Chapter Thirteen

Got Me Tangled
Please Subscribe to read the full chapter

Antok na antok na ko sa seminar na 'to. Parang nag mimisa yung lecturer. I yawned, at tinampal ni Hyewon ang tiyan ko ng hindi ako nakapag-takip sa pag-hikab ko.

 

"Magtakip ka naman." Natatawang sabi ni Hyewon at binato sakin ang isang panyo, "Wag ka magpa-halata, baka matawag tayo."

 

Nagtatawag kasi ang lecturer. Kanina pa kami umiiwas ng tingin, hindi din kasi nakikinig ang magaling naming president. Kanina pa siya nagce-cellphone at puro facebook nalang ang ginagawa.

 

Binigyan kami ng ten minutes break. Tumayo kaming tatlo, at sabay sabay kaming pumunta sa restroom. Tawa kami ng tawa ng muntikan na kaming maligaw. Muntik na kami mapunta sa kabilang building.

 

Hinampas ako ni Minju, "Gaga ka! Akala ko ba alam mo?"

 

"Last year pa 'yon!" Natatawang sabi ko, pabalik kami sa auditorium nung makasalubong namin si Ate.

 

"Minjeong!" Tawag niya sa akin. Tatlo kaming napatigil. Lumapit siya sa amin, "Bakit nandito ka?"

 

"Seminar." Tanging sabi ko, naramdaman ko ang pag-kurot ni Minju sa braso ko, "Ah Ate, si Minju, at Hyewon, kaibigan ko." Pakilala ko, "Si Ate Taeyeon, kapatid ko."

 

Tumango-tango naman ang dalawa, "'Di halata, ganda ng Ate mo." Sabi ni Minju.

 

"Tama ka diyan!" Pagsang-ayon ni Ate kay Minju.

 

Pag-balik namin sa auditorium ay tumabi na sa amin si Ate. Ang daldal talaga nito. Hindi siya naubusan ng kwengo kayla Hyewon. Madalas pa doon ay inaasar nila akong tatlo. 

 

"Hoy, jowa mo?" Biglang tanong niya sa akin nung napunta kami sa topic sa jowa ni Minju na si Chaewon.

 

"Sa uni."

 

Naubo si Hyewon, "May jowa ka?"

 

Tumawa si Ate, "Haha! Secret ba dapat 'yon?"

 

"Hindi naman." Natatawa kong sagot, "Pero 'di din naman lantad." Dagdag ko at uminom ng tubig.

 

Kumunot ang noo ni Hyewon, 'Parang wala naman akong nakikita?"

 

Pumalakpak si Ate habang tumatawa, napapatingin tuloy samin ang ibang mga estudyante, nagtataka siguro bakit kami may kasamang professor ng YGU, at nagtataka kung bakit napaka-ingay namin.

 

"Hindi ba obvious kung sino?" Natatawang tanong ni Minju.

 

Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at naka-ngisi.

 

"Si Renjun ba?" 

 

Napa-ubo ako.

 

I grimaced, "Tropa 'yon!" 

 

Tumawa siya ng mahina, "Siya lang nakikita kong close mo eh. Or si Jisung!" 

 

Nagkatinginan kami nila Ate, at Minju. Sabay sabay kaming natawa. Nag-sorry pa nga kami sa nasa likudan namin dahil nagalit sila sa amin kasi ang ingay daw namin. Ang laughtrip kasi ni Hyewon.

 

"Lagpas ten minutes na, magsisimula na ulit ang lecture." Sabi ni Ate at tumwayo para bumalik sa unahan, "Sige na, mamaya nalang." Paalam niya.

 

Nainis sa amin si Hyewon dahil hindi na namin siya pinansin. Grabeng cliffhanger naman daw. Nung nag-simula na ang seminar ay nakalimutan na ata niya at nakinig na kami sa lecture. 

 

Pag-tapos ng seminar ay nagpaalam na kami kay Ate at dumaan kami sa Starbucks para bumili ng donut. Nilibre din kami ni Minju ng tig-isang frappe pasasalamat daw niya sa pag-sama namin sa kaniya. Mukha bang may choice kami?! Char. 

