Masyado Pang Maaga (V)

Katha

sorry for the errors! di ko na naproofread & sensya rin sa paghihintay ang tagal bago ko sya natapos huhuhu nalayo sa outline and draft na ginawa ko. Baka abutin to ng 10 parts huhu try ko paikliin 😭😭😭
 

 

Naiistress ka na, kulang na lang hugutin mo na lahat ng buhok mo. Kaliwa’t kanan ang mga meeting at hindi matapos-tapos yung mga paper na kinokolekta from different departments para sa approval ng booths nila.

 

Kung ganito pala kahirap sana si Jeno na ulupong na lang ang nanalo. Bakit nga ba kasi naghanap ka ng dagdag na sakit ng ulo?

 

Dalawang linggo na rin ng simulan mong pigilan wag pansinin si bebeg0rl Ka- este si Miss President, hindi naman talaga kayo nagpapansinan pwera na lang pagmeeting at usapin regarding SC-related matters. One-sided pala yung palihim mong pagpansin sa kanya, you tried na wag sya isipin, kung nakakain na ba sya or nahihirapan na sya sa tambak na gagawin. Basta, basta sinusunukan mo naman since unti-unti na nga yatang nagiging realidad ang bangungot mo.

 

Sila na nga yata talaga nung panget na Jeno na yon. Mas dumadalas na kasi ang pagaabang nito kay Karina pauwi.

 

She doesn’t care about you na, di ba? Then dapat ikaw din tanggapin mo na, na mag ex lang kayo.

 

Lol, easier said than done.

 

Of course, you still think about her. You still care kasi mahal mo pa rin at ang hirap magpanggap na hindi pero at the same time alam mong kailangan mo nang bumitaw. 

 

Kasi nga, hindi na kayo tulad ng dati. 

 

Hindi na kayo.

 

“Winter!”

 

“Huyyy..”

 

“WINTER!!!”

 

“Ate Gi! Grabe ka makasigaw! Ano ba yon?”

 

“Kanina pa kaya kita tinatawag! Sakit na ng lalamunan ko tulala ka pa rin dyan...”

 

“Mmhh medyo pagod lang”

 

“Yan napapala mo, sali ka pa sa SC para sa kalandian mo hahah di ka naman pinapansin ni Rina...”

 

Sinamaan mo ng tingin, paulit-ulit? Kailangan ba talaga masampal ka araw-araw ng katotohanan?

 

“Bakit ka ba nandito ate? Wala ba kayong klase?”

 

“Inexcuse ako ni Rina need nya raw help sa SC eh tsaka kaya pala ako nandito, hindi available si Lia na kumanta sa foundation day at wala kaming choice kundi ikaw.”

 

“Bakit ako? Nagbreak nga ko muna diba? Kala ko ba gets nyo yun?”

 

“Gets naman namin kaso di nga pwede si Lia sa araw ng performance kaya nga ikaw ang sunod na option!”

 

“Ikaw nalang ate Gi! Kaya mo naman yon...”

 

“Sige try mo kumanta habang nagdadrums at ayoko nga ikaw naman ang lead vocal natural ikaw dapat magfill ng vocal position pagwala yung main vocal natin...”

 

“Ehh ayoko busy ako nun tsaka di nga muna ako sasali sa band activities eh..”

 

“Arte mo, dali na para makahakot ka ng chix. Kawawa ka naman at para makamove on ka na kay Rina!”

 

“Ayoko pa rin!”

 

“Luh bahala ka nga! Kung ayaw mo, hanapan mo kami kundi isusumbong kita kina Ryujin. Porket nanghingi ka ng break sa min papabayaan mo na kami...”

 

“Ang drama ngayon lang naman ako tumanggi magsub kay ate Lia. Grabe naman kayo huhuhu...”

 

“Bahala ka basta hanapan mo kami. Sige na, bye na tinetext na ko ng best friend kong hindi ka type, bleh!”

 

Lagi na lang talaga.

 

 

Dagdag pasakit pa nga tong si ate giselle, saan ka naman hahanap ng magsasub sa main vocal nyo para sa foundation week?

 

2 days lang since for opening at closing day ang performances ng mga banda, ayaw mo kumanta or masali muna sa band activities dahil mamaya pumalya ka sa student council duties mo ay may masabi na namang di maganda sayo ang presidente nyo.

