A Litte Bit Moments (#1)

Katha

A LITTLE BIT EXTRAs

 

A/N: Please listen to BINI's Lagi while reading this chapter 

 

---

Hey doc cutie, how do I look? *insert aerial yoga pic

 

R u seducing me???

 

De ah! Assuming ka, bket papaseduce ka ba? 😉

 

Jagi, I’m at work...

 

Eeyyyy edi pang motivation mo 😝

 

Hmm.. himala, ndi ka ba busy dyan?

 

Busy... pero miss na kita kya aq nagtxt... bka ikaw mmya busy sa ibang baby mo dyan kya di mo man lng aq makumusta 🙄🙄

 

Yeah...

 

Ukinam ka! Ano?! Ingudngod kta ksama ng mga binebaby mong iba! 🤬🤬🤬 hahatakin kta sa impyerno tlga mkita mo 😡😡

 

Baby, busy sa mga baby na animals.. did u forget i’m a vet?

 

Ayy hihi uu nga pla... anyway masusundo mo ba ko later?

 

Opo.. then let’s hv dinner nlng sa labas...

 

Shutaaa ka ba’t di mo ko sinabihan agad, babyyy~ super haggard ng tsura ko 😭😭😭😭😭😭

 

You’re always pretty kya even when stressed, sunduin kita later okay?

 

Enebe pero okie 🥺🥺

 

Okay, tama na panghaharot ha? May patient na ko. I’ll see u later, jagi! 😘

 

Ayyy isang kiss lng? D mo na ba ko gnun kamahal? Wla na bang peg ebeg dyan sa puso mwoooaahh? 😫😫😫😫

 

Jagi!

 

Hehe 😘😘😘😘😘😘😘😘😘 momol kse tau dpat mmya doc cutie!

 

Rina...

 

Tinted nman yung car mo ha 🤭 hihi babye 😘👋

 

 

“Hoy bakla ka!”

 

Natapal pa nga yang braso mo habang tinetext mo ang doc cutie mong mahal.

 

“Gaga ka Gis masaket!”

 

“Landi mo! Jusko tuklaw kung tuklaw.”

 

Nasight nya pala yung message na sinend mo.

 

“Excuse me natuto lang sayo..”

 

Nanlaki ang mata ng bestfriend mo sa sinabi mo.

 

“Hindi ko ginanyan si Ningie!”

 

“Kinukorap mo nga utak ni Ningning 2 years older ka kaya!”

 

“Parang ikaw kay Winter hindi?! Ikaw nga madalas nkasunggab dyan sa jowa mo!”

 

“Eeehhh khit na ba... sbi nga ng bomb sunbaenim di ko na mapipigilan ang aking nadarama, kaya wag ka judger!”

 

“Pero hinay-hinay ka naman sizt sukung-suko ka na ng bataan.”

 

Nabuga mo yung iniinom mong tubig.

 

“Tangina ka, Gis! Kala mo naman sa akin, hindi yon ibig kong sabihin na di ko mapipigilan... hoyyy hndi pa right time!”

 

“Asus deny pa more...”

 

“Realtalk Gis, di ako ganun kaeasy!”

 

“Geh! Mukha ka na ngang momol 3 weeks palang kayong dalawa, paabutin mo naman ng monthsary hahaha...”

 

“Hindi nga ko easy! Tsaka wag ka nga, sobrang marespeto ng jowa ko!”

 

“Halata naman, ikaw kasi lagi nanghaharot hahaha...”

 

“Alam mo makaasta ka, hayy naku pagmga inggit kasi pikit na lang!”

 

 

“Baby~ kunin na natin sya....”

 

“Jagi...”

 

Sinisimangutan mo siya.

 

"Tignan mo oh she keeps on nuzzling her head and nose sa akin.. awww ang cute cute mo.."

 

"Rina.."

 

"pleaseeeeee... doc cutie please...

 

"Jagi, I don't think it's a good idea..."

 

“Ikaw nga tong vet sa ting dalawa tapos ganyan ka!”

 

Pagsusungit mo bigla paano ba naman ayaw nya pagbigyan ang request mo. Malalaki naman na sina karomi at kong, bakit ba ayaw niya kumuha ulit ng pusa?!

 

Di mo mapigilan kasi ang cute talaga nung hawak mong kitten, promise mo naman na aalagaan mo siya. Itong jowa mo napakakontrabida.

 

"Rina, you know naman recently nasabihan ka na ng doc that you have cat allergies plus we still have Ttang Kong and Romi."

 

Napabuntong-hininga ka na lang at ibinagay sa jowa mo ang kitten. Baka kasi maiuwi mo na talaga ito ng de oras but looks like Winter is determined na di ka payagan.