 

Natatandaan ko tuloy yung last na panlilibre niya sa akin. Kasama niya non si Chaewon, at kasama ko naman ang baby ko non. Para lang kaming nag-double date non. Grabe lang ang natanggap naming pang-aasar galing sa mag-jowa. Tapos tanong pa sila ng tanong, kagaya ng 'sino unang umamin?' 'sino unang nagka-gusto?' 'nag-kiss na kay?' puro ganiyan! Ang sarap lang nilang iwanan bigla.

 

Love <3

 

Winter: Love, may class kayo?

 

Winter: Pabalik na kami.

 

Love <3: I'm still in class, baby. 

 

Winter: Okay!! Wait po kita, love.

 

Love <3: Okay baby. I love you.

 

Winter: I love you too.

 

Winter: I got you donuts pala.

 

Love <3: Okay! Thank you, babe.

 

Love <3: Wait! NATAWAG AKO SA RECIT.

 

Winter: HAHAHA goodluck!

 

Dumiretso kami sa SC office pag-dating namin sa univ. Excused na kami hanggang sa last class namin. Dahil tamad ang president namin, natulog kami. Nag-alarm ako hanggang 3:00 PM, para sakto sa tapos ng klase. Tinext ko din sila Ning na nasa SC office ako para alam nila kung saan nila ako hahanapin.

 

Grabe lang ang antok ko! Pag-patong palang ng ulo ko sa desk ay naka-tulog agad ako. Si Hyewon lang ata ang gising sa amin dahil may tatapusin daw siyang report, at si Minju naman ay katabi kong matulog. 

 

Ang tawag samin ni Ma'am Zamora ay kambal. Dahil pareho kaming KMJ, at pareho pa kami kung kumilos. 

 

Nagising nalang ako na nandito na si Ning na kausap si Hyewon, at ang baby ko na nakatabi sa akin. She's caressing my hair. Napa-bangon ako ng wala sa oras, ang bilis lang ng pag-angat ng ulo ko na ikinagulat din niya.

 

"Baby, be careful..." She sweetly said, and fixed my hair.

 

I heard Ning scoffed, "Ano? Tapos na ba mag-landian? Pwede na ba tayo mag-brainstorm?" Singhal niya sa amin.

 

Tumaas ang kilay sa akin ni Hyewon nung dumako ang tingin ko sa kaniya. Tumango-tango siya at binigyan ako ng malaking ngisi. 


"Ano oras na?" I asked.

 

She opened her open and showed it to me, "It's already three." Mahinang sabi niya, habang naka-hawak sa kamay ko, "May lines ka pa oh." Natatawang sabi niya, she traced her finger on the lines.

 

Natawa ako dahil sa kiliti at nag-unat. Grabe! Isang oras din ang tulog ko. Sabay sabay kaming lumabas papunta sa room namin, sasabay daw sa akin pauwi ang baby ko dahil hindi naman daw siya busy.

 

Our hands were intertwined habang naka-kapit naman sa braso ko si Ning. Naiinggit daw kasi siya sa amin ng baby ko. Dumaan muna kami sa cafeteria para bumili ng makakain namin. Nilabas ko ang paperbag ng SB sa bag ko.

 

"Baby, binilan pala kita ng donut." Sabi ko as I handed her the paperbag.

 

Her eyes glistened, "Akala ko nalimutan mo na." Natatawa niyang sabi, she kissed me on the cheek bago niya kuhain ang paperbag, "Thank you, my love." She grinned.

 

I can't help but to grin too.

 

 

-

 

 

After namin mag-usap nila Ning about sa research namin ay umuwi na kami. Ako ang pinag-drive niya simula sa univ hanggang sa bahay namin. Kabadong kabado ako kasi hindi pa ako sanay sa madaming kotse. 

 

"Babe, mag-signal ka." Natatawang sabi niya.

