Special Chapter: Two (W)

Got Me Tangled
Please Subscribe to read the full chapter

Winter

 

SHS

 

Kailangan ba talaga 'yon?! Ang pakialamera kasi ni Ms. Tamayo eh. Kung ano ano tuloy iniisip ng baby ko. Papansin eh.

 

"Sama ng mukha ah?" Natatawang sabi sa akin ni Yuna pagkakita niya sa akin. 

 

Hindi ko siya pinansin. Nagtatampo pa 'ko kay Karina. Grr. Bakit naman kasi kailangan pa hiwalay?

 

Tandang tanda ko yung gulat ko nung sinabi niya sa akin na mag-break kami. Anong break pinagsasabi mo bebe ko?!

 

Halos mahimatay ako sa gulat.

 

Sumunod si Ryujin na umakbay sa akin, "Kamusta ang exam, boss?" Tanong niya sa akin, "Kamusta ang pagtatampo?" She pinched my cheeks.

 

Tinampal ko ang kamay niya, "Tigilan mo ko." 

 

Tumawa lang siya, "May what if ako..."

 

"Ano 'yon?" Lumapit naman agad si Yuna, si Ning ay natigil sa ginagawa at lumapit din.

 

"What if lang may kabit si Rina? Tapos taga doon sa subdivision nila, mayaman." Seryosong sabi ni Ryujin.

 

"Ay! Hala!" Natatawang sabi ni Ning.

 

Tumawa si Yuna, "Mga gago kayo! Papaiyakin niyo nanaman si Winter." 

 

Ilang beses na nila 'kong inaasar dito. Wala na 'to sa akin. Alam ko din naman na ako lang ang mahal ng baby ko.

 

Che.

 

Mga single nga naman.

 

Hindi ko sila pinansin, tuloy-tuloy lang sila sa pang-aasar sa akin.

 

"Hahaha! Ano laban mo don teh? Naka Netflix 'yon, ikaw naka TV Plus lang." Natatawang sabi ni Ning.

 

Lahat kami ay humagalpak sa tawa.

 

"Ang gago mo naman!" Natatawang sabi ko kay Ning. 

 

Sinabunutan ko silang dalawa.

 

Nagawi ang tingin ko sa kabilang side ng cafeteria. Parang may nakatingin kasi sakin. I scratched the back of my head. 

 

Nakita ko ang pamilyar na pigura ng girlfriend ko. Ang ganda talaga. 

 

Hindi ko napigilan ang mapatitig nang matagal sa kaniya. Halos naka-lean na ang buong katawan ko sa isang kamay ko kakatingin sa kaniya. 

 

"Ganda ng view, noh?" Biglang sumingit yung mukha ni Ning sa tinitignan ko. "Hahahaha! Huli ka na!" She wiggled her brows.

 

I rolled my eyes.

 

-

 

"Winter!" Nilayo ko ang phone ko sa tenga ko nang marinig ko yung sigaw ni Ate Irene.

 

Bakit nasigaw?! Alas sais pa lang ng umaga?!

 

"A-ano po 'yon...?" Antok na tanong ko.

 

"Si Rina!" Sigaw nanaman niya, "Hindi pa nagbe-breakfast! Dalan mo hehehe." 

 

Tumango ako, "Hmm." I said.

 

Paniguradong gusto niya ng coffee. Hindi niya kayang walang coffee sa araw niya. Noted na sa isip ko ang iced coffee ng McDo. 

 

"Ikaw na bahala ha," Sabi pa nito, "Bumangon ka na diyan! Hindi makakapag-isip yon ng walang kape." 

 

Hindi pa ako nakasagot ay ibinaba niya na agad ang phone. I frustratedly sighed at bumangon na sa kama. 

 

Kating kati na 'ko mag chat. 

 

"Papansin kasi si Ms. Tamayo eh." Inis na sambit ko habang nagshashampoo, "Edi sana may nagg-good morning sakin! Kainis!" Pagkakausap ko sa sarili ko.

 

Ang sarap sumigaw. 

 

Wala na tuloy nag-good morning at good night sa akin. Wala ng nagpapaalala sa akin na kumain ng breakfast—speaking of! Napamadali ako ng ligo dahil bibilihan ko pa pala si Rina ng coffee and pancakes. 

 

Hindi ko alam kung sinasadya ba ng McDo na puro mag-jowa ang nasa loob. Nakakaloka! Halos lahat by partner! Pano naman akong bawal makipag-chat for a week?!

 

Miss ko na talaga siya...

 

Nakita ko agad siya, ang ganda talaga. Kainis! Isisisi ko talaga to kay Ms. Tamayo. Siya ang sisisihin ko sa lahat!

 

Tahimik lang siyang pinapanood ako habang nilalapag ko sa harap niya ang mga binili ko. Nag-hesitate ako kung iki-kiss ko ba siya sa cheeks niya or magpapaalam nalang. 

 

In the end, kiniss ko siya. Hehe. Ka-miss.

 

"Let's talk soon?" Sabi ko.

 

I miss you na.

 

Kainis!

 

 

-

 

 

Kanina pa nanliliit ang mata ko. Kausap niya si Jeno. Nagtatawanan sila.

 

Hmm.

 

Alam ko namang mag-kaibigan sila. Nakakainis lang...

 

Ako sana kasama niya ngayon.

 

Ms. Tamayo!

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniww
walang proofread, katamad shdhahda mema langs hehe bored habang nagsstream.

Comments

You must be logged in to comment
Keenakeens #1
Dami kong tawa dito haha. I really felt everyone's bond, it was really cute and funny. One of my favourite tagalog ff. I started missing Philippines while reading this and also started speaking more tagalog to my family again because of this fic.

Thank you author.
einjie_GF
#2
Chapter 20: Ang cuteee waaaaa... HeartHEARTTTTT💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 16: 💙💙💙
einjie_GF
#4
Chapter 6: Hahahahahaha huli kayo,,, kiligggg nmn si ako e
einjie_GF
#5
Startttt
1609Andrea
2063 streak #6
Congrats
reveluv316 786 streak #7
congrats on the feature
playfulkissbof
20 streak #8
Congrats
IceQueenChogiwa
1090 streak #9
Congrats on the feature!
karinasaurus11
57 streak #10
Starting to read this story! Ang cute!🥺