Masyado Pang Maaga (IV)

Katha

Please listen to Sugarfree's Kung Ayaw Mo Na Sa Akin while reading this chapter.

 

“Baby?”

 

Hindi ka sumasagot, nakatutok ka pa rin sa problem na sinosolve mo kanina pa.

 

“Jagi~”

 

Wala ka pa ring imik.

 

“Babe!”

 

“Hmmm...”

 

Tumugon ka habang busy ka na gumamit ng ruler sa worksheet na sinusulatan mo. 

 

“Talaga bang di mo ko papansinin?”

 

Hindi mo na masyadong marinig ang sinasabi nya kasi nakatutok ka na ulit sa papel mo. Maingat ka kasing nagbabagtas ng linya sa ilalim ng numero, kaunti na lang. 

 

“AHH!”

 

Nakaramdam ka bigla ng sundot sa tagiliran. Oops tumabingi yung ruler, !

 

“Hala babyyyy sowweeee...”

 

Kulang na lang lumuhod sya agad, ang sama kasi ng tingin mo sa kanya. Normal naman sigurong manlisik ang mata dahil sa ginawa nya.

 

“Jagiyaaaa, sorryyyy~”

 

Sa inis mo, di mo mapigilan ang sasabihin.

 

“Nakakarewind ba yang sorry mo? Patapos na ko eh idodouble rule ko na lang.”

 

Natahimik sya dahil oo nga naman anong saysay ng sorry nya, the damage has been done. In this case, damage on the worksheet is done. Alam namang nyang ayaw ng mga prof mo ang gumagamit ng correction tape or liquid basta pati yun may katumbas na minus points. Nakwento mo naman kasi sa kanya kung gaano sila kastrikto. 

 

Bumuntong-hininga ka, nakita mo itong nakayuko at hindi alam ang gagawin. Kumuha ka na nang panibagong worksheet at nagsimulang ilipat ang solutions mo. Ang tagal nya ring nastatwa don sa gilid ng kama mo, hindi ka pa rin nito tinignan ulit. Narinig mo lang itong nag-iipon ng hangin.

 

“Gusto ko lang naman kasing magice cream break ka sandali. Yayain sana kita maglakad-lakad papuntang 7eleven, for sure masakit na yung likod mo kakayuko. I’m sorry baby di ko naman sinasadya masira yung gawa mo.”

 

Dumaan pa ang ilang sandali nang binahsak mo yung ballpen mo dahilan para mapalingon ito sayo.

 

“Ako na magrerwrite nyan, baby sorry talaga...”

 

“Fine.”

 

Nagulat pa ito sa sagot mo. Never ka kasing pumapayag na tulungan ka nya sa mga assignment mo kahit maglipat ng scratch to worksheet. In short, kapag sayo ikaw lang dapat ang gumagawa.

 

“Tara na, idate mo na ko don.”

 

“Ha?”

 

“Yung ice cream kamo diba, gusto mo?”

 

“Yes, di ka na galit?”

 

You kissed her cheeks and sighed.

 

“Winter, hindi naman ako galit, medyo inis lang.”

 

Daya, di mo kasi sya natitiis lalo na pagnakikita mo yung maliit na figure nya, para syang maliit na puppy or kitten na nasa sulok. Ang cute cute nya!

 

“Hala paano yung worksheet mo.”

 

“Sabi mo tutulungan mo ko magrewrite.”

 

“Payag ka?”

 

“Hmm oo, basta gayahin mo ng maigi yung sulat ko.”

 

“Hala paano ko naman gagayahin eh parang kinalahig ng manok yon.”

 

Mahina nitong bulong pero malaki ang tenga mo kaya rinig na rinig mo. Nanglait pa nga ng sulat, kahit pangit yon at least maganda ka.

 

“Anong sabi mo?”

 

“Wala! Wala, sabi ko nga kahit ako na lang mag-isa magrewrite. Matulog ka na after natin magice cream kasi may 8am class ka pa. Ako na bahala, don’t worry!”

 

"Okay, thank you Win.."

 

Hinawakan mo ang kamay nya at mabagal na naglakad tila ninanamnam ang saglit na pahinga. Good thing nandyan sya to remind you to take a break minsan.

—-

 

Naglibot kayo sa Manila Zoo nung 5th monthsary nyo, dami talagang alam ni Winter at dito ka pa dinala. 

 

“Baby, curious lang.”

 

“Ano yon?”

 

“Paano ka nakawala?”

