Kung Ayaw Mo Na Sa Akin (1)

Katha

 

Kung saan naniniwala si Winter na mapapalitan nya ang ex nyang si Karina sa loob lang ng isang linggo.

 

Kung ayaw mo na sa akin

Di na kita pipilitin

Kung buo na ang loob mo

Bahala ka na sa buhay mo

 

Winter Salazar

February 7, 2022

-looking for jowang iibigin forever

-Qualifications: wala naman basta lab nya rin ako uwu 🥺🥰

-bente-uno 

-mula sa city na maraming pagpipilian pero ikaw ang pinili, Quezon City 

-graduate ng BS Chemistry 🤩 Ikaw na yata ang uranium sa iodine ko, rAwr ~ 😚

-Achievements: Best in Math nung Kinder, Favorite ni Mama Awardee, Full-Time Scholar ni Nanay at Tatay and laude sa kacutean

-maganda kaya maganda rin ang hanap 😍

-masarap magluto pati yung nagluluto pwede isangkap ;)

-cute-sized saktong-sakto lang sa puso muh bhie yiiieee

-10yrs of experience as dishwasher sa bahay

-talented, yes i do the cleaning i do the cooking

-dating jejemon, we dont die we multiply 😎😎😎

-loyal sayo at sa lahat ng version mo sa ibang mundo

-ang importante lagi kang mahalaga para sa akin

-expert manuyo ng jowang may toyo

-kahit hindi ko kasalanan, ako pa ang magsosorry

-nawawalang bunsong kapatid nina Teddie, Bobbie, Alex, Gabbie at CJ

-mas malambing pa sa aso mo

-Motto: kung ayaw mo na sa akin, leche lalong ayoko sayo!

-What Do I Call You? ~ Call me baby #09123456789 

 

-----

 

“Huy! Anong ginagawa mo sa fb? Ano tong post na to?”

 

Wow, gandang bungad sayo ng best friend/kababata/kahiramang-suklay/partner in crime/sister from another mudra na si Luningning, Ning na chismosa na lang for short.

 

“Goodmorning naman sayo, Ning! Diba sabi nyo huwag na ko magmukmok at dapat magmove on?”

 

“Atat na atat ka naman? Ididisregard mo ba yung 3 month rule?”

 

Natawa ka sus, pauso lang ni Popoy yang rule na yan! Palibhasa hindi nya matanggap na hiniwalayan sya ni Basha. Nakakasakal kaya sya! 

 

Hayy parang ikaw siguro? Kaya ba hiniwalayan ka ng ex mo? Erase- erase sabi mo hindi mo na sya iisipin pa. My pamilee!! Kasalanan ni Ningning to eh!

 

“Anong 3-month rule, Ning? Walang ganyan at isa pa isang linggo na lang balentayms na!”

 

“Lol as if magawa mo bago magValentines na magkajowa ng bago.”

 

“Watch me whip, Ning. Daigin ko pa food panda at grab!”

 

“Sira ka tlaga, eh nung isang gabi lang tatlo pa kaming humihila sa iyo nina Ryujin para pigilan kang magmakaawa sa harap ng bahay nina Ate Karina para balikan ka nya. Kakainin mo rin yang sinabi mo, Win.”

 

“Luningning, di ako pinalaki ng bomb para bawiin ko pa ‘to! Tsaka nagpost na ko sa instagram at fb for sure daming magapply maging jowa ko!”

 

Kumpyansa mong sabi kasi syempre feeling mo para kang display sa divisoria pinag-aagawan.

 

“Iniannounce mo pa talaga sa fb, edi pati yung mga nag-aabang kay Ate Rina alam na, na break kayo. Paano yan mas mauuna ka pang mapapalitan? Sa dami kaya nang nakapila don kay Miss BS Psychology 2019 ng UST.”

