A Little Bit

Katha

Inspired by SYNK TIME WITH WINTER & MYMP’s A Little Bit… Please listen to it ;)



--

 

A Little Bit

I don't know what to do or I should be 
There's only one thing in my mind 
That's you and me

 

 

 

08 Aug 2016, Friday
Clinic – 11:11 am

 

 

“Kayo po yung mommy ni Karomi?”

 

Omaygad, kung alam mo lang na ganito pala kaganda ang doctor dito, matagal mo na sana inampon si Karomi at hinayaan si Giselle na hindi makapunta sa unit mo kahit kailan.

 

Mabulok na lang ang best friend mo sa apartment nya.

 

“So uhmm, where’s the other parent?”

 

Anue ka ba doc cutie?! Ikaw doc if ready ka pakasalan ako!

 

“It’s just me po...”

 

Enebe, pabebeng mong sagot single na single mom sya Doc! Pwede magapply na other Mommy ni Karomi. Kita mong nabigla ito at dahan-dahang ibinalik sa iyo ang anak mo.

 

“Oh sorry, nasanay lang na mostly mga pumupunta rito ay may partner. Well, itong si Karomi, I just want to know how many times na syang nagvovomit?”

 

“I was worried kasi I think she was vomiting for 4 times already since last week.”

 

“Ah okay kaya pala. But Miss, there’s nothing to worry naman since normal pa yan na scenario. Nagvovomit talaga sila up to a certain extent, siguro if sobrang frequent na you can bring her here again. So far kasi, we did some checkups and she’s fine.”

 

You felt embarrassed, shocks naghysterical ka pa man din since yung unica hija mo nagsusuka kagabi! Muntik mo pa awayin yung nagasikaso sa inyo kanina since may nakaschedule na pasyente si Doc.

 

“Sorry, di ko alam Doc..”

 

“Are you just a new pet owner? I do understand usually sobrang protective nyo sa kanila since you don’t know much pa, ganoon talaaga kapag mga bago lang.”

 

Nakita mo ang pag-aalo ng mga mata nito, ganito rin kaya sya kaunderstanding kapag nag-away or nagkaroon kayo ng di pagkakaunawaan bilang magjo— ay charot lang advanced ka naman mag-isip.

 

“I uhh yes, kasi ano kakapulot ko lang sa kanya. Isa sya sa mga stray cat na kumukumpol sa akin lagi tuwing nadadaan ako papunta sa trabaho.”

 

“Oooh, I’m glad to hear you decided to take her in. You’re nice siguro kaya they like you?”

 

“Ano... uhhmm, medyo?”

 

“Hahaha di bale Miss, if there’s any problem ulit huwag mahihiya na dalhin sya rito.”

 

“Thank you uhmm Doc?”

 

“Winter na lang and you are?”

 

“Karina”

 

“Welcome, Miss Karina. Kaya pala you named her Karomi, that’s cute.”

 

Napa-omg ka na lang when she smiled at you oha, tinalo pa yung araw sa teletubbies sa pagkabright. Bago ka umalis, she even patted Karomi’s head habang karga mo ito at di pa nakuntento binaba ang sarili para inose to nose ang alaga mo.

 

Ngayon ka lang nainggit ng sobra sa buong buhay mo.

 

Sana naging pusa ka na lang!

 

—-

16 Aug 2016, Saturday
Coffee shop – 2PM

 

“Hoy Gis! Anong gagawin ko ugh ang cutie nya talaga!”

 

Tumawag ka sa best friend mong ilang linggo mo na hindi nakikita dahil busy makipagharutan sa jowa nyang si Ningning dahil katatapos lang ng last sem nito sa med school.

 

“Baklang to, eh ano pa ba edi jowain mo na...”

 

“Parang timang, di ko nga alam kung single or napatol ba sya sa kapwa nya gurl?”

 

“Sizt gamitan mo ng ganda, for sure kahit straight babaliko sayo. Ganyan ba naman kaganda ang gustong jumowa sa kanila?!”

 

“Alam mo wala kang dulot, knows ko naman na maganda ako pero Gis grabe sobrang crush ko talaga si Doc cutie! Kaunti na lang aasawahin ko na.”

