal ko ulit ang kumot, nakita kong binubuksan ni Papa ang pintuan, "Sigurado ka? Wag ka magpa-palipas ng gutom ha." Bilin nito, bago tumigil sa pag-bukas ng pintuan ko. 

 

Nakakaloka. Kailangan talaga umakyat ang buong pamilya? Baka mamaya pati ang aso ni Ate ay paakyatin niya dito para tawagin ako kumain. 

 

Sa pamilya kasi namin, sabay sabay kaming kumakain. Walang naiiwan, depende nalang siguro kung wala sa bahay, malamang. Ang motto ng aming pamilya ay food is life. Kalimutan mo na ang lahat, wag lang ang kumain sa tamang oras. Nung isang beses nga na hindi ako kumain ng almusal dahil late na ako, napagalitan ako pagka-uwi nila Mama. Bakit daw ako nagpapalipas ng umagahan, dapat daw ay gumigising ako ng mas maaga.

 

Naka-tulog ako ng balot na balot ang katawan ko sa kumot, at lamig na lamig. 

 

Kahit naka-pikit pa ang isa kong mata, tumayo ako para pumunta sa banyo at maligo. Nakipagtitigan muna ako sa shower bago ko tuluyang binuksan 'yon. Nanginig agad ako sa pag-bagsak palang ng tubig sa katawan ko. Hindi ko nabuksan ang heater! 

 

Lumabas ako ng banyo na pipikit-pikit ang mata, na-sili ako ng shampoo! Hapdi naman.

 

"Bakit 'di ka kumain kagabi?" Bungad sakin ni Ate na nagluluto ng pancake, "Gawan mo din ako kape." Sabi niya nung makitang kinakalikot ko ang coffee maker namin.

 

Inabot ko 'yung capsule, "Americano?" Tanong ko sakaniya, tumango siya. "Busog nga 'ko."

 

Inismiran niya 'ko, "San ka ba galing?"

 

"Diyan l-lang." Sabi ko, "Nag-ramen."

 

"Ikaw? Gagastos sa ramen?" Sabi niya na parang 'di makpaniwala. 

 

Ano tingin sakin nito? 

 

Tumawa lang siya nung sinabi kong oo, "Imposible! Mas kuripot ka pa sakin!" Natatawang sabi niya.

 

"Wala ka bang trabaho?" Inis na tanong ko sa kaniya.

 

"Ay tanga ka!" Sabi niya sabay abot sa akin nung batter ng pancake, "Maliligo pa 'ko. Ang tanga mo talaga." 

 

Ako pa?!

 

Kumain na 'ko pagkatapos kong mag-luto. Iniwanan ko lang si Ate ng note na umalis na ako. Maagang umalis sila Mama dahil pareho silang may trabaho ni Papa. Abogado si Papa, tapos Real Estate agent naman si Mama. Si Ate naman ay professor sa ibang school. 

 

"Natuloy kayo?" Tanong ni Ning habang nagdi-discuss si Sir Perez sa Gen Math. 

 

Hindi ko siya kinausap at nakikinig lang sa tinuturo, Kausapin mo na 'ko sa lahat, wag lang sa Math. Isang beses napa-lingat lang ako sandali dahil kinausap ako ni Ryujin, pag-balik ko sa pakikinig parang nasa ibang lupalop na ko. Nakakaloka lang.

 

Narinig ko ang mahinang pag-tawa ni Ryujin ng siniko ko si Ningning, "Hindi ka kakausapin niyan." Sabi niya kay Ning.

 

Tama ka diyan, RJ!

 

Hindi na 'ko kinulit ni Ning hanggang sa matapos ang lecture. Nag-iwan pa nga ng homework. Umay sayo, Sir. 

 

Kinalabit ako ni Ning, "Oh?" Tanong ko.

 

"Natuloy kayo?" Tinaasan niya pa 'ko ng kilay, nilapit din ni Ryujin at Renjun ang mukha nila para makinig sa isasagot ko.

 

I sighed, "Mamaya ko ike-kwento."

 

-

 

Pinatawag ako ni Minju nung hapon. Hindi ko nai-kwento sa kanila. 

 

"Wala ng bawian ah!" Sabi pa nito sa akin, "Pag binawi mo 'yon ako ang ililibre mo ng chicken wings."

 

Sinamaan ko siya ng tingin, "Sino ka diyan?" Tumawa lang siya. 

 

Pinakita niya sakin 'yung mga nasa party niya. Ang daming mga pamilyar na pangalan. Si Minju ang tatakbong president, tas si Hyewon sa vice president. Sure win na 'to. 