 

Natahimik ka sa sandali, aacckkkk ba’t nga ba di mo naisip yon? Sigurado nagdiriwang ang mga mokong, baka mamaya sinusugod na ng mga damuho ang inbox ng beloved jowa/miss universe ng buhay mo este ng ex mong laging tinotoyo!

 

“Paki ko, magmomove on na nga ko. Tsaka may nag-aabang din naman sa kin.”

 

“Oo yung mga pinagkakautangan mong tindahan dyan sa kanto! Delusyonada ka na talaga pinatulan ka lang ni Ate Rina eh.”

 

Nakakaoffend talaga to si Luningning, ibalik mo na nga ito kay Kuya Wil. Naiistress ka lalo imbes na suportahan ka na lang.

 

“Bakit pinagmumukha mo naman na masyado syang nalugi sa akin? Kaibigan ba talaga kita ha?! I hurt very hurt! Miss din naman ako ah! Miss nya lagi!”

 

“Uror! Di ka na nga non mahal kaya nga brineak ka na. Ewan ko ba dun kay Ate Rina nauntog lang talaga yun, buti na lang nagising na.”

 

Excuse me? Grabe yung atake pero malas ba talaga sya sayo? Kunsabagay isa ka lang naman din sa mga sandamakmak na nagkakandarapa sa kanya. Ikaw pa nga yung pinakanasubsob kaya hirap na hirap kang makaalis kung saan ka man niya iniwan.

 

Hindi nga naman kasi sya mauubusan kahit mawala ka pa, kaya siguro ganun-ganun na lang.

 

“Pasmado talaga bibig mo lagi. Puta ka, masakit! Hindi naman talaga sya lugi sa akin tignan mo naman yung nilagay ko dun sa profile ko, gurl dami ko kayang skills.”

 

“Sa ginawa mong yan, sure ka na ba talaga? Hindi mo na ba ulit tatanunging makipagbalikan sayo si Ate Rina? No turning back na to, Winter.”

 

“Oo nga, kung ayaw nya sa maganda at all-rounder na kagaya ko edi don’t!”

 

“Winter, alam naming nasasaktan ka pa rin kaya wag kang magpadalos-dalos. Kung gusto mo mang balikan ka ulit ni Ate Rina, nandito kami para tulungan ka tulad ng dati.”

 

Napahilamos ka ng mukha.

 

Di mo maintindihan ang kaibigan mo, nung una galet na galet ang mga pwet nila dahil sa nagkukulong at nagmumokmok ka sa bahay. Pinipigilan ka pa nga idrunk call or puntahan si Karina, ngayong nagmomove on ka ampota binabalik sa usapan ang magkasecond chance with your ex.

 

“Ayaw na nga nya sa akin, di ba? Di ko sya pipilitin bahala sya, pagod na kong maghabol. Sawa na kong isipin at tanungin sa sarili ko, ano bang mali sa akin? Bakit nya ko itatapon na parang wala lang?”

 

Mukhang epektib ang pagdadrama mo at nakita naman ng friendship mo na desidido ka na. Despite the fact that it really hurtzx na magmahal ng ganito kung sino pang pinili mo hindi ka pipiliin.

 

“Sige tutal kaibigan mo kami, sasakyan namin tong trip mo. Panindigan mo talaga tong paghahanap mo, sinasabi ko sayo.”

 

“Isang linggo lang, Ning. One week, I’ll definitely be over her at may bago na ko.”

 

 

——

 

A/N: (Nasulat na ito before ng what’s in my bag vid nila, late ko na narealize na madalas pala si Winter ang tinotoyo at si Karina ang sumusuyo) (di rin ako tagauste so imbento lang yang mga ganap dyan 😭😭)

Kita ko lang sa notes ko grabe March 2021 nadraft na pala to 🤣🤣🤣😭😭😭 tas until now di pa rin tapos 😭😭😭😭😭😭

Uu winrina as exes ulet ✊

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
271 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
64 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
707 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