 

Hindi daw siya natatakot pero grabe lang ang kapit niya sa seatbelt niya. Nag-palusot pa siya sa akin na hindi lang daw siya sanay na maging pasahero. Dumating naman kami sa bahay namin ng matiwasay, pero inaasar niya pa din ako kasi hindi daw ako marunong mag-signal.

 

She keeps chuckling habang nagtatanggal ng seatbelt, "We should do this often, para masanay ka." She said bago siya lumabas para lumipat.

 

Binuksan ko ang pintuan ko at lumabas na, "Tapos mang-aasar ka nanaman, imbes na turuan mo 'ko." Masungit na sabi ko sa kaniya, umupo na siya sa driver's seat, hindi pa din sinasara ang pintuan, "Che! Umuwi ka na nga." Hinwakan niya ang wrist ko bago pa ako makalayo.

 

"Goodbye kiss ko?" She pouted.

 

Inirapan ko siya, "Wala." Pagbibiro ko.

 

Umungot siya, "Hindi na 'ko mang-aasar." She raised her palm, "Promise!" 

 

Natawa ako. Hahaha! Mukha bang mare-resist ko ang baby ko?

 

Walang pag-alinlangan akong yumuko, at hinawakan ang kaliwang pisngi niya bago ko nilapat ang labi sa kaniya. Hmm. Nadadala ako sa emosyon ko. Isinandal ko siya sa driver's seat at tuluyang pumasok ang ulo ko sa loob ng kotse. 

 

Her hand went up to my forearm, and pulled me closer. While my hand went down to her neck, then to tracing her collarbone.

 

"...hmm." She moaned when I bit her lip.

 

"Minjeong?" 

 

Nanlaki ang mata ko at dali-daling tumayo ng maayos. Aray! Nauntog pa 'ko.

 

Nagka-tinginan kami ng Mama ko.

 

Oh. My. God.

 

Naka-upo kami sa sala. Si Mama ay nasa harap namin, habang mag-katabi kami ng baby ko. Bakit ang aga umuwi ni Mama ngayon? Huhu. Kanina ko pa tinatap ang daliri ko, kinakabahan ako. Binigyan kami ni Mama ng inumin. 

 

I cleared my throat, "Ma..." Tawag ko sa atensyon ni Mama na nag-bibilin kay Ate sa text na mag-dala ng meryenda, "Si Karina po, girlfriend ko." Pakilala ko.

 

Tumango siya. Tahimik lang siya.

 

"Good afternoon po." Bati ni Karina.

 

Hindi pa din nagsasalita si Mama. Alam kong nagulat siya, nag-come out ako sa kaniya, tapos may nakita pa siyang kababalaghan sa labas, at nagpakilala pa ako ng girlfiriend. Binigla ko agad.

 

"Matagal na ba kayo?" Tanong ni Mama.

 

My baby squeezed my hand, "T-two months palang, Ma..." Sagot ko.

 

"Bakit ngayon mo lang pinakilala? Kung hindi ko pa kayo nakita sa labas ay baka wala ka pang balak ipakilala sa akin ang girlfriend mo." Hin

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniww
walang proofread, katamad shdhahda mema langs hehe bored habang nagsstream.

Comments

You must be logged in to comment
Keenakeens #1
Dami kong tawa dito haha. I really felt everyone's bond, it was really cute and funny. One of my favourite tagalog ff. I started missing Philippines while reading this and also started speaking more tagalog to my family again because of this fic.

Thank you author.
einjie_GF
#2
Chapter 20: Ang cuteee waaaaa... HeartHEARTTTTT💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 16: 💙💙💙
einjie_GF
#4
Chapter 6: Hahahahahaha huli kayo,,, kiligggg nmn si ako e
einjie_GF
#5
Startttt
1609Andrea
2063 streak #6
Congrats
reveluv316 785 streak #7
congrats on the feature
playfulkissbof
20 streak #8
Congrats
IceQueenChogiwa
1089 streak #9
Congrats on the feature!
karinasaurus11
56 streak #10
Starting to read this story! Ang cute!🥺