Chapter Three

Got Me Tangled
Please Subscribe to read the full chapter

"Hindi nga!" 

 

Naloloka na 'ko. Simula nung ganap sa cafeteria kanina, hindi na 'ko tinantanan ng mga kaibigan ko. Si Yuna ay tahimik na tinatawanan lang ang mga ganap. Ang nangyari tuloy ay sinasabi nilang kasabwat ko si Yuna sa pagtatago ng chismis na 'to, dahil nga pumunta si Yuna sa bahay kagabi. Nasa labas kami ng SMU, nagtu-turo turo habang ginugulo nila ako.

 

 

"Anong hindi?! Bakit may hiraman na ng jacket?" Eskandalosang tanong ni Ningning, "Kuya, isa pa nga pong palamig! Umiinit ang ulo ko eh."

 

Natawa ako, "Ang issue mo." Sabi ko dito, "Kung ano ano pumapasok sa isip mo."

 

Umakbay sakin bigla si Ryujin, "So ano nga?" 

 

"Wala nga."

 

Tinusok ko 'yung kwek kwek at nagsawsaw sa suka bago ko sinubo ng buo. Ang init! 

 

"Ayan. Desurb mo 'yan," Natatawang sabi sakin ni Ryujin, "Sinungaling ka kasi!" 

 

"Painom ako." Sabi ko sabay agaw sa palamig ni Ningning.

 

Naglalakad na kami papunta sa sakayan ng jeep, pero naka-dikit pa din sila sa akin. Si Yuna ang naka-angkla sa akin. Jusko, ang bigat. 

 

"Ano na Win?" Si Ryujin, "Susundan ka talaga namin hanggang sa inyo."

 

Wala naman kasi akong ike-kwento! Pilit sila ng pilit eh wala naman talaga. 

 

Tinotoo nga nila. Nasa harap na kami ng bahay namin, naka-sunod pa din sila sa akin. Apat nalang kami. Si Chaeryeong ay inaantay 'yung ate niya, tapos sila Renjun ay umuwi na. Hindi ba hinahanap ng mga magulang nila 'to sila Ryujin? Tawagan ko na kaya si Tita para mapauwi na 'to. 

 

Nakabihis na ako ng simpleng t-shirt, at shorts para komportable ako sa bahay. Naka-higa sa couch namin si Ryujin, habang nasa sahig naman sila Yuna at Ning, na naghahanap ng mapapanood sa Netflix. 

 

"Hindi kami aalis." Mariing sabi ni Ryujin sa akin.

 

Naloloka na talaga ako!

 

"Wala nga!" Sabi ko, "Ano namang ike-kwento ko sa inyo eh wala namang ganap?" 

 

Pinaningkitan ako ng mata ni Ning, "Bakit may hiraman ng jacket?"

 

I sighed, "Hindi ko alam." 

 

Tumawa si Yuna, "Sabi sayo Win," Umayos siya ng upo, "Type ka non."

 

Tumili naman sila Ryujin at Ning. Napa-irap nalang ako, at umupo sa one-seater couch namin.

 

"Pano mo naman nasabi?" Masayang sabi ni Ning.

 

Ngumisi si Yuna, "Nakita ko messages nila kagabi." Kinikilig na sabi pa nito.

 

Napatakip ako ng tenga nung lumapit sakin si Ning at tumili, tapos kinapa ang cellphone ko. 

 

"Tsk!" Inis na agaw ko, "Tigilan niyo 'ko!" 

 

Kinukulit naman nila ako ngayon sa messages ni Karina sa akin. Pano naman nasabi ni Yuna na type ako ni Karina? Straight naman ata 'yon eh. Hindi ko maisip na si Karina na magkaka-gusto sa akin. Imposible naman kasi. Ang ganda ganda kasi niya, tapos parang she's way out of my league. Para bang unreachable siya. Ang layo layo sakin. Karina Yoo 'yon eh.

 

Matalino, maganda, mayaman. Nalaman ko din kay Yuna kagabi na isa pala ang pamilya ni Karina sa mga shareholder ng SMU. Isa din sila sa pinaka-kilalang pamilya sa Asia. Tapos sinabi din nila na sikat daw si Karina sa former school niya. Magaling din daw 'to mag-swimming! Tapos dancer din daw. Sporty na talented pa, san ka pa?