 

Naglalakad ka sa hallway papuntang class mo nang marinig mo na may kumakanta sa loob ng music room.

 

Tangina, lakas ni ate Love On Top pa nga!

 

Dahil isa ka ring chismosang kapit-bahay, dahan-dahan kang sumilip. Hala?

 

Maganda pala boses nya. Sa liit nyang yon, birit level si kween B ang inaabot?! Kinikilabutan ka sa ganda, kapal at taas ng boses nya.

 

Perfect.

 

Tama perfect para maging main vocalist nyo!

 

“Ning!”

 

“Ay palaka ka!”

 

“Ningning!”

 

“Winter?”

 

Excited mo syang tinungo. Yes, nahanap mo na sya. Solved na ulit ang problem mo.

 

“Grabe ka naman Ning, kala ko ba close friends na tayo tapos di mo sinabi magaling ka pala kumanta?”

 

Aba, kasi naman recently lang kayo naging close kasi she helps you out at yung ibang mong kapartido sa mga project ng mga kaalyado nya since minsan di mo matanong directly si President. 

 

“Ah eh di ka naman nagtatanong tsaka di na ko sumasali sa contests kasi dami namin ginagawa.”

 

“Ganun ba? Pero okay lang ba kung may favor ako ulit, pramis saglit lang naman ito.”

 

“Ano na naman yan? May papaabot ka kay Ate Rina?”

 

“Ha? W-wala. Ano kasi di ba nagbabanda ako noon? Hindi kasi pwede yung main vocal namin sa 2 days perf para sa foundation week, baka naman gusto mong magsub?”


Nakita mong magningning ang mga mata nito, ang cute lang bagay talaga sa kanya ang palayaw nya.

 

“Ooh talaga? Sige sige dalawang araw lang naman pala tsaka wala naman klase on! Namiss ko kumanta!”

 

“Thank you! Thank you!”

 

Sa sobrang tuwa mo ay naiayakap mo ito ng mahigpit. Medyo napatagal yata ng ilang minuto kasi di nyo namalayan pareho may nakapasok na sa loob ng room.

 

“Hoy hoy landi mo talaga niyebe! May time pa mangchix.”

 

Si ate Giselle mo yun ah, hala nasa likod nya yung mga kaklase nila at katabi nya si Karina.

 

“Baka pwede sa labas kayo maglambingan, next class kasi namin music.”

 

Pahabol pa ng Ate Gi habang sumisipol papunta sa upuan nito.

 

“Next time huwag nyong kalimutan that you are still in the school premises. Dalawa pa man din kayong part ng student council.”

 

Napansin mo namang natakot yung kasama mo kaya parang hinarang mo ang sarili at nilikod sya. Your ex can really be this scary and ikaw din naman noon takot pagganito sya.

 

“Sorry Ate Rina.. wala nama—“

 

“Make sure you mean your apology, huwag nang mauulit ito.”

 

Mariing nakatingin sa inyo, ang tangkad nya pa nakakaintimidate talaga.

 

“Naiintindihan naman namin di mo na kailangan ulitin pa.”

 

Dali-dali mong niyayang lumabas si Ningning, hinawakan mo ang kamay nya. Not even bothering na itama ang maling akala nila sa inyo, mapanuksong mga tingin ang sumunod sa inyo at sumisipol pa rin, panigurado mo yung pinsan mo yun.

 

Wala naman kayong ginagawang masama eh bakit ka matatakot?

 

—-

 

 

“Jagi!”

 

“Winter? Bakit nandito ka?”

 

Nilingon-lingon mo ang paligid ng SC room buti wala ng tao kundi ikaw at itong pasaway mong jowa na nakadungaw mula sa pinto.

 

“Di ka pa ba lalabas dyan?”

 

“Hindi pa.”

 

“Bakit? Anong oras na kaya!”

 

“Huh eh ang dami ko pa kasing tatapusin.”

 

Tinignan mo yung gabundok na papel sa gilid ng desk, kung hindi pa yan obvious sa kanyang busy ka.

 

“Edi hihintayin kita!”

 

“Winter, huwag na. Uwi na at saka mamaya baka may makahuli sayo rito.”

 

Aba’t pumwesto pa sa tapat ng desk mo humalukipkip at akmang matutulog sa katabing table mo.

 

“Rina, kanina pa kaya nagsiuwian ang kasama mong officers.”