 

Minsan talaga super weird at random ng mga tanong nya.

 

“Huh?”

 

“Bakit mo naman sila iniwan?”

 

“What do you mean? Sinong sila?”

 

“Hindi mo ba sila namimiss?”

 

“Baby, ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan.”

 

Nakita mo ang pagtakip nito sa bibig nya at maluluha nyang mata.

 

“Bakit ba? Ano yon?”

 

Nag-aalala ka bakit biglang naging ganito sya? Kani-kanilang ang saya nyong dalawa.

 

“Nalulungkot kasi ako para sa kanila.”

 

“Huh? di pa rin kita gets.”

 

Sabay turo nito sa likuran mo. Aba’t putangina nga naman, gusto mo syang dagukan.

 

Mabilis pa sa alas kwatro ang muli mong pagbaling sa kanya, nadatnan mo itong humagikhik at nangingilid ang luha sa tuwa.

 

“Gago ka talaga, Winter!”

 

“HAHAHA baby totoo naman po kasing kalahi mo sila!"

 

Inirapan mo, pano ba naman kasi nasa likod mo pala yung mga giraffe.

 

—-

 

 

“Galit ka?”

 

“Winter...”

 

“Di ko sinasabing galit ka pero ganun na nga.”

 

“For the nth time, sinabi na hindi nga!”

 

“Okay...”

 

Sa wakas at napirmi din sya. Di mo lang naintindihan, bakit ginawa pa rin nya kahit alam nyang magagalit ka?

 

“Huwag kang malikot!”

 

Sabi mo habang dinadampi sa kamao nyang marami na namang sugat. Nakasalubong ang kilay mo paano ba naman madadagdagan na naman ang peklat nya.

 

Napabuntong-hininga ka tuloy habang patuloy na nililinis ang mga sugat nya.

 

“Galit ka?”

 

Pinaikutan mo ng mata, ayan na naman sya. Sa asar mo dinukdok mo sa gilid ng labi nyang dumudugo ang bulak na nilagyan mo ng alcohol.

 

“Aray huhu galit ka eh... babyyy sorry!”

 

“Paanong hindi ako magagalit? Akala ko ba sabi mo iiwas ka na sa gulo!”

 

“Eh baby nilalapitan ka nya, mamaya bastusin ka pa non...”

 

“First of all, wala nga dapat makaalam na tayo na. Bakit mo naman ako lalapitan? Buti na lang, alam nila I was there to celebrate yung katatapos lang na exams namin. Pangalawa, nakalimutan mo bang black belter ako sa taekwondo? I can handle myself well, Winter.”

 

“Pero jagi...”

 

“Gusto ko lang tigilan mo yung pakikipag-away. Okay, I know magaling ka sa bardagulan but please mamaya sumobra na baka ano pang mangyari sayo.”

 

Nakalabi pa rin ito at hindi pa rin tinatanggap ang mga sinasabi mo.

 

“Winter...”

 

Nagtatampo pa rin ang bata.

 

“Baby, nagaalala lang kasi ako sayo. Please promise me last na to, okay?”

 

Umiling ito.

 

“At bakit hindi?”

 

“Hindi naman sa hihindi. Ano lang baby pwede pakiseal with a kiss hehe...”

 

“Fine.”

 

Pinagbigyan mo at inilapit ang sarili sa kanya. Hindi sa lahat ng pagkakataon lagi syang panalo.

 

“Aray!”

 

Sa inis at bilang ganti mo sa pagiging pasaway na naman nya, kinagat mo yung ibabang labi nya.

 

“Baby! Masakit! Huhuhu grabe ka sabi mo di ka galit!”

 

Tinawanan mo lang ang itsura nyang mangingiyak-ngiyak na. Sometimes, hindi lang sya ang isip-bata pareho kayo.

 

-


 

 

 

 

Putangina.

 

Bakit naman kasi maiiwan mo pa yung recorder mo sa SC room?

 

At putangina ulit kasi nakita mong nasa pinto ang bagong jowaers ng ex mo. Masama ang pinupukol na tingin nito sayo pero ikaw dedma lang dire-diretso papasok.

 

Syempre di naman sya lehitimong SC official para makapasok agad-agad sa loob. Walang jowa jowa pass dito, ikaw nga pumupuslit lang para makasulyap noon sa bebegorl karina mo.

 

Heh, panis ka don boi.

