Masyado Pang Maaga (VI)

Katha

MPM

Part 6

kala ko matagal ko pa matatapos tong part 6, enjoy reading! 
 

 

--

 

“Hey, Winter..”

 

Tawag mo sa kanya na busy sa gitara nya. Nandito kayo sa music room. Wala namang gumagamit nito tuwing Wednesday at sobrang aga pa. 

 

“Po?”

 

“Po ka dyan! 1 year lang pagitan natin.”

 

“Hehe joke lang, yes ano yon?”

 

“When did you start liking me?"

 

Nakita mong nagulat ito at namula. Hala ang cute nya, napasandal ito lalo sa kinauupuan nya.

 

“No comment Tito boy!”

 

“Sira! Dali na, I won’t tease you about it naman. I just really want to know.”

 

“Simula nung pinakilala ka sa akin ni Ate Gi!”

 

Napatayo ka, hindi ka makapaniwala sa sagot nya.

 

“That long? First year high school ka pa nun ah..”

 

“I consider you uhh happy crush before. Pero I realize nung HS graduation nyo while you were doing your speech. I think I must have really liked you a lot na hindi na lang yon happy crush. I decided na to really pursue you ngayong first year ko dito sa college.”

 

Napanganga ka, that’s quite a really long time. Imagine almost 5 years ka na nyang gusto grabe, 2nd year college ka na ngayon. She said that her feelings for you never changed, for five long years. That’s unbelievable, di ba?

 

“Are you serious, Winter?”

 

“Oo nga po, totoo yon. Kaya nga masaya ako kasi you finally gave me a chance.”

 

Pero if she really likes you nung HS pa, aware kaya sya that you had a relationship before?

 

“Edi I hurt you back then?”

 

“Huh?”

 

“I mean si Taeyong.”

 

“Huh? Ano ulit?”

 

Yung itsura nya parang naghang na computer. What did you do to Winter?

 

“Naging kami ni Taeyong nung last year ng high school.”

 

“Pero sabi ni Ate Gi, magpartner lang daw kayo sa sayaw?”

 

“Yes and we’re also together back then.”

 

Napakurap-kurap ito, katahimikan lang ang bumalot sa loob ng room. Hindi mo alam if dapat ka pa bang magsalita? It looks like your broke her down.

 

Naputol lang ito when the bell rang, maging sya saglit na napapitlag. Hindi naman sya magugulatin like you. Mukhang sobrang maapektuhan sya sa sinabi mo.

 

“Uhmm Winter please, forget what I said kanina. It’s all in the past, si Taeyong at ako, we’re friends na lang ngayon.”

 

“Ahh oo naman ate, sige tara na, tumunog na yung bell. Di mo naman siguro gustong malate.”

 

She’s smiling pero it’s different plus she’s calling you ate. Nag-usap kayong she’ll drop the ate pagkayo lang dalawa. Her whole energy parang down na down, ah no, down talaga. Walang laman ang mga mata nyang hindi nakatingin sayo kapag kinakausap mo. 

 

Dapat yata hindi mo na sinabi. Now, you feel like naubos ang happy cells na nasa katawan nya.

 

“Ate Rina?”

 

You sighed, how are you going to fix this? Ayaw mo naman syang malungkot. 

 

Kaya instead of answering you bent down to kiss her right cheek. Pinisil din ng daliri mo yung chin nya.

 

“I’m serious, don’t think about what I said earlier. This, itong ngayon, this is what really matters."

 

Bago kayo makalabas at maghiwalay, you held her hand as you try to cheer her up.


Naglalakad ka na papunta sa classroom mo nang maisip mo ulit yung naging epekto ng mga sinabi mo kay Winter kanina. Napabuntong-hininga ka na lang.

Kung sobrang tagal ka na nyang gusto, matutumbasan mo man lang ba kahit yung pagtangi nya sayo?

 

 Sa mga susunod na araw, will you be able to love her just as much?

 

You are suddenly feeling scared kung saan kayo papunta.