 

Napabuntong-hininga ka, sana sya na si Ms. Right ang icing sa ibabaw ng cupcake!

 

“Omg Kar first time to? Are you sure? Gaga ka bilis mo mafall!”

 

“Eh kung samahan mo ko sa clinic nya at nang makita mo bakit ako nafall!”

 

Nandito ka pala sa coffee shop sa tapat ng clinic ni Doc, umaasang masisilayan mo man lang sya. Suot-suot ang blanc & eclare mong sunglasses kahit hapon na, malamang para di ka makilala sabihin baka stalker ka.

 

“Hay naku, be confident kasi teh. Tsaka gusto mo ba ko masugod sa hospital? Tungak ka malala allergy ko at siguradong yari ako kay Ningie pagnagkasakit na naman ako.”

 

“Edi ikaw na may jowa! Tulungan mo na ko, need ko jowain si Doc cutie.”

 

“Pakitaan mo nga kasi ng alindog mo! Para saan pa’t lumalambitin ka pagnagyoyoga, jusko Kars gamitin mo lahat ng baraha mo. Magpakyut ka kung hindi nadadaan dyan santong paspasan na!”

 

“Ano nga gagawin ko?”

 

“Oh ganito, dalhin mo si Karomi sa clinic nya after mo magyoga class. Huwag ka na magpalit ng damit, kapag sinundan ka ng tingin ng Doc cutie mo, may pag-asa ka!”

 

“Sira ka, nakakahiya! Ang ikli kaya ng yoga shorts namin tapos nakacrop top ako nun Gis.”

 

“Bakla, yun nga eh daanin mo nga sa alindog para mabingwit! Tsaka testing lang naman kapag walang epekto ay streyt yon si Doc. Move on ka na lang bwahaha...”

 

“Aacckkk di ko kaya Gis, nakakahiya yon! Sabihin mamaya easy easy ko naman.”

 

“Bakit hindi ba? Nagmamaktol ka nga sa akin isang linggo mula nung una mo sya nakita. Sizt, galaw-galaw din para magkajowa!”

 

“Buti pa yung pusa ko mukhang gustong-gusto nya kiniss pa nga si Karomi bago kami umalis. Shuta talaga nakakaselos!”

 

“Hay naku Kar! Pagdasal mo na lang mahilig sya sa in general hahaha....”

 

Namula ka sa sinabi ng best friend mo, kahit kailan talaga walang filter.

 

“Kabastos talaga ng bibig mo Gis, wala naman ako napala sayo kainis ka!”

 

—-

 

23 Aug 2016, Saturday
Clinic – 4pm

 

Wooh, nag-iipon ka ng lakas ng loob or nilulunon mo lahat ng kahihiyan na mayroon ka kasi nga sinunod mo tong plano ng magaling mong best friend.

Nakasuot ka pa rin ng usual attire mo for aerial yoga. Sa ngalan ng landi, charot syempre gusto mo lang masigurado kung ni katiting ba ay papatulan ka ni Doc Cutie?

Sobrang tigang ka sa Doc Cutie content kasi hindi mo mahagilap ang social media nya. Kahit sinearch mo na buong name nya, wala talaga.

Ang mahalaga maging iyo si Winter Salazar aka Doc Cutie.

Tinignan mo ng maigi ang itsura mo sa salamin ng kotse mo. Nareapply ka ng lipstick, pulang-pula wapak siguro naman kitang-kita nya yan, para imbis na yung alaga mo ang halikan niya pwede naman ikaw na lang.

Speaking of alaga, ayan ang anak mo nasa passenger seat.

“Karomi, baby lika rito. Wish me luck!”

Niyakap mo ang baby mo para naman maencourage kang ituloy na ang balak mo.

Crop top/sports bra at fit na leggings, check.

Mapulang lips? Check na check!

“Good afternoon!”

Bati sayo ng isang lalaki, teka hindi sya yung sumalubong sa iyo nung isang araw. Sarap tusukin ng mata, lalo mo nga nilapit sa Karomi sayo.

“Excuse me si Doc Winter? Nandyan ba sya may problem kasi ulit sa baby ko.”