 

"Winter naman!" Inis na singhal sakin ni Ningning, nung sinabi ko sa kanila lahat ng iniisip ko, "Anong ang layo layo? Siya na nga mismo 'yung nalapit sayo oh!" 

 

Tumango si Ryujin, "Tsaka anong sinasabi mong di siya magkaka-gusto sayo?" Inismiran niya 'ko, "Halos angkinin ka na nga sa Instagram."

 

I frowned, may naalala ako, "Kaso, may gusto siyang iba...diba?" 

 

Bumagsak ang mga balikat naming apat. 

 

"Diba kilala mo Yuna?" Napatingin kami kay Yuna.

 

Nagkibit balikat siya, "Hindi pa ako sure." Ngumiti siya sa akin, "Kukuha pa ako ng impormasyon sa source ko." Sabi ni Yuna, "Babalitaan ko kayo."

 

Tinapik-tapik ni Ning ang balikat ko, "Don't underestimate yourself, Win." 

 

Ayoko naman kasing mag-assume. Umpisa palang pinipigilan ko na ang sarili ko na magka-gusto sakaniya. Kahit ma ganon ang way ng pag-chat niya sakin. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano. Ayoko mag-bigay ng malisya sa mga chat na 'yon. 

 

At saan naman ako dinala ng desisyon ko?

 

Siyempre. Umasa ako. Nag-assume ako.

 

Umpisa palang, hindi ko na napigilan.

 

"Sa tingin niyo..." Panimula ko, "Worth ba mag-risk?"

 

-

 

Isang linggo na ang lumipas simula nung kinausap ako nila Ryujin. Isang linggo na din nilang pinapalakas ang loob ko. Isang linggo na din naming pinag-uusapan kung sino ba nag gusto ni Karina, dahil ayaw sabihin samin nila Giselle at Yeji. 

 

"Sino nga?" Pagpipilit ni Ningning sa dalawa na natatawa lang.

 

Nagpipigil ng tawa si Giselle, "Bakit ba?!" Natatawang tanong nito, "Bakit 'di siya 'yung tanungin niyo?" Turo niya kay Karina na tahimik na nagbabasa na kasama nila Chaeryeong.

 

"Oo nga." Segunda ni Yeji.

 

Lumapit kaming lahat kung nasaan sila Karina. Naka tambay sila sa field, habang kami ay nahuli dahil late ang dismissal namin. Nakasalubong lang namin sila Yeji na nag restroom.

 

Kumaway agad si Yuna, "Tara dito!" Tawag niya sa amin.

 

Ako ang huling pe-pwesto. Sabi ko nga, simula nung isang linggo, tinutulungan na nila ako. Sa tabi nalang ni Karina ang bakante. Napatingin siya sa akin, at inayos ang upo niya para mas maluwag ang space ko.

 

"Why were you late?" She asked, pagka-upo ko.

 

"Bagal mag dismiss ni Sir."

 

She chuckled, at inabot niya sakin 'yung coke na nasa harapan niya. Paniguradong bigay nanaman sa kaniya 'to.

 

Narinig ko ang pag-ubo ni Ryujin, pag harap ko sakaniya tinaasan niya 'ko ng kilay, nawala ang ngiti sa labi ko na hindi ko namalayan.

 

"Malapit na Prelims!" Biglang sabi ni Mark, "Tinatamad na ko mag-aral." Bagsak niya sa libro niya.

 

Dahil magka-lapit lang kami ni Karina, naramdaman ko 'yung pag-galaw ng balikat niya sa pag-tawa. Binuklat ko ang notes ko, makapag-review na nga lang.

 

Akala ko makakapag-focus ako. Kada baling ko sa katabi ko, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin tapos ngumingiti. I can't help but to smile back.

 

"Mamaya na kayo mag ngitian diyan teh." Bulong sakin ni Yuna sa gilid ko. Natawa naman si Karina, narinig siguro ang sinabi ng isa.

 

Agad nawala ang ngiti ko, at sinamaan ng tingin si Yuna.

 

Pinipigilan ko ang sarili ko na tumingin sa gawi niya. Kasi naman! Nahuhuli ko siya sa peripheral vision ko na natingin pa sakin! Huhu.