 

“Kahit na baka mamaya may bumalik, sige na. Uwi na, okay?”

 

Tumingin ka muna ulit sa pinto, nasiguro mong wala naman yatang biglang papasok. Dumukwang ka sa table mo at hinalikan ang nobya mo sa pisngi.

 

“Sige na, mauna ka na umuwi.”

 

“Jagi~”

 

Gusto mong matawa dahil nagmamaktol na naman sya. Hay, she’s really like a kid trapped in that cute-sized teenager body. 

 

“Baby, magsasabay naman tayo next week ulit kasi tatapusin ko na ito so I won’t be busy on Monday. Tayo na dyan, ingat ka ha!”

 

Balak nya yatang talunin ang mga pato at bibe sa paglabi nya, she doesn’t like it paghindi kayo sabay umuwi at hindi mo rin masisisi yun lang kasi ang time na malaya kayong magkasama. 

 

She pouted even more, your gf is really adorable kaya nga you can’t resist, kissing her again but this time on her lips and hugged her tight bago mo pinagtabuyan ulit. 

 

“Sorry, baby. Basta ingat ka and don’t forget to text me pagnakauwi ka na. Love you!”

 

“Okay, fine. Ikaw din, ingat ka.”

 

Hinintay mong makalabas ito ng pinto bago bumalik sa ginagawa mo.

 

Kung sinundan mo sana sya ng tingin hanggang sa hallway, nakita mo dapat yung maliit na papel na nilukot nya sa palad. Yayayain ka pala dapat nitong manood ng sine mamaya kasi sya naman ang magiging busy sa pagbabanda nila next week.

 

Nitong nakaraang mga araw, hindi nyo man lang mahawakan ang isa’t isa ng matagal gaya ng oras na lumipas lang sa pagitan ng mga palad ninyo.

 

——

 

 

Narinig mong inutusan ni Miss President si Ning na magkabit ng posters, stage designs atbp. Pumayag naman si Ningning kaagad-agad dahil daw artistic sya kaya sya na raw bahala don.

 

Sa loob-loob mo, bakit naman si Ningning pa ang inassign nya eh obviously maliit ito. Kaya niremind mo ang sarili mo na after mapapirmahan sa dean ng college nyo yung papel na hawak mo ay pupuntahan mo si Ningning para tumulong.

 

Buti na lang cooperative naman yung dean ng department pinaliwanag mo lang sandali ang proposal tapos pinirmihan naman din nito agad. Of course nireview nyo naman na yon, you made sure na walang nilabag na violation ang bawat booths presented for the foundation week.

 

Plus gusto din naman ito ng teachers, no classes kasi ng isang linggo. Sus, amin-amin din minsan both students and teacher ang ayaw may pasok (sorna mga mamser 😭😭 takot aq sa recit nyo eh 😭😭) 

 

Nang matapos you passed by the SC room at nilagay na sa ni Miss President ang mga papel na napapirmahan mo na. Buti na lang wala sya kaya ilalapag mo na lang, she can review it mamaya bahala sya basta tapos na trabaho mo. Sakto lang din kasi di mo alam paano haharapin kung galit pa rin sya sa ganap niyo ni Ningning kanina sa Music room.

 

Nagmamadali ka nga rin kasi nga tutulungan mo pa si Ningning kaya naman ang bilis-bilis mong tumalikod.

 

Shuta. May balat ka talaga sa pwet. 

 

Muntik na naman kayong magkabanggan ni Miss President dahil papunta na pala ito sa table.

 

“Anong ginagawa mo?”

 

Parang may kumalabit sa puso mo nang marinig mo ang boses nito. Akala ko ba di ka na marupok?

 

“Iaabot ko sana yung mga naaprubahan na ng mga dean. Ayun na sa table mo.”

 

“Hmmm...”

 

Iniwas mo na ang tingin kasi para saan pa ba, nainform mo na sya why you are in front of her desk. She walked to her table, paalis ka na sana.

 

“Saglit lang, let me check it baka mamaya may kulang pa.”

 

Gusto mong irapan sya kaso inikutan mo na lang ng mata habang nakatalikod ka. Grabe yung trust issues nya, di ba dapat ikaw nga ang magkaganon?

 

“Fine, review mo na.”

 

Nakatayo ka sa harapan nito.

 

“Why don’t you take a seat, Winter?”

 

“Hindi na, nagmamadali rin kasi ako dahil I have something to do pa.”