 

"Ano?" She asked, wiggling her eyebrows.

 

"Panalo na 'to eh." Natatawang sabi ko.

 

Tumawa siya, "Galing ko pumili noh?" 

 

Pinagsama-sama ba naman niya 'yung mga kilalang estudyante sa iba't-ibang strand, tapos mga matatalino pa. Sure win na talaga.

 

"Wala ka na bang mapili sa treasurer, kaya ako nalang?" 

 

Nanlaki ang mata niya, tapos umiling, "Hindi ah! Magaling ka kasi sa Math!" Sabi pa niya.

 

"Chicken wings ah, pag nanalo, with drinks sana." Pangunguna ko sa kaniya. Tinampal niya ang braso ko, mukha daw akong pagkain. Food is life!

 

"Ang tagal naman nila Beomgyu." Sabi nito habang nagcha-chat sa GC namin. Si Beomgyu 'yung tatakbong secretary.

 

Bumukas ang pintuan ng room at pareho kaming napatingin doon, dumungaw si Hyewon. Grade 12-ABM 'to. 

 

"Hello," Mahinang bati niya, sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ko, "Nabudol ka ni Minju? Ako din eh."

 

Natawa naman ako nung binato siya ni Minju nung papel na hawak niya. 

 

Sunod sunod na nag-datingan din naman ang mga nasa campaign ni Minju. Inabot ata kami ng isang oras sa pag-uusap dahil kung saan-saan umaabot ang pinag-uusapan namin.

 

Si Yoon ang pinaka-maingay saming lahat. Tawa ako ng tawa sa mga kwento niya. Transferee pala siya, 11-ABM naman si Yoon. Batch rep siya.

 

"Ka-close mo si Ate Yeji diba?" Biglang tanong niya sakin.

 

Napatingin naman sakin halos lahat ng kasama namin, inaantay ang sagot ko, "Oo, bakit?"

 

Tumingin siya doon sa batch rep ng HUMSS, "Isa! Sabi sayo close sila ni Ate Yeji eh." Bumalik ang tingin niya sa akin, "Crush niya si Ate Karina, 'yung transfer!"

 

Kumunot ang noo ko.

 

"Hoy! Hindi!" Namumula ang mukha nung Isa.

 

Tumawa lang si Minju, "'Yun ba 'yung matangkad?"

 

"Oo," Sagot ni Hyewon, "Nakatabi ko 'yon nung orientation, ang bango."

 

Totoo, mabango talaga.

 

"Close ba kayo ni Ate Karina?"

 

Close ba kami, "Hindi g-gaano," Sagot ko, "Ayaw niyo kay Giselle?" Natatawang sabi ko.

 

Malakas na tumawa si Hyewon, "Ang sungit non!" Sabi nito, "Pero close kayo diba? Palagi nga kayo mag-kasama ni Giselle eh." Tukso pa niya sakin.

 

Nag 'yiee' naman ang lahat. Jusko! Bakit naman doon pa sa haponesa?

 

"Hindi kami mag jowa!" Nandidiri kong sabi, si Yoon kasi tinanong ba naman ako kung jowa ko daw ba si Giselle, "Mapang-asar 'yon, kaya dikit ng dikit sakin, trip na trip ako asarin."

 

Tawang tawa naman sila sa itsura ko kasi halata daw na diring-diri ako.

 

"Dati nga kumalat na si Yeji daw 'yung jowa mo."

 

Agad akong hinampas ni Yoon, "Hoy! Hindi mo naman sinabi?!"

 

Inirapan ko siya, "Hindi din! Magkababata kami ni Yeji! Mga issue kayo." Inis na singhal ko sa kanila, "Saan niyo ba noupulot 'yan?"

 

Dahil nga bukas na kami mangangampanya sa mga rooms, napag-usapan na namin ang mga kailangang sabihin, at mga gagawin. Meron din palang mga ipapamigay si Minju na ballpen para sa mga students.

 

"Ang sabi sakin ni Ma'am Zamora mga 10:00 am daw tayo mag-start." Sabi niya, "Start tayo sa STEM, A, B, at C." Tumango-tango lang kami.

 

Jusko naman, sa section agad namin mag-start.

 

-

 

"Hello! Good morning!" Bati ni Minju, nagpapakilala siya as President. Binati niya din ang lahat, bago niya kami ipakilala isa-isa.

 

Nakikita ko ang mga ngisi nila Ryujin sa likod. May hawak din siyang papel na nakapa-ilalim. Hindi ko makita ang nakalagay. Nagulat nalang ako nung pinakilala ako ni Minju ay nagsi-tayuan sila at nag-sigawan.