“Ah si Doc Win po.. Busy pa po sya sa loob, ako na po muna titingin sa alaga ninyo.”

“Si Doc Winter kasi tumitingin dito kay Karomi kaya sya sana ang gusto ko makausap.”

Bwiset na lalaking ito, talagang tinitigan ka mula ulo hanggang paa. Hayy, dapat di mo na yata sinunod si Gis. Sayang naman getup mo kung hindi si Doc Winter ang makakakita.

Sinamaan mo ito ng tingin, sana magets nya nakakainis sya.

“Sorry po, sige check ko if tapos na yung nakaschedule kanina kay Doc.”

Umupo ka muna, grabe ang lamig dito sa loob. Pinagsisihan mo na nakatapat yung malaki nilang aircon.

“Doc, kayo mismo nirerequest eh.”

“Ah ganoon ba.. hay last ko na to ha, sige nasaan?”

Nakita mong palabas na baby mo este si Doc cutie kasama nung lalaking laser pa rin ang mata sayo.

“Miss Karina?”

“Hi Doc Winter!”

Mukhang napansin naman ni Doc Winter ang pagkabalisa mo dahil sa lalaking staff nya na nakatitig sayo.

“Doon ka nga muna, Jaemin.”

“Hehehe sige doc, balik na ko.”

Nang masigurado nyang bumalik na sa pwesto nya ang lalaki sa likod ng desk, agad ka nitong pinuntahan.

“Sorry about that, Miss Karina. Here, suotin nyo muna itong coat ko. Doon na lang muna kayo sa office ko while I’ll take a look kay Karomi.”

homaygad, talo mo pa ang nagrejoice feeling mo sobrang haba ng hair mo talaga namang siya pa nagpatong ng coat nya para sayo.

Gusto mo mahimatay sa sobrang bango, grabe ewan mo ba? Ginayuma ka ba nito?

“Nagsusuka ulit si Karomi?”

“Ah,oo Doc. Nag-aalala ako ulit. Bakit ganoon, nagsusuka na naman sya?”

Nora Aunor, Ate V who? Karina for Best Actress 2021.

“Ano bang nangyayari sa anak ko? Anong dapat kong gawin, Doc? Kung anong kailangan nya, handa ako ibigay kahit ano pa.”

Kulang na lang magwalling ka, mukhang naniwala naman si Winter sa acting mo. ohmaygad my pamilee, time na ba magpalit ng career?

“Miss Karina, please calm down. Dito muna kayo sa office ko, have a seat. Dalhin ko lang si Romi sa kabilang room para macheck ko siya ng maigi.”

Niyakap mo na lang sa sarili mo ng husto yung white coat. Dumako yung mata mo sa name plate nya, Winter Salazar.

Karina D. Salazar, omg bagay! Thank you sa mader and pader mo sa magandang pangalan bagay na bagay sa surname nya.

Napalabi ka, mukhang palpak yata ang ideya ni Gi parang di ka naman tinitigan ni Winter. Mas inasikaso pa yung pusa mo kaysa sayo, tama ba yon?

Gusto mong maiyak, nageffort kang lumabas na nakaleggings at crop top lang tapos di ka naman napansin ng crush mo.

Shutang buhay ito…

“Miss Karina?”

Narinig mo ang nag-aalalang tono nito.

“Naku, huwag naman kayo umiyak. Karomi’s fine. Ito na nga sya, we ran some tests ulit but we found nothing.”

“huh? Uhm sorry, nag-aalala lang talaga ako sa baby ko.”

Hindi mo napansin may luha na palang lumabas sa isa mong mata. Talaga namang pinapat ng mahina yung likod mo ni Doc Cutie.

“Shh.. It’s fine, baka naman kasi Karomi still has not gotten used sa food nya, just wait a little more. If ganoon pa rin, I suggest you try a different cat food for her.”

“Ok Doc, thank you.”

Inabot pa nito ang color yellow na panyo. Tinake mo naman ang opportunity na itake home ito, in short siningahan mo pa nga. (kakaloka ka, Karina!)

“Sorry, lalabhan ko muna before ko ibalik.”

