Pagtingin

Katha

Dami pang gustong sabihin

Ngunit 'wag na lang muna

Hintayin na lang ang hanging

Tangayin ang salita

 

Naalimpungatan ka, kaya naman pala, ang taas na kasi ng sikat ng araw.

 

You sighed at pumikit-pikit pa while trying to search your phone sa bed side table.

 

Umilaw ito at bumungad sayo yung wallpaper mong hindi mo na pinalitan mula noon.

 

How long has it been?

 

Siguro, 4 years?

 

Neknek mo, baka 14 years kamo.

 

You've been crushing on her since you were in highschool. Sige, idetalye natin lahat, 4 years kang in denial buong high school nyo na may gusto ka sa kanya. You spent another four of convincing na hindi talaga kasi magkaibigan kayo but then you finally admitted to yourself during college graduation nyo right when she smiled at you wearing her toga nakaakbay like what she always do sayo every time picture taking niyong barkada. Mandatory pose niya yata yon with you.

 

Crush? Crush pa rin ba?

 

14 years of... unrequited love...

 

That's what it really is and damn, you hate to admit it but you got it bad.

 

Down bad nga sabi nila kasi naman ilang sandali ba ang pinalipas at pinanood mong maubos?

 

Kasalanan ba na dala-dala mo yata yung baldeng green sa bahay niyo nung nagsaboy si roldt ng katorpehan at karuwagan?

 

Halos isubsob mo na ang sarili mo sa kaiisip kailan nga nagsimula ang lahat?

 

Hindi ka sure eh... 

 

Hinalungkat mo yung gallery ng phone mo. Nagscroll ka by year, nakita mo pa yung nakauniform kayo nung highschool.

 

Saan nga kaya nagsimula?

 

Nung nagpakilala syang transferee sa klase at nagkamali ka nang dinig sa pangalan niya?

 

Akala mo, Karen. Para yatang may choir sa likod niya when you first heard her chuckled and yung mababa nyang boses, gently correcting you.

 

"My name's actually Karina..."

 

kung hindi yon, baka sa lagi niyang panghihingi ng sanrio sayo?

 

O sa madalas niya bang pagtanong kung may tirang pulbos pa sa mukha niya?

 

You remember na lagi mong inaagahan pumasok kahit seatmate mo siya to see first thing in the morning kung ano bang hairstyle of the day. But in truth, alam mo namang she suits any style.

 

You admitted begrudgingly that she's still and will always be the most beautiful woman you've ever seen. 

 

Kasi even when you met a model back in college, who tried to hit on you nung dinala ka ng classmate mong bi sa bar nung nagcome out ka as lesbian during deviance day nung sociology class niyo. Papasang Anne Curtis sa ganda ang ate mo gurl but wala, bokya pa rin, you didn't get attracted romantically.

 

Ang hirap talaga kapag may bagahe ka. Lalo pa't yung feelings o pagtingin mo ay para pa sa isang kaibigan. It , kahit sa bespren mo hindi ka makahingi ng tulong, ang hirap pagnasa same circle of friends kayo.

 

Ang hirap magtago, ang hirap din bigyan ng meaning ang actions nya at maging assuming when all she does ay gampanan ang role ng pagiging kaibigan sayo.

 

Inis na inis siya nung nalaman niyang lumabas kasama ng college classmates mo papunta sa bar na iyon. Nagtampo at halos isang linggong kang di pinansin. Sabi niya she's just worried lalo na for sure sa kanila magtatanong ang Mom mo if ever something happens.

 

At oo, isang buwan ka niyang hindi kinausap nung nalaman niyang lesbian ka pala, partida narinig lang kasi niya yon sa kaklase nilang irregular na kasame course mo. Well, sa kanya mo lang tinago, alam na ng bespren mo na you're into girls hanggang doon palang kasi ang kaya mong aminin sa kanila who you're specifically into. Nagdahilan ka, since sinabi mo kamo yun nung unang birthday celebration mong hindi siya nakapunta dahil natapat sa anniversay ng bagong boyfriend nya. 

 

Kaya ang ending, she always set a separate hangout na kayong dalawa lang for your birthday para raw hindi sya huli sa balita at natigil lang ang date kuno ninyo (para sayo) when she and her ex broke up. 

 

--

 

You thought hanggang doon na lang but grabe, never yata sya naubusan ng manliligaw.

 

Kunsabagay, sa ganda nyang yan, talagang pinipilahan.

 

Hindi pa nakatulong that she's always nice and caring. Very responsible din, masipag at matalino.