 

“Do what? This is the last task I assigned to you, diba?”

 

Ito na yata ang pinakamahabang usap nyo outside of SC meetings. Nakita mo ang mga mata nyang nag-uusisa, nagulat siguro why will you stay pa because you hated it noon na matagal maglagi sa univ aside na lang kung sya ang hihintayin mo and hindi ka naman na kasi nagbabanda ngayon.

 

Baka she’s thinking na di ka na nakatagal at sasali ka na ulit sa band activities. Tsk tsk

 

“I’ll be staying to help a friend.”

 

Yun lang ang sinabi mo need mo pa ba idisclose kung sino? Hindi mo alam if your eyes are playing tricks on you pero she looked stunned for a second like she couldn’t believe what she’s hearing tapos she hummed as an answer para bang alam nya na saan ka pupunta.

 

Ikaw lang ba o ang bagal nyang icheck yung mga papel?

 

“Tapos na ba? Actually, dinouble check ko naman na rin yan kanina bago ko ipasa sayo.”

 

“Ah oo ok na, sige.”

 

Tumayo ka na at naglakad papuntang pinto.

 

“Winter!”

 

Anak ng- ano na naman ba? Humarap ka ulit dito ng walang kagana-gana.

 

“If you ever see your cousin, please tell Gi na puntahan ako later, kailangan namin ayusin yung flow of events sa opening ceremony.”

 

“Okay, uhmm pwede na ba talaga akong umalis?”

 

“Ah yes, ok na please make sure to tell her.”

 

Di ka na sumagot siguro naman enough na yun na sign para magets nyang nagmamadali ka talaga.

 

 

“Pero jagiiiii”

 

“Diba I told you na you should limit yourself sa pagkain ng street foods? Plus what did I tell you about skipping classes?”

 

Nakakunot mong tanong sa kanya nang malaman mong nagcutting daw ito kasama ng barkada nya. Well, nalaman mo kasi di sinasadyang mabasa mo yung gc nila ng banda dahil nga best friend mo ang pinsan/drummer ng banda nilang si Giselle. You were bound to know din naman kasi nagmaktol pa nga sayo ang best friend mo dahil nga hindi ito makasama sa galaan ng lower years. 

 

Yon siguro ang benefits ng nasa isang secret relationship madali makafish ng info sa mga ginagawa nya. Hindi naman kasalanan ni Giselle na hindi nya alam at unconsciously nabisto mo si Winter who lied to you earlier.

 

“Eh kasi boring yu—“

 

“Winter, hindi dahilan kung boring yung class mo. Be responsible and be respectful naman towards your professor and parents.”

 

You can’t help but be disappointed. Were you not able to be a good influence to her?

 

“And then, you lied to me pa. Paano na lang if something happens to you? Ang akala ko naman you are diligently attending your classes tapos you’re outside the premises of the school pala during class hours.”

 

“I’m sorry sobrang nagcrave lang kasi talaga ako kaya sumama na rin ako kasi wala ako naiintindihan sa class.”

 

“Alam mo Win, just talk to me pagmay valid reason ka na para sa mga pinaggagawa mo today.”

 

“Babe, pupunta tayong mall ngayon diba? Nakalimutan mo na ba?”

 

Sinimangutan mo ito, after your disagreement towards each other wala syang iniisip kundi ang date nyo instead na marealize what she did wrong. At by way of her reasoning kanina, you know she’s thinking that you are being unfair.

 

You sighed, she held your hand na parang kinukumbinsi ka to continue your date. 

 

“Let’s not go to the mall muna and not see each other for the meantime.”

 

Tinanggal mo yung kamay nyang nakahawak sayo.

 

“Huh?”

 

“I told you, talk to me kung naiintindihan mo na why I’m upset with you. Winter this isn’t the first time, ano pa bang gusto mong klase ng pagpapaalala ang gagawin ko?”

 

“Rina, sorry na talaga di na mauulit.”

 

“Hmmm that’s what you always say. Tsaka na lang tayo ulit magkita once you really mean it.”

 

“Teka lang naman...”

 

You paid no attention sa pagtawag nya sayo. You’re pissed at wala ka sa mood to even have a date with the person na dahilan ng pagkainit ng ulo mo.

 

Umuwi ka na lang.