“Naku, okay lang.”

Tinabihan ka lang nito habang karga si Karomi at nang tumigil na ang paghikbi mo she offered her hand sayo.

“Actually, pauwi na rin ako. I think nandyan na si Chaer para sa sunod na shift.”

Op op op, sinong Chaer? Pucha may sabit ba? Jowa nya? Ex nya? Legal wife ba nya? Kabit nya?! Di mo kayang tanggapin ito, no!

“Chaer was the one who assisted you last week and oo nga pala that Jaemin guy is one of our new interns.”

Napalakas pala yung iniisip mo, shet.

“Okay ka na? I have some spare clothes here if you find uncomfortable na lumabas. Wait ito sana magkasya sa iyo.”

Inabot sa iyo yung red flannel na nasa drawer nya.

“sorry.. nataranta kasi ako, galing akong yoga class tapos my best friend called me na nagsusuka na naman daw si Karomi so I had to rush here.”

“I told you, I understand. Dito yung CR, Miss Karina.”

Syempre hindi ka na nagpabebe pa madaling sinuot ang binigay sa iyo ni Winter.

Hindi mo inaasahang lalo kang mahuhulog sa dadatnan mo. You can see how she enjoys playing with your baby. Sana ganyan ka rin nya alagaan kapag mag-asawa na kayo.

“Karomi-yah, come here..”

Pacute nyang tawag sa alaga mo, enebe para na kayong true pamilee, ikaw, si Karomi at Doc Cutie. Ang cute nya habang nilalaro ang anak mo. Hindi ka na single mom finally.

Doc cutie, panagutan mo ito!

“Doc Winter, uhmm yung coat mo.”

“Oh no keep it muna, until mahatid ko kayo ni Karomi sa inyo.”

Is this it, pansit?!

“hahatid?”

“Yes, pauwi na rin naman na ako. Oh sorry, dala mo ba yung car mo?”

“Ah hindi, my best friend dropped me off dito kasi pinagmamadali ko sya since alam mo naman si Karomi baby ang priority ko.”

Sorry na sa blue Monterosport mo, iiwan mo muna sya.

“Doc baka nabibigatan ka na, akin na si Romi.”

“Maya na lang pagnandoon na tayo sa kotse, tara?”

Pinauna ka nitong lumabas ng office nya.

“Hey, Jaem make sure masasarado mo ng maayos tong clinic ha.”

“Oo naman doc, ingat kayo ni Miss pretty.”

Kinandatan ka pa nung guy, jusko gwapo naman sya pero koya di kayo talo.

Lapastangan sa harap pa ng baby Winter ko este ni Doc cutie!

Nauna ka na sa parking lot ng clinic nila. Nakita mo namang binatukan ni Doc ang intern nila.

Serves him right, akala yata nila they could get all the girls.

Sinundan mo si Doc cutie, ang cute ng car nya kasing cute nya. Kia wigo na color yellow.

Nang makapasok na kayo ay inabot nya sa iyo si Karomi.

“So taga saan pala kayo, Miss Karina?”

“Uh Rina na lang Doc Win. Diyan lang yung unit ko sa SMDC, tower A.”

“oh sakto, actually doon lang din ako but I am at tower D.”

Is this fate or is this love na? dug dug dug. Ang lapit-lapit nya lang pala sa iyo. All this time nasa kabilang building lang siya.

“Oo nga pala before I forgot, pasensya na kanina yung kay Jaemin.. I know you felt uncomfortable because of him earlier, pagsasabihan ko pa sya ulit tomorrow.”

You just sighed, nakakaimbyerna talaga yung mga ganoong lalaki!

“but I do agree sa sinabi nya..”

“huh?”

“That you’re pretty…very pretty”

Gusto mong ipalibot sa leeg mo yung seatbelt omaygad bumanat lang sya di ka na makahinga dyan.

--


03 September 2016, Sunday
Tower D, 4th floor
Room 401 – 11am

 

“Hi!”
 

“Miss Karina?”

Nagtataka siguro bakit may dala kang towel at bitbit si Romi.

“Doc Winter uhh ano I remember kasi sabi mo tower D ka lang medyo urgent lang pwede makiligo? Sira kasi yung shower sa building namin.”