 


 

 

The two of you are chilling sa dorm mo. Weekend and your plan only is to spend time with Winter since ginawa mo na nung Friday ang assignments mo fortunately nakapagadvance study ka naman last last week pa kaya madali mo lang natapos.

 

Of course, the biggest reason is you missed her so damn bad. Nagstart na rin kasi ang band practice nila although sometimes you are there to watch it kunwari for Giselle, oops half-truth naman kasi nandun ka to support them both. Secret nga lang yung pagcheer mo kay Winter.

 

“Rina, what would you like for dinner mamaya?”

 

Napansin mong kumakawala ito sa yakap mo.

 

“Saan ka pupunta?”

 

“Hanggang hapon naman yung palengke dito pero bibili na ko para may pagpipilian pa. Kaya anong gusto mo iprepare ko mamaya?”

 

“Can we just order? Dito ka na lang.”

 

You tried to bring her back sa position nyo kanina but she still insisted to go out.

 

“Whole week ka na, na puro take-out. Hayaan mo na kong ipagluto ka. Let me take care of you, okay?”

 

Sa tingin mo siguro kahit di mo pa icheck sa salamin pulang-pula ka, she’s so considerate and thoughtful. She’s childish most of the time but you see her efforts na alagaan ka rin somehow.

 

Sabi nga nila, the way to a woman’s heart is through her stomach. So far, it’s working and you really like that she spoils you lalo na sa mga bagay na confident syang gawin gaya sa pagluluto.

 

“Uhmm, okay. I think nagkecrave ako sa sinigang.”

 

“Noted, sige I’ll be back.”

 

“Ingat ka!”

 

“Okay, love you!”

 

She kissed you on the cheeks before running to the door.

 

Did she just say she loves you?

 

You squealed sa kama mo. Grabbed your pillow tinakip sa mukha mo at tumili ulit.

 

Winter is so random and you can’t believe yung nararamdaman mo ngayon. Hindi butterflies, sa loob mo yata kinulong ni roldt ang mga dinosaur na tumatakbo para maligtas sa meteor na tatapos sa kanila. 

 

Gusto mong matawa parang nung nakaraang mga buwan lang, you have doubts whether you’ll be able to keep up with her.

 

Pero ngayon, you see yourself falling fast and hard na ni hindi mo maaninag kung may hangganan pa ang babagsakan mo.

 

 

 


 

“Dad, is it okay if I don’t run for SC’s presidency next year?”

 

You know it’s going to be hard for you next semester. Nakaabang ang thesis mo, feasibility study at evaluation exams. 

 

You already let go of joining the theater club this year kasi you opted to try being VP of student council.

 

“Anak, bakit hindi? Tignan mo ang ate Taeyeon mo, nagawa naman nya. She graduated Summa pa na, kaya mo rin yon.”

 

“But Dad, I don’t think mapagsasabay-sabay ko sila.”

 

“Parehong-pareho kayo ng ate mo, yan din ang narinig ko sa kanya dati. Akala nya hindi nya kaya na magduty as president, active sa music club and other extra-curricular activities but she still aced it. She maintained her grades. Rina, we believe in you. Kaya mo yan, okay?”

 

Nag-usap pa kayo until may meeting na naattendan ang dad mo. You bid your goodbye, just as what you expected na sasabihin nya, he is persuading you na ituloy mo. You’ve been so preoccupied these past few days na you think you’re going to collapse because of stress sa pagmeet ng deadlines.

 

Vice President ka pa lang ng lagay na ito, what more if you become the President? 

 

Your thoughts were interrupted when a hand was trying to hold you. Napatingin ka sa gilid mo. Dito mo na pinatulog si Winter since sinabayan mo syang mag-aral for her midterm exams, siniguro mo talagang di sya magsasayang ng oras.

 

Sunday ngayon at mag-aaral pa rin kayo ulit mamaya.

 

You smiled as you watch her stretch, naisipan mong iiwas ang braso mo, wala lang gusto mo lang sya pagtripan. It seems effective naman when you see her frowning pero too sleepy pa rin to open her eyes.