 

Because what does that make you as her girlfriend if she continues to be like this? Masama bang you wish for her na seryosohin ang ibang bagay lalo na itong pag-aaral? It’s for her future din naman. You know well enough that she only needs a little push dahil matalino naman sya without even trying.

 

Kaya hindi mo matago ang pagkadismaya, sanay syang gawin yan even nung hindi pa kayo. Deep inside you feel guilty din naman kasi para bang you are dictating what she’s supposed to do. Pero mali ka ba to ask her of this kahit pa you mean well?

 

Masama ba? Are you being too much or too harsh sa kanya?

 

That is the first time na tiniis nyo ang isa’t isa sa loob ng isang linggo, you can’t help but wonder sa mga susunod nyong away na ganito kaseryoso, how long will it take the both of you to forgive each other?

 

 

 

“Psst!”

 

Tawag mo sa sobrang seryosong Ningning napilit dinidikit sa mataas na parte ng stage yung design.

 

“Pssstt! Psst”

 

Busy talaga at concentrated sya sobra.

 

“Huyyyy waaahh!”

 

Dahan-dahan kang pumwesto sa likod at ginulat sya.

 

“AAACCKKK!”

 

“Hi!”

 

“Buset ka, Winter! Bakit ka nanggugulat?!”

 

“Eh kanina pa kita tinatawag di mo ko pinapansin..”

 

“Hay nakuu panira ka! Maaabot ko na sana eh! Maididikig ko na epal ka lang!”

 

“Awow nakakahurt ka naman kaya nga ko nandito para tumulong sana kasi di ka biniyayaan sa height!”

 

“Nagsalita ang matangkad! Anong tulong? Baka manggulo ka lang!”

 

“Hoy hindi ah, grabe ka apakajudger!”

 

Pumili ka nga ng design na ikakabig sa stage, manggugulo ka raw? Ikaw pa eh frustrated drawer ka este painter/artist.

 

“Anong ginagawa mo?”

 

“Edi ididikit..”

 

Kinindatan mo pa ito na parang nagsasabing tiwala naman sa skills mo oh.

 

“No no no Winter!”

 

“Bakit?”

 

“Tignan mo nga yung kulay nyan, di bagay sa stage.”

 

“Eh alin ba dapat, ituro mo tapos didikit ko o kaya patingin ako ulit nung plano."

 

Inamin mo na isa ka rin sa kalahi ng mga lamang lupa. Ampota, hindi mo abot kung saan dapat ilalagay. Nagulat ka na lang when someone snatched it from you, ang tangkad non di mo nakikita ng buo pero the figure is towering over you.

 

“Miss President!”

 

Nanigas ka nung marinig mo ang sinabi ni Ningning. Ibig ba sabihin si Karina ang nasa likod mo?

 

Pakshet ngayong huminga ka na, nasagap mo nga yung paboritong pabango nya.

 

What is she doing here?

 

“Tutulong? Eh ang liit-liit din naman nya.”

 

Naikabit na nito successfully. Bumulong lang ito pero dahil nga masyado syang malapit sayo narinig mo.

 

“Anong sinabi mo?”

 

Kalaspatanganan ito sa mga kapwa mo dwende este sa iyong pagiging tao. Tao ka lang naman allowed ka na may flaws at isa na yang height! Grabeng pangyuyurak na ang ginagawa nya.

 

You deserve an acceptable reason!

 

“I said, what help ba ang maiioffer mo when you’re also this small? Talaga bang tutulong ka or guguluhin mo lang si Ning?”

 

“Excuse me?”

 

“Sabi ko na nga ba, you’ve been suspicious sobrang cooperative mo this past few weeks. Are you trying to sabotage ang paghahandle ko ng foundation week by ruining this?”

 

“Ano?”

 

Di ka makapaniwala sa naririnig mo, sa sobrang talino nya ang lawak din ng imagination. 

 

“Hindi yun totoo, I have no other intention kundi tulungan yung kaibigan ko.”

 

“Friends? And what did I tell you kanina? Nasa school premises pa rin kayo! Tutulungan? I bet you’re just here to distract her.”

 

This, this is so her. Wala pa ring pinagbago. Always not willing to listen to you, she thinks lagi syang tama. 

 

“I won’t do such thing. Gusto ko lang talagang tumulong kay Ning sa pagdesign ng stage.”