 

I bit my lip to stop myself from smiling. Naalala ko nanaman.

 

Three days ago...

 

Karina Yoo

 

Karina: Hi, Win.

 

Karina: Did you have lunch na?

 

Kumunot ang noo ko. Ano 'to? Pa-fall?

 

Winter: Yup! Ikaw?

 

Karina: Oh. Okay...

 

Karina: Not yet. Haha.

 

Winter: Mag-lunch ka na. Hahaha.

 

"Aray!" Napasigaw ako sa kurot ni Ningning sa tagiliran ko, "Ano?"

 

Pinanlakihan niya 'ko ng mata, "Malandi ka." She said, tapos tinuro ang cellphone ko at labi ko, "Kanina pa kita tinatawag! Lawak lawak ng ngiti mong bruha ka."

 

I laughed.

 

Karina: I was planning to have lunch with you sana. Kaso you're done na pala.

 

Winter: Ha?

 

Karina: Lunch sana with you.

 

Hinampas ko si Ning.

 

"Aray ko!" Sigaw nito sakin, at pinigilan ang kamay ko na patuloy na hinahampas siya, "Parang tanga!"

 

"Sorry!" Natatawang sabi ko, at kinagat ang labi para pigilan ang ngiti.

 

Sumilip siya sa cellphone ko at pinakita ko naman sa kaniya 'yon. Impit siyang tumili at pinalo palo pa si Renjun na walang kamalay-malay sa nangyayari.

 

"Mag-reply ka na!" Excited na sabi niya. Nanonood siya habang nagtitipa ako ng reply.

 

Winter: Ah ganon ba.

 

Winter: How about tomorrow?

 

Karina: Sounds nice.

 

"Sana all!" Sigaw ni Ning.

 

Tinampal ko siya at sinabihang manahimik. Napatingin tuloy samin si Ryujin na busy mag-ayos ng irereport niya para sa next class.

 

"Si bading!" Turo niya sakin, "May date bukas!" Tili nilang dalawa.

 

Para kaming tanga na nagpipigil ng kilig.

 

Kaso ilang araw na hindi pa din kami natutuloy ni Karina. Ilang araw na kaming nag-reresched. Nakakaloka, parang ayaw yata kaming pagsabayin ng lunch. Kinabukasan kasi non, pinauwi daw siya ng Mom niya para mag lunch sila. Tapos kahapon naman, ako naman ang hindi makaka-sipot. Pinatawag kasi ako sa student council, inaya lang naman ako ni Minju na tumakbo as officer.

 

Sana ngayon, matuloy na kami.

 

Bumalik kaming lahat sa room namin matapos mag-bell. Tinatamad na talaga ako pumasok. Rawr!

 

"Wala daw si Ma'am Reyes," Sabi ni Minju pagka-pasok niya sa room, "Winter, tara." Tawag niya sakin.

 

Lumabas kaming dalawa para mag-usap. Tahimik na ang corridor dahil wala naman ng mga tao pag may klase. Depende nalang siguro pag maaga ang dismissal nila o sadyang makukulit lang sila.

 

"Minju, kung sa student council nanaman 'to, ayoko ha." Diretson

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
retniww
walang proofread, katamad shdhahda mema langs hehe bored habang nagsstream.

Comments

You must be logged in to comment
Keenakeens #1
Dami kong tawa dito haha. I really felt everyone's bond, it was really cute and funny. One of my favourite tagalog ff. I started missing Philippines while reading this and also started speaking more tagalog to my family again because of this fic.

Thank you author.
einjie_GF
#2
Chapter 20: Ang cuteee waaaaa... HeartHEARTTTTT💙💙💙
einjie_GF
#3
Chapter 16: 💙💙💙
einjie_GF
#4
Chapter 6: Hahahahahaha huli kayo,,, kiligggg nmn si ako e
einjie_GF
#5
Startttt
1609Andrea
2063 streak #6
Congrats
reveluv316 786 streak #7
congrats on the feature
playfulkissbof
20 streak #8
Congrats
IceQueenChogiwa
1090 streak #9
Congrats on the feature!
karinasaurus11
56 streak #10
Starting to read this story! Ang cute!🥺