 

Sadlife lang kasi hindi mo napansin na may nagmamadali rin palang lumabas. Tumilapon ang mga hawak nito sa sahig, ikaw naman napaupo dahil sa pagkakabangga nyo.

 

“Sorry”

 

Agad-agad mong sabi, ay sana di ka na nagsorry. Si miss president pala yon. Nagkatitigan kayong dalawa, ikaw nanatiling nakaupo habang sya muntik lang maoit of balance pero nakatayo pa rin. Minsan nalilimot mong mas malakas nga pala ang physical strength ng ex mo kaysa sayo.

 

“Sorry? Anong magagawa ng sorry mo ha? Tumingin ka kasi sa nilalakaran mo!”

 

May asungot na nagputol sa katahimikan nyong dalawa. Nakapasok na nga si Jeno sa loob at handa na gerahin ka. Hindi ka na lang umimik. Pinulot isa-isa ang mga gamit ni Karina. May nakapukaw ng atensyon mo.

 

Guitar pick na blue. Ano yung nakasulat?

 

May nakaengrave pa yatang pangalan. Babasahin mo na sana kaso biglang hinablot na sayo ni Miss Pres ang mga gamit nya. Nagmamadali nga pala sya.

 

Ang weird, hindi naman sya nagigitara. Never mo ring nakita yun sa mga gamit nya noon.

 

“Sorry rin.”

 

“Ba’t ka nagsosorry sa kanya? Siya yung may kasalanan, tatanga-tanga kasi maglakad kung saan-saan nakatingin.”

 

Bagay talaga sa kanya ang palayaw na asungot.

 

“Jeno, we’re both at fault okay?”

 

Kita mong paghawak nito sa braso ng lalaki.

 

“Tsk, pasalamat ka at nagmamadali kami ni Rina.”

 

Hindi pa nakuntento, inanggihan ka pa ng balikat at dahil sa maliit ka lang madali kang natulak sa gilid.

 

Putangina talaga.

 

Dapat hindi ka na lumingon, nadatnan mong kinuha ni Jeno ang bag ni Karina at iba pang mga gamit nito. 

 

Boyfriend duties pweee!

 

Tumawa ka ng mapakla. Hindi naman basta-basta pumapayag ang ex mo na sabayan sya sa pag-uwi. 

 

Isa lamang ang ibig sabihin non.

 

Baka ikaw nga ang hindi marunong umintindi. 

 

Baka nga tama sila na malawak naman talaga ang mundo at ayaw mo lang talagang buksan ang mga mata mo.

 

Dahil yung nag-iisa mo, malayong-malayo na sayo at hawak na ng iba.


Kung ayaw mo na sa akin
Di na kita pipilitin
Kung buo na ang loob mo
Bahala ka na sa buhay mo

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Walis-
Thanks sa pagbabasa at paghihintay! SANA TALAGA MATAPOS KO NA YUNG MPM AT NANGANGAMBA! Ilang years na di makamove on si MPM Winter hahahaha 🤣🤣🤣🤣

Comments

You must be logged in to comment
CincoYoo
#1
Chapter 40: miss u tor🥹
minjeongflakes
#2
Chapter 39: otor kailan ko sunod na chapter ng mpm 😭
ohyo_ohyo319
#3
Chapter 33: Huhuhu wa pa po ba kasunod yubg kung ayaw mo sa'kin 😭😭
TYTFshipper
271 streak #4
Chapter 48: Hala tor you are ano. Buhay pa. CHAR 😭
seulreneislife #5
Chapter 26: pakshet, ge okay lang naman🙂 hanggang dito ba naman pinagpalit sa may etits si win. EMEE
bat ngayon ko lang nadiscover tooo gonna read all the stories heree
seulreneislife #6
Chapter 31: Chapter 31: Chapter 31: AUTHOR NAMAN feel na feel ko na yung mga salitaan ni Rina tapos biglang may nasamang a/n sa kalagitnaan😭
btw tangina netong aff bat may chap48 sa comsec boset hirap tuloy malamn anong chap pinepertain ng commments
Gungdaengie
64 streak #7
Chapter 31: Jusko apaka engot ni winter dito😭 sana naman suyuin niya si karina potek
babbyoink #8
Chapter 48: HahahA. funny mo author.. bini fan here.
ryujinie__
707 streak #9
Chapter 48: CUTEEE KDHSJSJ
yhielswift013
#10
Chapter 48: mesherep 🤭
Ni ways, I like A Little Bit din po, take your time lang tor 😁