 

Nakakahiya! Tawa ng tawa mga ka-party namin. Halos lahat kasi ng nasa section namin ay nag-hiyawan. Ang lalakas lang ng trip nila.

 

Humiyaw pa si Ningning bago kami matapos.

 

"Ang hindi bumoto kay Winter Kim, hindi ica-crushback!"

 

Mas lalo akong na-stress ng nasa section B na kami. Mas nakakaloko ang ngisi ni Yuna sa akin. Tahimik lang naman na nakikinig si Chaeryeong at Jisung, pero si Yuna ay malaki ang ngisi.

 

"Winter Kim ang ganda mo!" Sigaw nito bago kami lumabas, "Akin ka nalang!"

 

"Panget mo!" Sigaw ko pabalik na ikinatawa ng mga kaklase nila.

 

Hanggang sa umabot kami sa Grade 12. Dito na 'ko kinakabahan. Parang bigla nalang ayokong sumama sa pangangampanya. Kailangan ba talaga 'to?

 

Umakbay sakin si Yoon, "Saan tayo una?" Tanong nito.

 

Nagkibit balikat ako, "ABM ata." Sabi ko.

 

"HUMSS muna, tapos ICT, tapos ABM, huli na tayo sa STEM." Sabi ni Minju na nasa likod namin.

 

Dahil nasa building kami ng HUMSS at ICT, iyon ang uunahin namin, tapos pabalik kami sa ABM at STEM. Bakit naman huli pa? Lalo akong kinakabahan huhu.

 

"Meryenda muna, guys!" Sabi ni Soobin, batch rep ng ICT-11. Inabutan niya kami ng tubig at sandwich.

 

Inabot siguro kami ng thirty minutes na puro chikahan lang bago ulit kami tumayo para mag-ikot ikot. Deserve ko ata matulog mag-hapon after nito. Ang sakit lang ng paa ko.

 

"Deserve ko talaga ng chicken wings." Bulong ko kay Minju ng makatabi ko 'to.

 

Tinignan niya 'ko at tumawa, "Oo nga! Kailan mo ba gusto?" Bulong niya, "Next week na? Busy ngayong week."

 

"Prelims next week." Irap ko sa kaniya.

 

", oo nga!" Sabi niya, nalimutan pa ni shunga.

 

Tinampal ko ang braso niya, "Next next week ha."

 

Ito na. Last section. 12 STEM-A.

 

Naka-hilera kami sa harap habang pinapakilala kami ni Minju isa-isa. Magkakatabi sila Lia, Yeji, Giselle, at Karina. Nakikita ko ang proud na ngiti ni Yeji at Lia, ang natatawang Giselle, at ang may maliit na ngisi na Karina.

 

Tahimik lang naman sila the whole process. Makakahinga na sana ako ng maluwag ng biglang nag-taas ng kamay 'yung isa.

 

"Yes, Mr. Choi? May question ka ba?" Tanong ng lecturer nila.

 

May nararamdaman talaga akong kakaiba.

 

"May nagpapatanong po," Nakangisi siya sa akin, "Kung single daw po ba si Winter?"

 

Nag-hiyawan ang lahat, lalo na si Yeji. Rinig na rinig ko 'yung sigaw niya. Nakakaloka! Tinulak-tulak naman ako ng mga kasama ko.

 

Tumawa naman 'yung lecturer nila, "O, Miss Kim, ano ang sagot? Hahaha, sino ba ang nagpapatanong?" Pakikisama ni Ma'am.

 

"P-po?" Nahihiya kon

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniww
walang proofread, katamad shdhahda mema langs hehe bored habang nagsstream.

Comments

You must be logged in to comment
Keenakeens #1
Dami kong tawa dito haha. I really felt everyone's bond, it was really cute and funny. One of my favourite tagalog ff. I started missing Philippines while reading this and also started speaking more tagalog to my family again because of this fic.

Thank you author.
einjie_GF
#2
Chapter 20: Ang cuteee waaaaa... HeartHEARTTTTT💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 16: 💙💙💙
einjie_GF
#4
Chapter 6: Hahahahahaha huli kayo,,, kiligggg nmn si ako e
einjie_GF
#5
Startttt
1609Andrea
2063 streak #6
Congrats
reveluv316 786 streak #7
congrats on the feature
playfulkissbof
20 streak #8
Congrats
IceQueenChogiwa
1090 streak #9
Congrats on the feature!
karinasaurus11
57 streak #10
Starting to read this story! Ang cute!🥺