 

“Jagi~”

 

She’s really cute, too cute that even you can’t resist kaya naman pinagbigyan mo na. You slide down ulit sa bed at tumagilid to look at her and return her hug.

 

Mas lalo pa syang lumapit sayo. Minulat ang mga mata nyang halatang gusto pa rin matulog pero nilalabanan pansamantala, sinisimangutan ka.

 

“Akala ko iniwan mo ko...”

 

Tumawa ka ng mahina, she really acts like a big baby.

 

“Why would I do that?”

 

“Tsk tsk... matulog pa tayo maaga pa...”

 

“Hmmm sorry na, nagjojoke lang ako. Nandito lang talaga ako sa tabi mo kanina pa.”

 

“Okay.”

 

Inaantok nitong sagot at handang ipikit ang mga mata nya. Ayaw mo naman matulog ito na bad mood pa rin.

 

“Sorry na, I love you jagi...”

 

You told her before bumping your nose sa kanya and held her tighter. Di mo tinigilan hanggang sa bumigay sya.

 

Dalawa lang naman kasi ang weakness nya one pagmaysapusa ka in short, pagikaw ang clingy since madalas talagang sya at second, pagbinabalik mo sa kanya yung paborito nyang endearment sayo.

 

“Daya mo, alam mo namang marupok ako!”

 

You saw her trying her best not to smile. At that moment, alam mong you’re forgiven already.

 

You giggled as she went off to dreamland nang nakangiti na.

 

Pinanood mo syang matulog, you sighed nang mapansin mo ang phone nyong dalawa sa side table at pinaalala sayo ang problema mo.

 

You tried to focus on Winter ulit. You stretched out your hand para ayusin yung buhok nyang napupunta sa pisngi nya.

 

Siguro nga tama sila, you should give it a try na tumakbong president next year.

 

Baka nga kaya mo kasi kahit nakakapagod ang maghapon mo, you’re still happy because at the end of the day, you have your own sunshine to come home to. 


 

 

==

 

Tagaktak ang pawis mo, bakit naman kasi sa loob ng lagoon ang napili na paglagyan ng marriage booth?

 

Tulad ng dating gawi, dito ka tumatambay pagfoundation day para masiguradong itatapon mo sa impyerno este sa jail booth ang mga hunghang na magpapalista na magpakasal kay Miss President.

 

Syempre dahil nga magex kayo, mas pinili ng President na ang secretary ang isamang maglibot at ioversee ang mga ganap today. So ikaw pagkatapos mo sa inassign nya sayo, nandito ka na. 

 

“Winter, sino pa ipapakulong mo?”

 

Ito ang runner mo, si Ryujin, in charge ulit college nila sa jail booth. Palibhasa suportado ka, alam nya kasing gusto mo si Karina kaya ayan magkakuntsaba kayo.

 

“Kayong dalawa galingan nyo umacting mamaya mareklamo na naman kami kasi hindi natutuloy yung mga wedding nila kay Miss Pres!”

 

Sita sa inyo ni Chaeryeong na keyboardist nyo at sya ring namamahala sa marriage booth na pakana ng college of business.

 

“Para naman kasi silang shunga alam naman nilang busy yon, dagdag pa sila!”

 

“Asus selos ka lang, haynaku Winter. Feeling jowa ka kay President masyado.”

 

Lumabi ka, pasmado talaga bibig ng mga kabanda mo.

 

“Bakit nyo ba inaaway ang baby natin? Wawa naman oh..”

 

“Yan kaya ayaw tumigil kinukunsinti mo kasi Ryujin. Sobrang out of our league kaya yun si President. Eh ang fresh chikka nga, baka sila na nung Jeno diba?”

 

“Huy tama na yan, Chaer baka umiyak tong si Winter! Akin na yang papel itatakbo ko na roon sa taas.”