 

"Ihhk kasi jagi, nainom naman ako ng gamot!"

 

"Jagi, please understand baka mas lalong tumindi yung cat allergy mo. We already have baby Romi, kaya wag ka na mapilit okay?"

 

"Nakakainis ka..."

 

Tinalikuran mo nga, bakit kasi nagkaroon ka nalang bigla ng cat allergies eh edi sana may pangatlo na kayong anak?!Winter immediately followed you sa labas not forgetting to slide her arms sa waist mo probably inaalo ka since alam nyang nagtatampo ka.

 

"Hmpp... wag mo ko tabihan!"

 

Childish na kung childish but oo, eh bakit ba?! bawal ba magdabog kapag adult na?

 

"Okay, fine. I'll give you space."

 

Huyyy nu daw? taena talaga ng jowa mo apakamasunurin gusto mo lang naman magpabebe ng masuyo niya kaso binigyan ka talaga ng space?! ediwow!

 

"Ano talagang lalayuan mo ko?"

 

Kumukurap-kurap ka nyang nilingon.

 

"You just said kanina na wag kitang tabihan?"

 

Inirapan mo, sumasagot pa siya oh! Di na lang landii-- este suyuin ka.

 

"Fine, matulog ka sala ha!"

 

--

 

Naalala mo na naman yung tampuha niyo nung isang linggo.

 

Kilig pwet ka na naman kasi iniisip mo mga pinaggagawa ng jowa mo para lang makabawi sayo. Hindi mo naman kasalanan na nilikha kang marupok. Huwag kayo, wala naman sigurong nagmamahal ang hindi pa nakararanas maging marupok ni minsan sa buhay nya.

 

In short, don't judge me!

 

Di kasi talaga nagtagal yung tampo mo, ikaw ba naman lutuan ng adobo muntik ka na mangisay sa kilig dahil naabutan mong apron lang suot niya charot parental guidance. Naku, bakit kasi nagsuot pa ng tank top nya sa ilalim? Kasi naman pwede namang hindi ayyyy basta ang y kasi ng doc cutie mo. Enebe, istahhpp kayo dyan ako lang, IT'S FOR MY EYES ONLY!

 

Hinarot ka lang naman kaya nanghina talaga ang tuhod habang sinusubuan ka niya ng niluto niya. My god, sige na nga ireplay ko na para sa inyo.

 

Tanda mo na kagigising mo lang non dahil nakaidlip ka after niyo makauwi from your date dahil nga sa tantrums mo eh umuwi kayo ng maaga kahit dapat ay kakain kayo sa labas.

 

Luminga-linga ka sa paligid, nasaan na ba yung jowa mo? simbakol mong pagharap sa salamin at nagsuklay muna ng buhok nang di mo to mahanap sa banyo.

 

Oo nga pala may cold war kayo, nandoon lang naman siguro yun sa sala. Aba subukan niya talagang lumabas ng bahay ng di pa kayo bati talagang itutuloy mo na sa world war 1 ang away niyo.

 

May nasasagap ang iyong nose na masarap, hala ang bango, nagluluto ba ang bebelabs mo?

 

OMYGOD, ito na ba yung sinasabing nginig sa tuhod kahit hindi ka pa naman senior citizen. Napakapit ka dun sa countertop, shemayyy suot nya yung tank top niyang labas pusod at lalong labas ang ABS.

 

Di mo kinaya parang priniprito ang iyong brain, di mo sya agad malapitan kasing naka in character ka pa rin bilang isang pabebe girls. Pero putek, kung may ganito kang jowa epektib pa ba ang magpabebe? Teh, redi ka na humarot kaso ang iyong puchang pride ang nakataya.

 

Nagmamalfunction ka na nang tuluyan pano ba naman di ka na sure kung alin ang masarap yung adobo ba o siya.

Ayy bet dahil pareho silang yummy di ka makapili alin yung putahe charr...

 

Di mo napansin kusa na palang lumakad ang mga paa mo at lumapit sa kanya. Lalo ka lang naloka sa amoy, ang bango, shet confirmed din masarap pati yung nagluluto ayy eme lang..

 

Kaya mo to, Karina, maganda ka maganda ka di ka marupokpok!

 

"O, jagi.. gising ka na pala.."

 

Mahina nyang banggit mukhang nag-aalangan sigruo dahil nga sa badtrip ka sa kanya kanina. Napanguso ka, ikaw kaya tong nagtatampo bakit grabe yung paawa effect ng boses nya.

 

"Upo ka muna, konti nalang naman na maluluto na ito. Just sit muna and let me take care of everything, okay?"