 

Pinagpawisan ka when she got curious about your ual orientation. Asking questions na alam mong iisa lang sagot.

 

Siya.

 

Saan, kailan, sino, paano? Yung common na mga tanong na wala kang ibang sinagot kundi itanggi na siya ang puno't dulo ng lahat dahil wala ka naman balak umamin.

 

Kahit kailan, itaga man sa bato. Hindi ka aamin.

 

Pinandigan mo ang temang unrequited love sa kanya. You'll content yourself sa pagtambay sa friendzone. You'll never dare to cross that invisible line. Always hanging right in the middle, pinapaalala kung hanggang saan ka lang at lugar mo sa buhay niya.

 

You'd gladly be just her friend. Even if it means smiling every time you see her happy with someone else. Pathetic ba na, you save her photo when she got engaged sa pang-apat nyang boyfriend?

 

She looks so happy that day, you've never seen her that happy sa buong buhay mo na kasama siya. Kaya mo kinunan kasi if ever that's the last thing you'll ever see, kung ikamamatay mo man, ayos lang.

 

Imahe niya ang baon-baon mo sa kabilang buhay.

 

It was suicide on your part, para kang tumalon sa bangin kapag sa kaibigan ka nahulog. Wala kasing preno, walang tigil at walang humpay. Dausdos kung dausdos, kahit puro ka na galos hindi ka makahinto.

 

Kung pwede mo lang bunutin ang puso mo para pigilin itong tumibok para sa kaniya gagawin mo. 

 

Pero hindi kasi ganon, sadyang madaya ang mundo, mahilig makipaglaro.

 

Kung sa pag-ibig ka man tataya, ipinusta mo na lahat. Lahat-lahat para sa kaniya.

 

---

 

Wag mo akong sisihin

Mahirap ang tumaya

Dagat ay sisisirin

Kahit walang mapala

 

 

 

Wow, memories.

 

You sighed, ang lala mo pala talaga dati. Napakaraming what ifs but you're left with no choice but to move forward. Past is past nga ika nila.

 

"Umagang-umaga cellphone agad, sino yan?"

 

Bungad sayo ng katabing mong halatang antok pa pero pinipilit kang samaan ng tingin.

 

Kesa yata matakot ka ay tumawa ka lang, why does she have to look so cute when she tries to be mad at you?

 

Ha, sino bang niloloko mo? kahit naman siguro sino manghihina o manlalbot sa woke up just like this face ng jowa mo.

 

Kunot-noo ka pa rin nito tinitignan nakatingala dahil you have half of your body resting on headboard. 

 

Di mo napansin kanina, nagising siguro nung naramdaman niyang you slipped out of her embrace dahil nawili ka sa pagbutinting ng phone mo.

 

Kaya you adjusted yung pwesto mo, tantya mo malapit na siyang mainis lalo na pagnawala yang antok niya. Nilapit mo na ang sarili so you can lull her back to sleep ulit, you can't have her grumpy all day.

 

Tinabi mo na ang phone mo and hugged her. Pinaunan mo yung right arm mo sa kanya so she can cuddle to you closer.

 

"May katext ka?"

 

Ayan na, ayan na ginamit na yung main weapon niya!

 

She pouted. 

 

Putang-- 

 

Talagang hinuhuli pa ang tingin mo, ngumiti ka ng nakakaloko. 

 

Binabawi mo na, you like her more like this, yung naiinis ba.

 

Kaya nagbago ang isip mo, maybe you don't mind taking care of a grumpy her buong araw.

 

"Tingin mo?"

 

With matching wiggling eyebrows pa para mang-asar. 

 

"Ikaww... Talagang sa harap ko pa ha..."

 

Hinampas ka nito, mabilis na hinablot ang cellphone pero napindot mo naman na yung gilid non to lock it.

 

"Ba't mo nilock?! May katext ka talaga?"

 

"Wala natingin lang ako sa--"

 

"Sa? Saan? Sa instagram may nasight kang maganda at y?!"

 

Nandoon naman fingerprint niya so she had no issues sa pagbubukas ng phone. Mabusising tinignan ang recent apps. Natahimik when she found out kung anumang larawan ang bumungad sa kanya.

 

"Bakit natingin ka pa rin sa picture na ito? Are you okay?"

 

"Of course.."

 

"Of course pero naluluha ka dyan.."

 

"Hindi pa rin kasi ako makapaniwala."

 

"Baby... Maniwala ka, I'm right here."


She wiped off your tears, ang sentimental mo today.

"Umiiyak ka dyan.. ikaw naman kasi di ka nagsasalita..."

 

"Kainis, oo na ako na may kasalanan."