“O-oh sure, pasok kayo. Sorry medyo makalat si Ttang Kong kasi makulit.”

Sa wakas, nakita mo na rin yun bagong anak mo este yung alagang aso pala ni Doc cutie mo.

“Okay lang bang iwan ko muna si Karomi saglit. Mabilis lang ako maligo, sorry naglalagkit lang talaga kasi galing akong gym. Sana doon na lang ako nagfreshen up kung alam ko lang na sira pala yung ano ng tower namin.”

Baby Romi bonding kayo ng soon to be kapatid at other mommy mo.

“Okay lang, Karomi’s such a cutie and mas behave kesa dito kay Ttang Kong.”

Naku,kung alam mo lang minsan mataray yang si Karomi. Sa iyo lang yan mabait!

Hindi makatingin sayo ang Doc baby mo este si Winter kasi nakasports bra ka lang ulit plus fit pa rin ang pangibaba mo. Paano ba naman kasi naiinip ka na?! Kinuha nga niya ang number mo, hindi ka naman tinetext.

Alam na nga niya saan eksakto ang unit mo pero hindi ka naman pinupuntahan.

Sabi nga ni Gis, gamitin ang ganda kaysa mapanis.

“Miss Karina—“

Nakita mong napatingin ito sayo, nag-usap na kayo diba? Sabi mo nga kahit ano pwede nyang itawag sayo.

Anueba Doc cutie, baby mo na lang oh please.

“Sorry, Rina uhh eto yung bathroom, you can adjust the water temperature if naiinatan or nalalamigan ka.”

Sabi na nga ba, epektib na kulay dilaw ang suot mo today. Mula pangtaas hanggang leggings nakayellow ka. Yas sizt, mukha kang limang daan, charot haha, distracted ang Doc cutie mo.

Matapos kang maligo nakita mo yung aso at pusa nyo na nagsisinghalan. Huwag naman sila mag-away.

“Rina, may gagawin ka ba later?”

Nagulat ka pa sa boses nya.

“Wala naman, why?”

Ofcourse, free ka if free sya.

“That’s great, I’ve been meaning to ask you kaso I was busy last week eh. Do you want to Netflix and chill?”

Di mo kinaya ang revelations, wait mga teh, tama ba narinig mo netflix and chill?

Buti na lang may dala kang pangmumog, thank you sa Listerine.

Nandito ka lang actually para hintayin na yayain sya magdate, di mo naman alam na ganito pala epekto mo sa kanya. Ang speedt naman pala ni Doc Cutie!

“Syur.. hihihi…”

“Talaga? Magoorder na ko ng lunch natin and then we can do it na.”

Homaygad, Karomi at Ttang Kong, masusundan yata kayo agad. Pake mo sa biology, you don’t care. Big thanks sa idea ng best friend mong si Giselle, kukunin mo silang Ninang ni Ning.

Hindi ka mapakali throughout your lunch with her. Nagnanakaw ka lagi ng tingin sa nasa harap mong nginingitian ka lang din kapag nagtatama ang inyong mga mata.

Nakakashy naman, nakakalusaw yung ngiti nya anueba ang inosente masyado.

Sana naman makisama rin ang unica hija mo at wag muna malditahan si Ttang kong para nga malandi mo in peace ang amo non.

--

 

03 September 2016, Sunday
Tower D, 4th floor
Room 401 – 2pm

Nandito ka sa sala ni Winter, maliligo lang daw muna sya.

“Hoy Gis!!”

“Oh ano? Ba’t ang saya mo?”

“Wele nemen!”

“Para kang timang, Kar. Ano ba yon? Si Doc cutie, may ganap ba? Asus…”

“Parang…”

“Anong parang? Di ka sure ganon?”

“Eh kasi magaganap palang!”

“What?! Adhvfdghffadfkmjlkef---“

Di mo na naintindihan kasi agad mong tinago ang phone mo nang makarinig ka ng pintong bumubukas.

“Hi, sorry. Sana di naman ako masyado natagalan.”

“No, okay lang. Win, so ano na?”