 

She isn't sure kung pwede ka na ba nya hawakan kaya tinuro nya lang yung upuan. Yawa naman itong jowa mo, ayaw mo ng ganito gusto mo yung nababaliw kapag di ka nahahawakan kasi ganun ka sa kanya. Yung gigil at stressed mo lalo na dahil sa suot niya!

 

How does she expect na hindi mo ikakamatay yung abs niya?! Pwede bang punitin na yung apron na nakaharang? Nakita mo lang nagflex yung tiyan nya when she moved and gestured na umupo ka na.

 

You're not the strongest soldier kaya pwede ba magkainan nalang ka- este kumain na lang kayong dalawa please lang! Any minute feeling mo okay na iulam ang pride mo basta mayakap mo siya.

 

"Jagi.. tikman mo muna ito.. maalat ba or kulang pa sa toyo?"

 

Malapit na yung kutsara sa bibig mo at halos mangisay ka sa kilig, sinubuan kanya accckkk feeling baby ka masyado.

 

Nakakainis naman apat na oras ka palang nagtatampo, pwede ba paabutin man lang ng one day?! Nakita mong naghihintay sya ng sagot mo.

 

"mesherep...uhmm I mean tama lang yung lasa.."

 

Emeghed, bakit biglang init dito sa kusina niyo?! AYAN NA, ayan na OMG hinubad na ni bebe mo ang apron niya! Tangina naman oh, palatak mo sa isip mo.

 

Paano ba naman right after nyang iset yung table niyo ay umupo ka na sa kandungan niya, nasaan na yung pride mo?

 

Wala ka nang pake, kumandong ka na agad at yumakap sa kanya.

 

"Rina?"

 

"Tinotorture mo ko! bakit naman nakaganyan ka?! Palibhasa kasi alam na alam mo kung pano ako kunin e. Isang ngiti, isang kanta, isang yakap, isang sorry, wala. Nagpakita ka lang ng abs, umiikot na uli yung mundo ko! Matalino akong tao pero pagdating sa 'yo, ewan ko, natatanga ako!"

 

"Babe, I'm not even Primo. Please, I don't want to be like him. Tsaka, wala naman abs dun sa linya ni George."

 

"Dapat lang pagako talaga iniwan mo habang naghuhugas ng pinggan mamaya ha! Wala kang maisasama sa mga anak natin sinasabi ko sayo, itatago ko na sila. Che! bakit ba?! May kanya-kanya kaming set of weaknesses!"

 

She laughed at your silliness.

 

"Kidding aside, I'm sorry kanina. I'm just worried, hindi mo alam gaano mo ko pinakaba when the doctor said you got cat allergies without both of us knowing. Ayoko nang hintayin na you'll get severe reactions. I know you love Romi a lot and wala kong karapatan to take her away from you, she's been there with you even bago pa tayo magpakilala. Kaya nga, di kita mapagbawalan to come near her because I know how much she mean to you and ganun din naman sa kin. Karomi brought us together. Natatakot lang talaga ako baka if we get another cat hindi na natin macontrol yang cat allergies mo."

 

You buried your head even deeper sa leeg nito. Eh kasi naman, nagpapakilig na naman ang doc cutie mo, tagos sa kalamnan yata yung kilig na nararamdaman mo. Isipin mo yun parang dati lang nilandi mo to gamit ng pangyoga attire mo ngayon she's head over heels sayo. Ganda lang pinuhunan mo diyan, di mo pa pinapakitaan ng skills masyado pero fall na fall na siya.

 

"Jagi, it's okay. I'm sorry din if nagtampo ako sayo kaniya. Ang cute kasi nung kitten ang sarap iuwi. But of course, ayokong mag-alala ka kaya okay, wag na tayo magadopt ng bagong baby pusa."

 

"Ikaw lang naman ang iniisip ko lagi, baby... your well being, I want to take care of your properly... I'm sorry if hindi kita pinagbigyan but, are you really sure? You're fine with it?"

 

"Ano ba babyyy ko?! Oo nga po, basta pakiss."

 

Pikit agad ang mata mo at nakaamba na yung labi mo hinihintay nalang siya.

 

"You don't need to ask."

 

She proceeded to kiss your lips, na dumirecho ng momol kaso napahinto kayo nung napunta na sa abs nyang kamay mo.

 

"Ayy sorii babeee nahawakan ko..."

 

"I highly doubt na di mo sinadya."

 

"Hindi ng--"

 

Nak ng! Magnanakaw, magnanakaw ng halik! SYETTT bat gnun matigas ayyy char dumaplis lang naman kamay mo ulit.

 

"Hmm?? talaga parang himas na nga yong ginagawa mo eh.."

 

"kainis, gusto mo ba magtampo ko ulit sayo?! pakainin mo na nga lang ako, ahhh.."

 

She happily complied at sinubuan ka.

 

"How was it?"