 

Bakit hindi nya maisip na bukod sa kaibigan mo si Ning, you wanted this foundation day to be successful? Dahil alam mo how much of a big deal this means to her, you know that she hates it pagmay mali sa plano.

 

Damn, yung plano mong walang paki mode sa kanya, hindi mo kaya!

 

Hindi mo kaya! 

 

You’re still trying so damn hard for her, bakit ba hindi nya makita yon?

 

Hindi ka pa rin ba responsible enough sa lagay na ito? Bakit childish ka pa rin sa kanya when all you do is take SC’s VP tasks seriously?

 

“Ate Rina at Winter, tama na! Eto oh, nandito na yung hiniram kng hagdan kanina. Ayan ok sige na, kaya ko na ito. Wag na kayo mag-away.”

 

Sa sobrang taranta ni Ningning na paghiwalayin kayong dalawa ni miss President at inilagy sa gitna nyo ang hagdan para di nyo maabot ang isa’t isa nang ikakabig yung mga palawit nadulas sya.

 

Buti nalang mabilis ang reflexes mo at nasalo sya.

 

“Ning!”

 

“Aray!”

 

Nag-aalala ka naman kasi nakita mo itong mangingiyak.

 

“Yung paa ko, nagkamali ako ng apak.”

 

“Hala! Idiretso na kita sa clinic.”

 

Papaalis ka na sana habang karga-karga mo si Ningning when a hand stopped you.

 

“Ako na maghahatid kay Ning, I’m the President responsibilidad ko sya.”

 

Gusto mo talagang irapan tong ex mo.

 

“Does it matter pa ba? Kaibigan nya ako plus VP, isn’t that enough reason para ako na magdala sa kanya?”

 

“No, ako na.”

 

“Ako na nga eh, buhat ko naman na sya.”

 

“Edi bigay mo sya sa akin. I said ako na, kaya akin na si—“

 

“Hoy ano ba yan? Nasa baba palang ako ng stage naririnig ko na kayo.”

 

Si Ate Giselle mo pala na kanina mo pa sinabihan na punatahan si President.

 

“Sya kasi-“ “itong pinsan mo—“

 

“Wow, may contest ba? Isa-isa lang, tsaka anong nangyari kay Ningning?”

 

“Namali ng apak sa hagdan, nadulas te.”

 

“Naku, patingin nga. Ikaw Winter ha! Ba’t di mo naman iningatan ito, eh kakanta pa ito para sa banda tapos pababayaan mo lang? Tayo na nga humingi ng favor.”

 

“Grabe ate gi masakit! Di ko naman kasalanan.”

 

Kinonyatan ka kasi ng magaling mong pinsan. Narinig yo naman pareho na dumaing ang pasyenteng buhat mo.

 

“Akin na nga yang si Ning, ang pangit pa ng karga mo ay ayusin mo. Ako na nga magdadala sa kanya sa clinic! Shoo tabi kayo dyang dalawa dadaan kami.”

 

—-

 

Nang makababa na sa stage ang dalawa, you went back sa ginagawa ni Ningning kanina.

 

Kahit anong mangyari you need to finish this, kaya sinimulan mo nang ayusin ayon sa pagkakaaalala mong design.

 

Sa totoo lang there were parts that you don’t agree pero baka nga mas maganda yung naisip nila so stick ka sa plano.

 

“Tulungan na kita.”

 

Ayy, nandito pa pala sya, akala mo kasi umalis na rin. 

 

“Hindi na.”

 

Pinupwesto mo na yung hagdan sa tapat ng pagdidikitan mo.

 

“I insist!”

 

“Hindi ba’t marami ka pang dapat gawin at tignan miss president?”

 

“Pero mas madaling matatapos kung dalawa nating gagawin to especially mukhang hindi agad makakabalik si Ning.”

 

“No, kaya ko to tapusin.”

 

“But—“

 

“Ang sabi ko kaya ko.”

 

“Pero it will take you ti—“

 

“I told you I’ll be fine mag-isa at wala na kong ganang makipag-away.”

 

Bakit ang hirap sa kanyang paniwalaan ka? Nakita mong sasagot pa sana ito kaya humigit ka ng malalim na paghinga.

 

“Please lang just me be. Hindi ko na kayang makipagsagutan while doing other things.”

 

Tumigil ka saglit, hinarap sya. Mata sa mata.

 

“Baka kasi mapagod ako ng tuluyan, Karina.”

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
271 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
64 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
707 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