Di naman halatang atat na atat ka.

“oh right, of course.”

Dali-dali itong tumungo sa kwarto nya. Sundan mo na ba? Game na talaga? Totoo na ba ito? Goodbye na ba sa pagiging singol?

“Rina?”

Nagulat pa ito nung nasa likod ka na nya. May bitbit itong pillows at blankets.

“para saan yan?”

“ito? Pillow fort, wait isetup ko lang. Dapat hindi ka na sumunod kaya ko naman. Pili ka na doon ng papanoorin.”

Bumalik kayo sa salang dalawa, siya busy ayusin ang pillow fort at ikaw nagmumumokmok sa kahihiyan at panghihinayang.

Tinext mo nga yung evil best friend mo, kasi sya, sya ang may kasalanan nito! Ano-ano kasi pinapasok non sa isip mo?!

Gaga ka Gis! Iba naman pala ibig sabihin ng Netflix and chill, tadyakan kita dyan! GRRRRRR!!!!!
 

“Rina? Nakapili ka na?”

“Ah wait hindi pa eh, ikaw ba anong genre ka mahilig?”

“Baka kas di mo magustuhan but I’m a fan ng action movies.Ikaw nalang bahala kung anong gusto mo, I am fine with it.”

“hmmm… well,panoorin natin ngayon yung action movies mo and then for the next time, ako naman yung masusunod.”

“Next time?”

“Yes uhh, ayaw mo ba?”

“Of course not, welcome kayo ni Karomi na maghangout and stay dito.”

“Seryoso?”

“Oo naman or kami naman ni Kong ang pupunta sa unit nyo next time?”

“Deal!”

At least, kita mo naman that she had a great time watchin her favorite American Sniper with you, sa susunod na lang siguro yung iniisip mo. (tsk.. tsk.. HAHAHA)

---

18 November 2016
Winter’s unit – 10pm

Hindi naman sa binibilang mo pero nakakarami na kayo ni Winter ng Netflix and chill, as in literal ha. Nakakailang romantic movies na kayo pero platonic friends pa rin. Walang unlad, ito kasing si Doc Cutie mo pinaglihi yata sa anesthesia.

Nakakainggit ng kasi yung pusa mo, nakayakap at nakakiss na kay Winter, ikaw 0 pa rin.

Kaya naman desidido ka na, oplan black mamba. Sabi nga ni Gis, kung hindi madaan sa pagpapacute ay santong paspasan na dis!

“Rina?”

“Hmmm…”

Nagtutulug-tulugan ka habang sinasandal ang sarili mo sa kanya. Nakapatong ang ulo mo sa balikat nya, kaunti na lang malalapit na ang lips mo sa leeg nya.

You can feel her tense, this is the first time na sobrang close nyo sa isa’t isa.

“Rina?”

Mahina ka nitong niyuyogyog sa balikat.

“Iayos lang kita, doon ka na sa kama matulog para di sumakit yung neck mo.”

“No.. dito lang ako.”

Niyakap mo sya sa bewang kunwari ay antok na antok ka na. You can feel na hindi na sya gumagalaw so you decided na sumilip.

Wrong move, she was looking at you pala. Engk, sa lips mo pala nakatingin. Gurl, ang intense ng tingin nya, nadadala ka.

Susunggaban, tutuklawin mo na sana—

Napahiwalay kayo dahil may nagdoor bell sa unit nya.

Sinumpa mo na sa lahat ng kampon ng dilim ang kung sino mang umistorbo sa inyong dalawa.

“Eun? What are you doing here?”

Pakshet! Eun? Eun? As in yung nakwento nyang ex nya? Putangina, wala pa ngang usad ang labstori nyo may dumating na agaw eksena agad.

“Pwedeng dito muna ako?”

Umiiyak ito sa dibdib ng soon to be jowa mo. Aba! Aba! Talagang iiskor pa si ate?

Winter, baby, hindi ba moved on ka na? Sabihin mo sa kanya, no! Kasi diba ako na yung madalas matulog or magstay over dito sa unit mo? Kami na ni Karomi ang present and future mo, right?

“Eun.. uhmm okay… just stay muna sa room ko..”