 

Tanghali na marami-rami na kayong naikasal at naipakulong. You can’t help but laugh bakit mo nga ba ginagawa ito?

 

Siguro, kaunting panahon pa ang kailangan mo. Sa ngayon kasi hindi mo pa rin magawang bitawan sya.

 

Di bale, pagnatapos na yung isa mo pang pakay sa student council, hindi naman na kayo masyado maghaharap ng landas.

 

By that time naman baka you’ll be able to let go of her.

 

Naputol ang pagmuni-muni mo nang makaramdam ka ng malamig sa bakal sa wrist mo.

 

Napatingala ka, si Ryujin, kanina lang straw na plastic gamit nito sa pagposas ah.

 

“Hehe sorry napag-utusan lang, bayad na kasi sila eh.”

 

Itinuro nito sina Ningning at Giselle. ! Sa pinsan mo siguro tong posas na ito, sabi na nga ba nang makita mo ang nakaukit na surname ninyo. Galing kayo sa pamilya ng mga militar at pulis. Dati lagi nyo sinasabing gusto niyong sumunod sa yapak nila so niregaluhan kayo ng custom-made na posas. Weird no?    

 

“Huh?”

 

Nagtataka ka bakit isang kamay lang ang pinosasan nya. Nasagot ang tanong mo nung may hila-hila ang iba pang kablock ni Ryujin.

 

“Sorry talaga Miss President, trabaho lang walang personalan.”

 

Ikinabit nito ang kalahati ng posas sa bagong bihag nila. Napatingin ka kina Ningning at sa pinsan mong nagdonate pa nga ng posas.

 

“Ano to?! Huyy!”

 

Reklamo mo naman sa kanila, tahimik ang buhay mo kanina. Ano na naman tong nangyayari?

 

“Napagdesisyunan ng SC na gawin ito para naman maging close kayong dalawa. Kaya ayan, free day nyo today kaming bahala sa mga ganap mamaya. Enjoy pres at vp!”

 

Sabi ni Ningning sa inyo habang inaakbayan ng pinsan mo. Tignan mo itong dalawang ito, nagpraktis lang ng ilang araw magtropa na. Magrereklamo ka pa sana ulit kaso nagsalita ang pinsan mo.

 

“Ops ops— tama na, bayad na yan. Wala na kayong magagawa. Hanapin nyo ako mamayang 6pm para sa susi!”

 

Kinindatan ka pa nga, ang sarap nyang tadyakan. Nagulat ka naman at tinabihan ka ni Ryujin.

 

“Naks friendly date!”

 

Binulungan ka na rinig din naman ng katabi mo, sana brinoadcast na lang ni Ryujin no, napakatalaga.

 

Siniko mo nga. 

 

“Aray! Gago ang sakit! President oh di ba bawal manakit ang SC official?”

 

Pinandilatan mo ng mata. Sana lamunin ka na ng lupa. Pinagtitinginan kayo ng mga estudyante. Pati yung kasal na ginaganap sa gilid nyo nahinto dahil nalipat lahat sa inyo ang atensyon.

 

You sighed lalo kang hindi makapag-isip kasi katabi mo sya, nakakadistract kaya yung pabango nya. 

 

Lalo naman yung posas, kung hindi kayo maingat magkakadidikit ang likod ng mga palad nyo. Napakaraming santo na ang natawag mo para lang pigilan ang sarili mong hawakan ang kamay nya.

 

“Winter”

 

Natauhan ka nang marinig ang boses nya. Nakatayo na pala ito sa harap mo.

 

San Juan, San Lorenzo, San ka kaya kakapit kasi muntik ka nang mabuwal dahil bibigay yata ang tuhod mo nung tumingala ka?

 

Walang-wala kasi ang ganda ng umaga sa kanya. 

 

“Tara?”

 

Tanong nito sayo kaya hindi ka na magtataka kung madadala ka nya sa alapaap, after all ilang beses mo na ring naitanong kay Roldt kung saan nya tinago ang pakpak ng ex mo.

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
271 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
64 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
707 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