 

"Yummy po doc cutie... kasing sherep po nung nagluto.. rawr.."

 

---

 

Nandito ka sa place ng best friend mo at may maitim na balak. OPERATION HAROT nakakasa na! Tinignan mo sa full body length mirror ng iyong bff ang suot mong dress. Kala ng jowa mo sya lang mga kayang magflaunt ng assets niya, aba ikaw din meron no!

 

“Hoy Kar, baka naman di na makasuvive si Winter nyan. Ang gara ng suot mo bakla!”

 

“Yasss Gis, bagay ba?”

 

“Expose na expose naman yang likod mo, magkapulmonia ka nyan.. grabe dinaig mo pa yung suggestion ko dati magyoga attire ka para landiin sya....”

 

“Kailangan magnext level kundi di na naman kikilos yung jowa ko! I do na I do na ko di pa rin ako tinatanong!”

 

“So naiisipan mong idaan sa santong paspasan?”

 

“Sizt mag3rd year anniversary na kami right time na to para yayain nya ko ng kasal!”

 

“Bakla eh diba nagmove in naman na kayo after ng first anniv nyo, kailangan pa ba ng kasal?”

 

“Linyahang pakboi ka talaga! Bakit di mo ba pinangarap ikasal?”

 

“Beks, simula ng nalaman kong biual ako at nakilala ko yang si Ningie knows ko naman na imposible makasal.”

 

“Hay naku kahit na ba pwede naman sa ibang bansa tsaka lalo kayang nakakaassure sa pakiramdam kapag niyaya ka nya kasi it means gusto nya talaga matali sayo forever!”

 

“Alam mo yang singsing, maliit na posas lang yan basta ako kahit wala yon at wala ring kasal kasal, sinumpa ko naman na sa sarili ko na si Ningning na habang-buhay. Pangtravel na lang namin together kesa igastos sa kasal.”

 

“Same ba kayo ni Ning ng pananaw? Mamaya ikaw lang nag-iisip ng ganyan, eh paano kung gusto ni Ning makasal?”

 

Napatigil ito at mukhang nag-iisp, natumbok mo nga.

 

“See? Di ka makasagot dyan.. Gis, kung ako sayo better mapag-usapan nyo yan haler magapat na taon na kayo!”

 

Naputol ang usapan niyo nang mapansin mo ang pamilyar na kotseng nakaparada.

 

"Ayyy andayn na bebe ko, Gis! Ano look at me sizt?? yummy ba? Gusto ko yung maglalaway sa kin doc cutie!"

 

"Gaga ka talaga Kars, oo na jusko!"

 

"Bye, pagdi na ko nagtext later alam mo na *wink"

 

"My god, don't tell me the details.. apakadumi ng utak mo!"

 

Lagi nang umaawit, umaawit mula kusina hanggang sa sala
Lagi nang napapasabing ‘mahal kita’ mula umaga, mukhang malala na
Hanggang gabi pauwi at bago matulog nang mahimbing
Naiisip kita lagi lagi~

 

---

 

 

Nagparamdam lang ako just to say that I'm going to finish all the shots hahahuhuhu hindi ko palang talaga tapos hahahahah niwey, sa totoo lang nahirapan talaga ko isulat yung ending ng MPM kasi naman I DIDN'T PLAN IT TO BE THAT LONG... maximum lang sana ng 5 shots hanggang sa naging sampu na... well, fault ko naman yun hahaha tsaka sad news din bcs I'VE WRITTEN ALL THESE SHOTS SA PINAKAINGAT-INGATAN KONG IPAD na tuluyan ng nasira last year dahil nabagsak.. But I was able to retrieve the drafts ng mga shots dahil sa icloud di lang ako sure if nakasync lahat since ung last na pagback up ko ay last last year pa kasi di ko naman inaasahan na malaglag sya at mababarag ng husto yung screen. 

Naawkwardan talaga ako sa pc magtype (tinapos ko tong shot na to sa pagkakalaki-laking monitor, gusto ko na lang umiyakk) so I guess matatagalan pa talaga bago yung last shot and epilogue ng MPM dahil magiipon muna ko for either a laptop or tablet. Pagdesktop kasi parang binobroadcast yung sinusulat, di ko bet ahahhaha

Nauna na magkajowa si K in real life bago makakuha ng closure si MPM Winter sa ex niya hahahauhuhu... Sori may favoritism ako, oo isa tong a little bit sa paborito kong shots kaya sorina guys im sarrehhh, im sareehh... sisihin nio yung BINI nalss ako sa LAGI so naisip ko bagay to kay ALB Karina na patay na patay sa Doc cutie niya... 

SEE YOU SA NEXT SHOT OR CHAPTERRRR :)
 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
271 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
64 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
707 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