Naabutan ka ng ex ng future mo na nakasandal sa sofa at kunwaring busy sa phone pero ang totoo nakamax ang pagsagap ng antenna ng tenga mo sa pinag-uusapan nila.

“Oh sorry, I did not know. Nakakaabala pala ko, Win.”

“no, no Eun,it’s fine. I told you, you can stay here.”

Puta, the disrespect? Matapos ng sandamakmak na netflix and chill, sa pagtitiis mong manood ang action movies, ito yung igaganti nya sayo?

“Punta ka muna room ko. I’ll be back, ihahatid ko lang si Rina.”

May mas lulungkot at heart breaking pa ba kesa sa kwento ng buhay mo ngayon? Pinili yung ex over you.

Wala kayong imikan habang naglalakad kayo papunta sa building ng unit mo. Nabibwisit ka sa kanya.Puro meow meow lang ng bitbit nyang si Karomi ang ingay sa pagitan ninyo.

Nang makapasok kayo sa unit mo. Hindi ka na nakapagpigil pa when you saw her na nilalapag na si Karomi.

“Rina, I’m sorry kung napu-“

“Saan ka pupunta? Sa ex mo?”

“huh?”

“Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos.”

“I’m really sorry babawi na-”

“So babalikan mo?”

“ah yes? Babalik ako sa unit ko.”

Agad mong hinarang ang sarili mo sa pinto, hindi ka papayag. Grabe effort na yung binuhos mo para lang sa kanya tapos gusto nya lang bumalik sa past nya, unfair!

“Rina, akala ko ba inaantok ka na? Shouldn’t you be going to your roo-“

You kissed her. Kung hindi pa sya matuklaw at marealize what you have been doing all along, ewan mo na.

“I like you !”

Napakurap-kurap lang ito, tila hindi pa nakakaget over sa ginawa mo. Naluluha na yong mata mo, wala ka nang pake kung ang kalaban mo ay yung ex nya. Basta gusto mo sya at di mo hahayaang mapunta sya sa iba.

Sa iyo, sa iyo lang dapat.

“What?”

“Hindi pa ba obvious kung anu-ano na nga ginagawa ko para lang mapansin mo?! Winter naman, gusto kita. Gustong-gusto kita!”

“Rina, you like me?”

“yes, idiot.”

“Seryoso?”

“Oo nga!”

This time it was her who kissed you and you kiss her back. Pinulupot mo yung braso mo sa leeg nya to pull her closer.

Matagal mong pinangarap ito, for her to initiate. Kaso sobrang tagal naman, tangina nakalulon ba ito ng oxygen tank?

“ha.. ha..uh gusto mo ba ko malagutan ng hininga, Win?

“I- I just can’t believe you like me.”

“Ano pa bang gusto mong ebidensya?”

Tinarayan mo nga, nakakainis parang tanga talaga. Ni hindi mo pa nga alam what she feels for you.

Niyakap ka nito ng mahigpit.

“I really really like you too, Rina!”

—-

 

04 Aug 2018
Winter’s unit – 10:34 pm

Hindi rin maiiwasan na nag-aaway kayong dalawa. Thank you na lang talaga sa mahabang pasensya ni Winter.

Sa sobrang badtrip mo sa trabaho pagkarating mo sa kwarto, binagsak mo yung pinto ng unit nya. Oo nga pala after your 1.5 anniversary, nagdecide kayong magmove in na together.

Sa gilid ng sala, natutulog yung mga junakis nyong puppy at kitten, para naman may alone time kayo sa kwarto.

“Kumain ka na?”

“No but I don’t want to.”

“Take a shower and then doon lang ako sa baba to prepare your food.”

“Wag na, Winter.”

“But you haven’t eaten, di ba sabi ko naman itigil mo yang pagpapalipas ng gutom.”

“I was busy kanina. Of course, I wouldn’t have the time na kumain. Ang daming kailangang deadline na habulin.”

Napufrustrate ka na kasi gusto mo na lang after maligo ay matulog na. Gustong-gusto mo na matulog!

“Hindi pa rin yon excuse para magpabaya ka sa sarili mo. Ihahanda ko na yung food, huwag kang magtagal sa shower.”