 

"True, kaya nga itabi mo ako na."

 

Napangiti ka slight and she sees it kaya di napigilan na panggigilan and decided to kiss your cheeks.

 

After that, siya naman ang nawiling kalikutin ang phone mo. Nakatulala ka lang sa kanya who seems to be serious sa pagcheck ng inboxes mo, may it be sa text messages or social media accounts.

 

"Grabe if this is a dream, ayoko na talaga magising.

 

Habang ikaw nakalutang pa rin sa ulap, hindi ka pa rin sanay to wake up beside her. Nakakapanibago na you don't have to put constraints sa sarili mo when it comes to her.

 

"Babe, stop saying that... This is real, ano ka ba?"

 

"I- I just want to make sure.."

 

"What can I do para naman you'll really believe me?"

 

"Just answer my question..."

 

"Hmm, okay ano ba yon?"

 

Isinantabi niya ang phone mo at hinarap ka. Matamang nakipagtitigan so that you'll know na kung anuman ang itanong she's ready to answer it.

 

"Kanino ka lang?"

 

"Kay Oliv-- pfft.."

 

Nadala ka sa titig niya akala mo seryosong sasagot. Tumawa ito ng malakas halatang enjoy gantihan ka sa pang-iinis. 

 

"Hey! Rina!"

 

Pinanood mo lang syang halos bumaluktot habang yakap mo sa katatawa niya sa sarili niyang kalokohan.

 

"What? kulang pa ba? Should I moan?"

 

"Jagi?! Seryoso kasi..."

 

Dahan-dahan ka nitong hinarap muli, may sutil na ngiti sa labi. Masayang-masaya na tagumpay ang pang-aasar sayo at sumiksik sa iyong leeg.

 

"Okay, okay hindi na... Sige na, I'll stop.."

 

This is pancit! Ngi, kala mo serious na talaga, pinagkadiskitahan naman ang noo mo. Pinipilit ipantay ang dalawang mo kilay

 

"What?! Wag ka na kasi sumimangot, baby.."

 

"Karina..."

 

"Okay okay... Eto na promise, what's the question nga ulit?"

 

"Kanino ka lang... forever?"

 

Ngumiti ito sayo, this time walang halong kapilyahan. She looks at you lovingly, even had the sun illuminate her face, making sure na you see yung tanging nakikita niya.

 

Ikaw, tanging ikaw lang ang laman ng mga mata niya. 

 

You just stared back at her na parang handang-handa ka ring magpakalunod sa kabuuan niya. Siguro sa susunod na mga araw mahihirapan ka pa rin paniwalaan na nandito siya sa tabi mo sa bawat umagang paggising mo. And then, that she'd also be the last thing you'll see bago matulog.

 

Natatakot ka dahil maihahalintulad mo sya sa isang magandang panaginip na dagli ring nagtatapos.

 

But when she finally answers, pugtong hininga kang binalik sa realidad and you felt the cold metal on her finger graze on your cheeks as she kisses you softly.

 

"Sayo lang, Winter."


Alam mong totoo ang lahat ng ito at gising ka na sa panaginip mo.

Buti na lang talaga paminta yung pang-apat niyang boyfriend, palabas lang pala nila yung engagement para mapaamin ka. Kaso in the end, it was Karina who ran out of patience sa iyo, frustrated as she confessed her love for you and pulled out another ring para isuot sa iyo. 

Paladesisyon siya and now, the both of you are five months engaged. Two months left before the wedding, you're the happiest kahit hindi pa man nangyayari basta alam mong you have her heart, nothing else matters.

Never mo inimagine at ni hindi nga pumasok sa isip mo na she'll be the one to cross the line.

 

 

 

'Pag nilahad ang damdamin

Sana 'di magbago ang pagtingin

Aminin ang mga lihim

Sana 'di magbago ang pagtingin

---

 

A/N: kasalanan to nung bagong release na pic ni Karina napasulat ako ng de oras... Hesistant aq ilagay dito kahit nakadraft na sa notes ko, di ko alam bk8 prang ewan lang sya hahahhuhu but sayang naman kung di ko ipupublish pinagpuyatan q din to hahahaha... alternative ending pala ito yung unang ending kasi feels ko susumpain niyo na naman aq hahahah kaya binago ko huhu

 

Sorinaaaaaa sana next nangangamba or mpm na... wala pa kong inspirasyon ulit huhu gusto ko na tapusin ung mga shots...

 

Thanks :)) always appreciated yung comments and subscription niyo, enjoy reading!

 

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
271 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
64 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
707 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