“Winter, I said ayoko nga kumain!”

You snapped at her. Nakita mo itong napapitlag sa ginawa mo, hindi sya usually magugulatin dahil sa inyong dalawa ikaw yon. But seems like nasobrahan ka ng init ng ulot today at sa kanya mo nabunton.

You heard her sigh at iniwan ka sa loob ng kwarto. What the hell did you just do, Karina?

Hayy, ewan iniligo mo na lang kaysa mag-isip. Sinabi mo na kasing huwag na pero napakamapilit nya.

Natapos ka na magshower pero hindi pa rin bumabalik si Winter sa kwarto niyo. Humiga ka na, nakacross arms at nakakunot ang noong nakatingin sa pinto.

“Nakakainis naman! Aarggghh, bakit kasi nasigaw ka? Shunga mo self!”

Binaba mo na nga, di ka kaya sanay na hindi sya katabi. Plus, mali mo naman talaga dahil dinala mo yung init ng ulo mo mula work hanggang dito sa bahay ninyo.

Nakita mo itong hinahanda ang pagkain mo. She still takes care of you kahit inaaway mo sya.

Niyakap mo ito mula sa likod.

“I’m sorry, Doc cutie.”

“Lalamig yung pagkain, maupo ka na.”

“Bati muna tayo.”

“Are you saying sorry kasi you mean it?”

“Yes”

“Then what did you do wrong?”

“Nasigawan kita”

“Rina, hindi lang yon. Diba, you promise na you’ll take care of yourself? I told you masamang magpalipas.”

“okay, I’m sorry talaga baby… nakakainis kasi yung mga manager namin kala mo robot kaming mga nasa department nila.”

“hay, I know mahirap sa corporate kaya nga you have to eat on time para may lakas ka. Huwag mo na uulitin yon ha? Nagsinungaling ka pa sa text.”

“I’m sorry na.”

You kissed her shoulder habang nakaback hug ka pa rin sa kaniya. You really like this, she fits right in your arms. Sukat na sukat sayo kaya hinigpitan mo ang hawak sa bewang nya.

You’re never going to let go of this cutie.

“Jagi, kain na”

“Subuan mo ko please…”

“Fine..”

 

--

03 Jan 2019
Winter & Karina’s – 11:11 am

 

“Gawin mo rin sa akin yon...”

 

“Alin po?”

 

Heto ka na naman at nagpapalambing sa jowa mong bagong ligo, grabe amoy johnson’s baby. Lalo mong sinisiksik ang sarili sa kanya, bakit ba baby mo naman sya?!

 

“Eungggg...Yung ginagawa mo sa ilong nina Romi at Kong.”

 

Tumawa ito ng mahina dahil sa inaakto mo.

 

“Rina, pusa ka ba?”

 

“Dayaaaa....please...”

 

“Hmmm...”

 

“Doc cutie, magseselos na talaga ako!”

 

“Fine but are you sure ito lang gusto mong gawin ko?

 

Ayan na, she gave in and nuzzled her nose sayo. Nakakakiliti, kaya pala siya paborito ng mga anak nyo kasi omaygad sameeee!

 

“What do you mean?”

 

“Because when it comes to you, I can always do more than that. Ayaw mo?”

 

Napadilat ka ng mata ng de oras, nacoconfuse na tinignan sya.

 

May pilyang ngiting naglalaro sa labi nya. Before leaning in to kiss you she softly whispered.

"I love you, Jagi."

Napangiti ka rin tuloy ng de oras, pakshet sya kinikilig ka.

"I love you too, Doc Cutie."

Kung ganito pala kaligaya lumandi sana nilandi mo na sya agad first meeting nyo palang!

 

I'm a little bit of crazy
I'm a little bit of a fool
I'm a little bit of lonely
I'm a little bit of all, oh
I need a cure
Just a little bit of you
And I will fall

---

 

Eme eme lang yung mga araw don sa date hahahah di ko sure kung Sunday talaga yon ganon 🤣😭 ayon feel free to comment, subscribe and upvote :)) aprreciated lahat, thanks for reading!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
271 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
64 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
707 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